Green Chilis 🌶🌶🌶 Sino ba naman ang hindi mattuwa kapag color green ang mga cryptos diba hehe pero gaya nitong mga siling berde ay nakakatuwa pagmasdan ang kanilang kulay. Pero kahit green ang kulay nito ay may anghang pa din na malalasahan at maaari din unusok ang tenga niyo hindi dahil sa galit ha kundi dahil sa anghang na hatid nito. Madalas na ginagawa dito noon ay panghalo sa mga lutuin gaya ng sinigang, dinuguan at iba pang ulam. Nag upgrade na din ang gamit sa siling berde dahil kahit sa meryenda ay pwede na ito. Yes! pwedeng pede po dahil may tinatawag na "Dynamite", ito po yung siling berde na inalisan ng buto tapos pinalamanan ng giniling na karne at cheese pagkatapos ay ibinalot sa lumpia wrapper tsaka naman pinirito 😋. Kahit ang sili na ito kasama na sa streetfood bucket list hehe, natatakam nanaman ako 😂🤤.
No comments yet