Sinabawan na giniling na karne with patatas π Dahil maulan pa din dito sa amin at malamig na ang simoy ng hangin kaya naman ang ulam namin for today's lunch ay may sabaw again hehe. Matik na siguro iyan kapag naulan na dapat may mainit na sabaw tayong mahihigop. Ginisa namin ito sa kamatis kaya masarap ito at malinamnam din ang sabaw. Ngayon pa lang kami kakain ng lunch at sakto naman luto na ang ulam namin kaya masarap humigop ng mainit na sabaw habang pumapatak ang ulan π₯°. Ingat po ang lahat ng nasa labas ng bahay dahil maaating malakas ang buhos ng ulan sa inyong lugar. Huwag din po magpabasa sa ulan para makaiwas sa ubo at sipon. Good noon and happy lunch time po sa lahat π€
No comments yet