Puto with Cheese and Salted Egg Rainy Monday Morning 🤗, yes po hanggang ngayon ay naulan din dito sa amin. Napasarap na nga ang tukog ko dahil sobrang lamig po. Time to wake up na po at Monday na po kaya dapat umpisahan natin ang panibagong week na ito ng may saya at puno ng energy 🥰. May dumaan na nagtitinda ng Puto espesyal kaya nagbili ako, 45 pesos na ang presyo nito samantalang dati nasa 30 pesos lang yung isang triangle na cut. Pero sulit naman sa sarap dahil may cheese at salted egg ito at hindi ito yung ordinaryong puto lang kaya okay na din sa presyo. As usual I need to drink my choco na coffee para naman magising na ako ng tuluyan hehe. Ingat po lahat ng lalabas sa bahay at laging magdala ng payong at bigla nalang nabuhos ang ulan. Kung kailan naman malapit na ang pasukan ng mga estudyante ay tsaka naman sumasabay ang ulan. Kawawa mga estudyante kapag malakas ang ulan at nababasa sila tuwing napunta at pauwi galing sa school.
1 comment
sarap to sa milo lalo pa now na naguulan ang panahon.