read.cash Log in
@ScarletDoll more from that month

Buying some Dried Fish Maaga ako nagpunta sa palengke kanina para bumili ng mga pinatuyong isda gaya ng tuyo, dilis at sapsap. Ang daming pwede bilhin kaya lang kakapusin sa budget kaya konti lang binili ko. Masarap lasi ito sa almusal or hapunan basta may kamatis at suka na sawsawan ay solb na ako diyan at mabubusog talaga. Ito din ay masarap kapartner ng sinangag or fried rice na maraming bawang 😋. Pili na din po kayo at baka may gusto kayo bilhin sa mga iyan hehe. Napansin ko kanina wala nagtitinda ng itlog na pula or maalat. Ang sabi lang sa akin nung nagtitinda ay mahal daw ang puhunan sa itlog na maalat kaya hindi muna sila nagtitinda nun. Balak ko din kasi bumili ng itlog na maalat kaya lang wala ako mahanap na nagtitinda dito sa palengke. Good morning pala sa inyo hehe, medyo makulimlim po ang langit kaya tila ba uulan din mamaya. Ingat po sa lahat ng papasok sa trabaho at laging magdala ng payong para hindi maulanan.

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.