read.cash Log in
@ScarletDoll more from that month

Nakabili din ng Taho 😋 Sa tinagal tagal ngayon lang ako nakabili ulit nitong taho haha. Pano ba naman kasi ang hirap tyempuhan ng nagtitinda nito at para bang nagmamadali palagi. Pero masaya na ako dahil makakatikim na ulit ako ng taho. 10 pesos lang ang bili ko dito at punong puno naman yung cup at marami din yung sago na nilagay. Tama lang din yung tamis nung syrup at mainit pa din yung kulay puti yung gawa sa soy bean kaya ang sarap nito inumin ngayong umaga. Sigurado ako na marami din sa inyo ang mahilig bumili ng taho 🤗. Pero gusto ko matikman na taho yung may ibang flavor gaya ng strawberry, ube at mango 😋😁. Sa ibang lugar meron na flavors ang taho na binebenta nila pero dito sa lugar namin plain pa din ang flavor yung syrup na color black pa din.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.