Prito at Nilaga na Saging na Saba Si Mama gusto niya ay prito at si Papa naman ang gusto ay nilaga. Magkaiba sila ng gustong luto sa saging na saba kaya naman dalawang klase ang breakfast namin ngayon prito at nilagang saging 😅. Masarap din naman yung nilaga pero mas nasasarapan din ako sa prito tapos lalagyan ng asukal. Sa pagkakaalam ko ay mas masustansya kung hindi na lulutuin ang saging na saba kaya lang hindi naman namin makain ng hilaw yun at iba din sa panlasa po. Partner nalang ito sa kapeng mainit at solb na again ang almusal. Bigay lang kagabi yung saging na saba ng kumpare ni Papa dahil nag harvest sila dun sa farm nila sa may bukid. May mga taong nagkukusa pa din na magbigay sa kapwa nila kahit mga simpleng bagay gaya nito at nakakataba din naman ng puso na naaalala nila na bigyan kami. Isang magandang umaga muli ang ating nasilayan at malapit na sumikat si Haring araw. Naway maging mapagpala at masaya po tayong lahat sa araw na ito. Happy Saturday or should I say Happy weekend po ☺️. Kain muna ng breakfast para happy din ang inyong tummy this morning.
5 comments
Oi, same tayo ng almusal ah. Nilagang saging. Wow.
Ito rin po ang madalas almusalin ng nakakarami sa atin dahil mura at minsan ay bigay pa.
Ay true. Sa akin, kadalasan bigay lang. Heheh
Oi ang sarap po nyan mam. Enjoy sa food po and eat well. Have a very nice day po sa inyo.
This is banana or eggplant?? I love eggplant. Any kind of food made from eggplant i love it.