read.cash Log in
@ScarletDoll more from that month

Sunday is so Blessed πŸ₯°πŸ™πŸ» 1st Photo: Iyan po ang nilabhan ko kanina na mga bed sheet, kumot at punda. Dahil maninipis ang mga tela niyan ay kinusot ko nalang sa kamay. Tipid na sa kuryente at nakapag exercise pa ang kamay at braso ko hehe. Mas gusto ko din kasi na kinukusot ang mga iyan para mas malinis kung labhan. Ariel powder po ang gamit ko kaya sobrang bula at ang bango din. Mga 10 minutes ako nagkusot niyan at after nun ay binabad ko muna ng mga 5 more minutes bago banlawan. Double dryer din ang ginawa ko para mas mabilis matuyo kapag sinampay ko na. Ito lang nilabhan ko pero napagod din ako πŸ˜…. 2nd & 3rd Photo: Early in the morning bago ako mag breakfast ay naglakad muna ako dahil magpapaaraw sana pero kulimlim ang langit kaya hindi nakapagbilad ng likod sa init ng araw. Ang cute din nitong American Bully Dog na nakita ko na nakatali sa loob ng bahay malapit sa amin. Hindi naman niya ako tinatahol kaya kinunan ko siya ng picture. Hindi pala aggressive ang ganitong aso at tingin ko maamo din sila kahit sa ibang tao. Ang alam ko mahal ang ganitong breed ng aso kaya mapepera lang talaga ang may kakayahan magkaroon ng ganito. Ang ganda din ng color ng fur niya na ash gray 😍.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.