Nilagang baboy π Tanghalian na! Kainan na! Gutom na din siguro kayo dahil yun din ang nararamdaman ko ngayon π . Gusto ko lang kumain na ng lunch habang mainit pa ang sabaw ng nilaga. Repolyo, petchay at patatas ang mga gulay na sahog nito. Syempre si Papa ko ang nagluto niyan kaya masarap yan panigurado π. Patis labo nga po pala ang sawsawan namin para sa nilagang baboy. Dumidilim po ulit ang langit dito sa amin pero mainit pa din ang paligid dahil hindi naman uulan. Pero kung unulan man okay lang dahil mas pabor naman at lalamig hehe. Itigil niyo po muna ang mga gawain niyo at unahin muna ang kumain ng lunch dahil masama ang magpalipas ng gutom π€. Kaya naman sabay-sabay na po tayo kumain at magpakabusog ngayong tanghali.
1 comment
Sarap naman niyan sis. Sarap humigop ng sabaw.,π