Green Peas and Boy Bawang Cornick 😋 Ito po ang nilalantakan ko ngayong hapon 😅 dahil nakakatamad lumabas ng bahay dahil ang init. Pag tiyagaan nalang kainin ang cornick at green peas para sa meryenda. Nung bata ako mahilig din ako kumain ng cornick tapos ilalagay ko sa isang mangkok at lalagyan ko ng maraming suka tapos kukutsarain ko 😋 Yum! Ganun ang masarap na way para kainin ang cornick at hindi pa dun nagtatapos dahil kapag may natirang suka ay iinumin ko pa yun haha Oh diba ang lakas ng trip ko nung bata ako pero ngayon konting suka nalang nilalagay ko 😅. Ramdam na dito sa amin ang sobrang init at parang back to summer na ulit 🥵🌞, pero mas mabuti na ang ganitong weather kaysa puro ulan at nakakatakot din kung lumakas ang pag ulan diba po. Enjoy nalang muna natin ang init ng araw dahil ilang days din natin ito hindi naramdaman.
1 comment
Grabe nga Ang init ngayon pero pag dating Ng Gabi umuulan Naman Ng malakas . Boy bawang Ang gusto ko noon Kasi lasang bawang pero ngayon medyo matagal na akong di nakakain niyan di ko na Alam Ang lasa hehe