Del Monte Juice Drink π₯ππ Kanina nagpunta ako sa grocery store dahil may binili lang ako na mga kailangan sa kusina. Napatingin ako dito sa Del Monte Juice in can at medyo natulala ako sa presyo dahil sa pagkakatanda ko ay dati nasa 20 pesos lang ang price nito pero ngayon ay aabot na ng 30 pesos. Pero kahit nagmahal na ay iyan pa rin ang number 1 choice ko na brand pagdating sa mga juice drink dahil yung quality ng lasa at sarap niyan ay walang kapares pa din. Ang favorite flavor ko pala diyan ay yung Mango at Four Seasons π. Dati madalas ako makabili niyan pero ngayon ay bihira nalang. Nagbili lang ako kanina ng tig isang mango at four seasons at palalamigin ko nalang muna sa ref namin at bukas ko nalang iinumin during meal.
8 comments
Pineapple sakin kaingay. thanks
Kung pineapple mas masarap yung sweetened.
Ay matamis masyado yan.
Sakto lang naman kasi medyo maasin yung original na pineapple nila mapapapikit ka kapag ininom mo na haha.
Bet ko iyong original flavor na pineapple ba. Hehej
Sabagay kanya kanyang taste iyan hehe
4 seasons π₯€
Ang mamahal na po talaga ng mga pagkain at inumin.. Have a great morning po sa inyo.