Minsan niyo din ba naisip na bumalik sa pagiging bata? ππ€π Kapag lagi ako nakakakita ng mga rides o laruan na dati ay gustong gusto ko laruin nung bata pa lamang ako ay naisip ko na kung pwede lang maging bata nalang ako forever hahaha. Ngayon kasi na nagkaisip tayo at nalaman na natin ang realidad ng buhay ay maiisip natin na maswerte pa din ang mga bata lalo pa kung may mga magulang o guardians na nagaaruga sa kanila dahil sila yung tipo na wala masyadong problema kundi ang maglaro at magsaya lang. Naalala ko din dati nung bata ako gusto ko na matapos agad sa pagaaral at magtrabaho agad para lahat ng gusto ko ay mabili ko, pero na realized ko ngayon na hindi ganung kadali makamit lahat ng pinapangarap ko nung bata ako. Maiba ang usapan po hehe, Finally umaraw din dito sa lugar namin. End of contract na yata ang ulan π . Mas maigi na muna ang maging sunny day ngayon para naman makapagbilad tayo ng mga sinampay at sarili natin haha. Sana maganda na din ang weather sa inyong lugar.
No comments yet