read.cash Log in
@Savel.24 more from that month

Mga Tula

Guro Siya'y tunay na huwaran Modelo sa kabataan Siya ay tinutularan Higit na dapat hangaan Salamat sa sakripisyo At pagpapakahirap Upang ang isang tulad ko Ay lubos na matuto Ika'y dapat parangalan Dahil sayong kasipagan Ang munti kong kaalaman Ay laging nadadagdagan Ang mga paala-ala mo Ay magsisilbing gabay ko Saan man ako tutungo Ito ay madadala ko Huwag sanang pagsawaan Ako'y paalalahanan At bigyan ng kaalaman Na aking matututunan. Ang lahat ng guro ay ating pangalawang magulang ika nga nila na totoo naman. Hindi natin alam kung gaano kahaba ang binibigay nitong pagpapasinsya sa kanilang mga mag-aaral. Kung baga ay pag napuno na yung isang baso magdadagdag ulit ng panibagong baso, ganyan sila magpasensya. Hindi din masusukat ang kanilang pagpapakahirap para gumawa ng paraan para tayo ay matuto. Iba't ibang stratihiya at kakaibang pang iingganyo ang ginagawa nila para tayo ay matuto. Para naman hindi sayang ang paglalaba ni nanay sa ating yuniporme, pagbili ng mga kagamitan sa paaralan, mga aklat at pagbabayad ng matrikola kung mayroon man. Magsikap para sa hinaharap Ang buhay nating tao Ay sadyang mapaglaro Kay hirap mapagtanto Kung saan ka tutungo Kay dami ng pagsubok Kahit saan mang sulok Pano ba matatarok Ang pinakataluktok. Pag asa ay ang Siyang makakatulong Upang makaparoon Sa tamang destinasyon Kailangan lang harapin Problema ay lutasin Huwag sumuko mandin Lahat ay kakayanin Wala namang mahirap Sa taong nagsisikap Basta ba may pangarap Tagumpay. . . malalasap Hindi lang guro ang kailangan magpakahirap kundi ang mga mag aaral din. Kailangan ng isang mag aaral para matuto dahil umaasa ang mga magulang nito na ito ay makakapagtapos ng pag aaral. At maabot ang tuktok na ninanais ng mga magulang para sa anak. Nakakalungkot lang na sa panahon ngayon ay mas dumarami ang mga batang ina at batang ama. Ngunit sa kabila nito ay may iba pa rin na tumutuloy sa pag aaral maakyat lang ang tuktok ng kanilang mga pangarap. At ang iba naman ay hindi itinuloy ang pag akyat dahil sa ikinahihiya nila ang kanilang nagawa. Nakakapanghinayang, oo, pero sa kabilang banda wala nang dapat sisihin kundi tanggapin ito at pangatawanan. Maging responsable sa lahat mga desisyon na ginagawa sa buhay. Halaga Buhay nga ay makahulugan at masaya Tao sa paligid mo'y handang damayan ka Palaging nariyan upang magbigay saya Kahit sila ay may sarili ding problema. Laging nandiyan kapag kailangan mo sila Handang damayan ka anuman ang problema Anumang pagsubok tutulungan ka nila Gagawin lahat upang ika'y mapasaya Mga kaibigan na palagi mong kasama Kung ituring mo'y parang tunay ng pamilya At ang pamilya mong naiintindihan ka Parang kaibigan kung payuhan ka nila. Datapwa't sa buhay, problema ay kasama 'di dapat sumuko sa anumang hamon nya Dito masusukat tiwala mo sa kanya 'di ka nya iiwan kung may pananalig ka. Taong nagmamahal sayo'y ingatan sana Kasama sila sa kaloob na biyaya Mahalin mo at pahalagahan din sila Upang tayo'y biyaya ring ituring nila. Hindi lang sarili ang dapat pahalagahan kundi ang ibang tao din. Hindi sa lahat ng oras ay hindi ka mangangailangan ng tulong ng iba. Pahalagahan ang tulong na ibinibigay ng iba, maliit man yun o malaki. Hindi din dapat namili ng taong tutulungan dahil sa mata ng Diyos ay lahat tayo ay pantay pantay walang mahirap o mayaman. Wala ang poong maykapal na binigay na libel kung sino man ang dapat tulungan. Basta nangangailangan ay dapat tulungan. Lalo na ang mga may kapansanan na labis na nangangailan ng uraga at tulong ng kapwa din nito tao. Pag dating sa kaibigan o kakilala, aminin man natin o hindi may mga kaibigan o kakilala na pag may kailangan lumalapit at pag wala na ito kailangan ay hindi kana nito kilala.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.