read.cash Log in
@Savel.24 more from that month

Tulas

TUMULONG KA! Mula sa iyong pagkabata Buhay mo ay puno ng biyaya May mga magulang na nag-aaruga Mga kapatid na kasalo sa tuwa. Buhay mo ay puno ng ligaya, Ngiti mo'y punong puno ng saya. Kasuotan at kagamitan tunay na kay ganda Lahat ng iyong kailangan ay mayroon ka. Sandali...ako'y may hinihiling, Sa iyong paligid ikaw ay tumingin May mga tao di mo napapansin, Nagdurusa at nalulungkot mandin. May mga pulubi, bulag at ulila Naglipana...yao't dito sa kalsada, May mga batang lumaki sa lansangan Gawaing hindi maganda yaong nakagawian. Biktima nga baha, lindol at bagyo Pagputok ng bulkang pinsala'y Kulang sa damit, tiraham ay wala rin Salat sa pagkain mga batang sakitin Hindi man kapamilya o kakilala Tulong mo'y lubos na kailangan nila Maayos na damit, pagkain at pera, Kay laking tulong pag pinagsama-sama. Maging bukas - loob sa iyong kapwa, Pagtulong mo'y may laang gantimpala. Puso ni Hesus, magtitigib sa tuwa, Pati na ang Amang sa ati'y lumikha. TAKOT AKO Isang gabing madilim, nakaupo mag isa Nakatambay sa aming terasa, Pinagmamasdang buwang kay ganda Nagsisilbing ilaw sa sapagkat kuryente'y wala pa. Kaylamig ng paligid, kay tahimik pa Simo'y ng hangi'y aking nadarama. Huni ng kuliglig maririnig sa Sa wirdong nadarama, ako'y biglang nagtaka. Balahibo'y tumindig, hangi'y nag iba Kaluskos ng tuyong daho'y wari'y sa'kin ang punta Ako'y kinilabutan, nanlamig Hindi ko maigalaw kamay ko at paa. Sa di kalayua'y may natanaw akong bigla, Mula sa daang madilim, naglalakad siya. Gusto kong pumikit dahil sa aking nakita, Babaeng nakaputi, sa aki'y papalapit na. Hindi mawari kung anong mararamdaman ko "Anak, bumili lang ako ng ulam, tara! Kain tayo" Aysus! Muntik na akong mapatakbo, Si nanay lang pala, akala ko multo. AYAW KO NANG MASAKTAN Ako'y nagtatanong kung bakit ganito, Kasi parang napakamanhid mo. Ginawa ng lahat para mapansin mo, Pero para sa'yo kulang pa ito. Ano ba ang dapat gawin para mapansin? Ano ba ang dapat gawin para mahalin? Ano ba ang dapat gawin para isipin? At nang hindi masaktan itong damdamin. Alam mo ba ang dahilan kung ba't nagkaganito? Ba't ganito ang nararamdaman ko! Kung bakit nahihirapan ako? Dahil iba ang minahal mo. Kaya nga pipilitin na lang na malimot ka, Pipilitin na lang na maghanap ng iba. Pipilitin na lang na umibig sa iba, Sa gayo'y di na masaktan pa.

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.