Ang chicken impanada ay isang uri ng pasterelya na nakuha natin sa mga espanyol noong sinakop nila ang ating bansa. Napakasarap nito lalo na kung maraming laman at malasa ang pagkakagawa. Ilalagay lang sa minasang harina ang carrot, chicken na hiniwa ng maliliit, potato, at sweet peas. May dalawang paraan kung paano lutuin ito. Pwedeng baked o deep fried ang pagluluto nito. Napakadali lang gawin nito basta't sundan lamang ang proseso kung papaano ito lutuin.
Mga sangkap sa pagluluto:
1/2 kilo ng dibdib ng manok na hinati hati ng maliliit
1 pirasong sibuyas na maliit (minced)
3 pirasong bawang (minced)
1 pirasong potato (diced)
1 pirasong carrot (diced)
1 tasa ng berdeng gisantes
1/4 tasa ng raisins
1 kutsaritang asin
1/2 kutsaritang durog na paminta
2 kutsara sugar
1/2 piraso ng chicken cube
2 kutsara ng mantika
3 tasa ng harina
6 kutsara ng malamig na tubig
1 piraso ng itlog
1 tasa ng butter
1/2 kutsarita ng baking powder
Mga hakbang sa pagluluto:
Painitin ang kawali, pagmainit na ito ay ilagay ang mantika at painitin.
Pag mainit na ang mantika ay ilagay ang bawang at sibuyas.
Ilagay ang manok at lutuin ito hanggang maging light brown ang kulay. Maghintay ng 5 minuto.
Magdagdag ng tubig at ilagay ang chicken cube. Hintayin ng 10 minuto.
Maglagay ng carrots at potatoes. Hintayin ng 5 minuto.
Magdagdag ng berdeng gisantes, raisins at isang kutsaritang asukal. Hintayin ng 5 minuto.
Maglagay ng 1/2 kutsaritang asukal at paminta. Patayin ang apoy, tanggalin ang sobrang likido at itabi.
Gumawa ng masa sa pamamagitan ng paghahalong ng mga sangkap na ito sa isang mangkok. Maglagay rito ng 4 kutsarang harina, asukal, baking powder at 1/2 kutsaring asin. Haluin ng mabuti gamit ang panghalo.
Hatiin ang butter ng maliliit at ilagay sa may mangkok na may mga tuyong sangkap. (ang butter dapat ay malamig bago ito gawin)
Maglagay ng tubig unti unti at haluin lahat ng sangkap hanggang sa makabuo ng masa. Maaari kang gumamit ng pastry blender.
Hatiin ang minasa sa maliliit na piraso sa pamamagitan ng pagkuha ng piraso sa malaking minasa at bilugin sa kamay hanggang maging bilog ang hugis. Gawin ito hanggang sa maubos ang minasa. Itabi ito sa malamig na lugar at hayaan ng 20 minuto.
Patagin ang mga bilog na masa sa pamamagitan ng pagdiin o pagbibigay pwersa sa magkabilang panig ng palad. Gumamit ng rodilyo o rolling pin upang mapatag ng maayos habang bumubuo ng pabilog na hugis.
Ayusin na masa at lagyan ng niluto kaninang manok sa kalahati ng lapad na masa. Tupiin, kailangan na magkita ang magkabilang dulo para makagawa ng kalahating buwan. Pindot pindurin ang mga dulo para maisara.
Pag natapos na lahat, basagin ang itlog at ihiwalay ang pula ng itlog sa puti. Batihin ng kaunti ang puting itlog at haluan ng kaunting tubig. Pakintabin ang pang-ibabaw na balat nito sa pamamagitan ng pagpahid ni ng itlog.
Maglagay ng wax na papel sa ibabaw ng baking tray tapos saka ilagay ng nakaayos ang mga chicken empanada na iyong ginawa.
Painitin ang oven ng 400 degrees Farenheit sa loob ng 10 minuto. Pag mainit na, i-bake ang chicken impanada sa loob ng 25 minuto sa kaparehas na temperatura.
Tanggalin sa oven.
Ihain ng mainit at maaari ng ipamahagi. Enjoy!
Trivia
Alam nyo ba na bawat bansa ay may sariling recipe ng empanada? Ang empanada ay nakuha lang natin sa mga sumakop satin noong kapanahuna. Hanggang sa naiba iba na ang paraan, lasa at mga ginagamit na sangkap.
Walang katulad ang empanada na ginawa galing sa puso. Salamat.