Ang video game ay isang elektronikong laro na kinahuhumalingan ng mga milenyal na kabataan. Ayon sa mga serbey, karamihan sa mga kabataan ay naglalaro ng video game upang maglibang, at kalimutan ang kanilang mga problema sa eskwelahan at sa kanilang tahanan. Ginagamit ang mga makabagong teknolohiya tulad ng kompyuter, “cellphone”, at iba pang “gadgets” upang mgakapaglaro ng video game. Ang video games ay mahirap tanggihan lalo na kung ito’y nasa paligid lamang dahil nagbibigay ito ng kasiyahan at bahagyang nakakalimutan ng mga manlalaro ang kanilang mga problema. Gayunpaman, ang labis na pag gamit at paglalaro ng video games ay maaaring magdulot ng adiksyon. Ayon kay Edmund Kam, ang sobrang paglalaro ng video games ay maaaring magdulot ng adiksyon at hindi na ito mapipigilan.
Ang adiksyon sa paglalaro ng video games ay ang naglalayo sa mga kabataan sa tunay na mundong kanilang ginagalawan. Mas binigiyan nila ng atensyon ang paglalaro kaysa sa kanilang pag-aaral at pamilya. Base sa pag-aaral, ang labis na paglalaro ng video games ay nagdudulot ng pagbaba ng grado ng mga estudyante dahil mas pinipili nilang lumiban ng klase at maglaro na lamang ng mga video games. Winawaldas din nilang ang kanilang mga pera upang ipambili ng tinatawag na “Virtual Money” o perang ginagamit sa ilang mga video games. Ayon sa mga eksperto, ang paglalaro ng mga larong ito ay aksaya sa oras at kinakain nito ang oras ng mga kabataan upang mapaunlad ang kanilang mga sarili at kanilang pag-aaral.
Nagdudulot din ang labis na paglalaro ng video games ng paglabo ng paningin at kakulangan sa tulog ng mga manlalaro. Ayon sa mga pag-aaral, maraming masamang epekto ang labis na paglalaro ng video games lalo na sa katawan at pamumuhay ng mga nahuhumaling sa mga larong ito.
Nakaaapekto rin ang labis na paglalaro ng video games sa pag-aaral ng mga kabataan dahil tinatamad ang mga estudyenteng mag-aral at mas pinipili nilang lumiban sa klase. Hindi rin nila binibigyang pansin ang mga takdang aralin dahil mas masaya silang maglaro kaysa mag-aral. Ang mga larong DOTA, LoL, at Mobile Legends ay iilan lamang sa mga video games na kinahuhumalingan ng mga milenyal na kabataan.
Mula sa katagang iniwan ng ating Pambansang Bayani “ang kabataan ang pag-aasa ng ating bayan” paano na lamang ang mangyayari sa ating bayan kung ang mga kabataan ay mas nagbibigay ng oras at atensyon sa paglalaro kaysa sa pagpapaunlad ng kanilang sarili at bayan.
Tunay nga masaya at nakawawala ng problema ang paglalaro ng video games ngunit lahat ng sobra ay masama. Nararapat lamang na matutong disiplinahin at kontroling ang sarili sa paglalaro ng video games upang maiwasan ang mga masamang epekto nito sa ating kalusugan at pag-aaral. Mas pahalagahan natin ang pag-aaral kaysa paglalaro ng video games dahil ang pag-aaral susi sa magandang kinabukasan hindi lamang ng ating sarili kundi rin ng ating bayan.
Magandang gawa pag patuloy nyo poh.