read.cash Log in
@SanReo more from that month

"Ang masikip na bulaklak, tinusok ng bubuyog" Sa panahon ngayon, May mga kabataan talaga sa ating bayan na hindi nakakaintindi ng salitang 'Bawal muna'. Bawal muna pero bakit ginawa? Madaling sabihin ang mga pangarap pero hindi naman nagsumikap. Dapat alam natin bilang isang mga anak kung gaano nagsusumikap ang ating mga magulang. Dugo at pawis labanan ng kalusugan at sakit mabigyan lamang tayo ng magandang buhay. Hindi ko lubos maisip na sa murang edad, Bakit hinayaang tumusok ang bubuyog sa masikip na bulaklak? Hindi ba mas maganda kapag pangarap muna? Dahil unang una ay dapat nating suklian ang mga paghihirap ng mga magulang natin. Na kapag naging stable na, kapag tayo ay may kakayahan na para ang kinabukasan naman ng mga anak natin ang ating aasikasuhin. Bata, hindi pa pwede sa ngayon-intindihin mo muna. Hindi kapa pwedeng sumabak sa mga ganyang bagay sapagkat ay ikaw ay bata pa. Isipin mo ang iyong ina. Isipin mo ang iyong ama. Isipin mo ang kaligayahan ng iyong pamilya. Hindi madali ang buhay, sapagkat ako din ay nahihirapan. Mapagtatanto mo din ang hirap ng buhay. Maiintindihan mo din kung gaano kahirap mag hanap ng maipapakain sa iyong pamilya. Dadating ang panahon na magsisisi ka. Kaya kung ayaw mong masira ang pangarap mo, wag mong hayaan na matusok ng bubuyog ang iyong masikip na bulaklak.

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.