read.cash Log in
@SanReo

So ayon guys lumabas ako kanina para sana bumili ng ice cream sa tindahan kasi nga nagcracrave ako. Kaso nakasarado pala yung tindahan! Kaya naisip ko nalang sana na bumili ng Graham crackers tsaka yung iba pang ingridients kasi gagawa nalang sana ako ng fruit cocktail graham float. Hindi pa naman pasko alam ko at mag nonovember palang pero gusto ko sana gumawa para may pang meryenda bukas. Ang kaso wala din silang Graham crackers! Kaya bumili nalang ako ng condensed milk, nestlé cream tsaka dalawang pack ng milo. Gagawa nalang ako ng home made ice cream ko mamaya naka chilled pa kasi yung kremdensada natin ng 4 hrs or bukas nalang ako gagawa di ko din sure. So ayon, umuulan na kaya umuwi na ako agad. 🤣

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.