read.cash Log in
@SanReo more from that month

Paano ngaba tayo makakaready ng Topic? Ano-ano ang mga naiisip kong paraan para hindi tayo mahirapan na mag-sulat para sa bukas na artikulo? Mga paraan upang makapag handa ng Paksang maisusulat sa iyong artikulo: Una, Ang ginagawa ko dati noong mga hindi pa ako ganto katamad or nahihirapan sa pag-iisip ng isusulat, nagbabasa ako ng artikulo ng iba. Nakakapag isip ako ng topic sa papamigitan ng pagpapahayag ng sariling saloobin sa paksa na nabasa ko. > Pero dahil nga sa bawal na iyon, dahil sa mga nakaramg buwan na pag sisita sa mga plagirismo, ay hindi ko na iyan ginagawa. Kasunod ng pag-iisip ng paksa pagkatapos ng issue na iyan, ang ginagawa ko nalamang ay nakikipag komunikasyon. Sa paraan na iyan, nakakapag bigay ako ng sarili kong saloobin ukol sa paksa ng aming pinag-uusapan. Kung hindi naman, ay panunuod ng mga dukumentaryo sa mga social media kagaya ng peysbuk. Hindi naman plagiarismo ang tawag doon. Dahil nagbibigay kalang naman ng kaisipan, at saloobin mo ukol sa paksa na napanuod mo. > Tandaan na malaya tayong magbigay ng pahayag. Malaya tayong sabihin ang mga dinadamdam or nais mong sabihin sa buong mundo. Maaari din tayong magsulat kapag merong pumasok sa ating kaisipan na ideya kung tayo ay masipag o may panahon at oras para isulat ito. Pwede din namang minsan kapag ako ay may naisip na ideya, isinusulat ko ang tinulo at isasave ko ito sa 'draft' para sa kinabukasan ay hindi na ako mahihirapan pang mag-isip. Sa limang buwan ko na, na pagsusulat sa platform na read.cash, ngayon lang ako nakaramdam ng sobrang hirap sa pagsusulat. Akalain mo, araw-araw akong nagsusulat at ginagamit ko pa ay ang wikang ingles upang maintindihan ng ating kapwa na taga ibang bansa. Naghihirapan din ako sa ngayon sapagkat ang aking sinusulat palagi o madalas kong ibahagi sa aking mga mambabasa ay ang aking mga karanasan. Gusto ko din nga sana na magsulat ng ibang paksa na hindi naaayon o nababatay sa aking karanasan. Ngunit, napakahirap na sa ngayon. Hindi na katulad ng dati na lagi akong nakakaisip or lagi akong ginaganahan na mag-sulat. Maaaring nararanasan din ito ng mga kapwa ko manunulat. Ano sa tingin niyo? Nakakatulong ba sainyong mga baguhan ang aking mga naitala mula sa itaas? Maaari ninyong ibahagi ang inyong kumento sa ibaba. Maraming salamat. Tag-Lish ExpertWingman 09-16-21

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.