"Lockdown" Ilang taon na kaming dalawa at anibersaryo namin ngayon ng taong mahal ko. Masaya ako ngayong araw na ito dahil sa wakas! Umabot kami ng dalawang taong pagsasama. Habang nasa trabaho siya at inaantay ko siyang umuwi ay ginawa ko lahat ng pwedeng gawin para sa araw na ito. Naglinis ako ng apartment na tinutuluyan namin. Bumili ako ng ilang rekado na lulutuhin, nagluto ako, at nag ayos ng lamesa para sa dinner date namin sa kwarto . Hindi niya alam na bumalik na ako na stranded kasi ako sa bahay ng pamilya ko ng ilang buwan dahil sa kadahilanan na bumisita ako sa pamilya ko ngunit naabutan ako ng lockdown. Buti nalang talaga at okay na ngayon dahil pwede na bumyahe nahirapan pa ako dahil kailangan sumunod sa batas. Alas otso na ng gabi, madilim na din sa labas at malamig na din ang hinahin kong pagkain sa lamesa pero inaantay ko padin siya. Maya-maya ay nadinig ko ang tunog sasakyan na meron na siya kaya pinatay ko ang ilaw sa kwarto at nadinig ko na ang mga yabag ng mga paa, pagbukas ng pintuan at pintuan Mukhang ako pa ata ang nasurpresa. Ang taong mahal ko may kayakap na iba at ang masakit ay EX niya pa at mukha silang masaya. End. Hey dear, trying to write short tagalog stories here. Good evening! #OwncontentStory
2 comments
Oy oy! Napalaki ang mata ko sa ending grabeeee 😩🥝
HAHAHAHA 🤣 mahilig talaga ako sa mga ganyang ending nung nagsusulat ako sa mga short stories noon sa notes sa FB tsaka doon sa read.cash ko, may ganyan din akong story kaso hindi siya ganyan ang ending maganda ☺️