So ayon nakafollow ako sa page sa Facebook sa mga nagpopost ng mga bahay nila to inspire myself to work hard. Kasi iyon talaga yung goal ko, yung makapag ipon para matulungan ko si Mama makapag patayo ng sariling bahay namin. And then, nung nagtingin-tingin ako sa comment section if magkano nagagastos nila, naluluwa mga mata ko sa presyo kasi umaabot yung sakanila ng 1M. Parang anytime, mahihimatay ako kasi ang mahal pala talaga ng pabahay. Yung ipon ko sa bitcoin.com ko pang bakal palang ata 🤧 and narealize ko na, malayo pa ako. Kailangan ko pa talaga mag grind ng mag grind hanggang sa makaipon ako ng exact na amount na kakailanganin ko. Matagal-tagal pa and lesson nadin na tutunan ko hindi madali kumita ng pera, hindi madaling abutin yung pangarap pero kakayanin basta may tiwala lang tayo sa sarili natin. Iniisip ko din if kelan titigil itong virus na to satin, para makapag trabaho na ako pandagdag ipon sana. 🤧
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet