Mahilig talaga ako magsulat sobra. Nung elementary palang ako, may mga story na ako na nilalagay ko sa notebooks ko then napagalitan ako kasi yung notebook ko nauubos na yung page hahaha. Mabuti nalang may apps na kung saan pwede doon ilagay yung story mo, then pwede mo rin lagyan book cover hehe
Good morning! Ang aga ko nagising, mga 8 AM tapos naalala ko wala naman pala akong pasok ng morning classes, meron ako evening classes, 5PM to 7PM. Medyo late kaya maaga ako kakain ng dinner para di magutom hehe. hirap kapag college ka na no, iba yung lifestyle kaysa nung high school hehe
Noong nakarang month ko to binili tapos nung nakaraan week lang din dumating, ang ganda nito sobra. Tali siya and mura lang naman, mga nasa 13 pesos ata or 15? Nakalimutan ko na. pero ang cute niya kapag sinusuot, ang comfortable rin hehe.
Naalala ko tong small bag na binili ko sa lazada hehe, mura lang siya nasa 40 pesos? Nagulat nga ako e pero maganda naman siya, kasya yung cellphone saka wallet sa loob then maganda rin pang fashion, mahirap nga lang kasi pwede madumihan kasi white, pero malilinis naman
Good morning! Medyo late na ako nagising huhu mabuti nalang at wala kaming online class ngayong umaga at mamayang hapon pa, kung hindi e, ma aabsent talaga ako hahaha. Just had my breakfast na itlog with hotdog, kayo po?
Palagi akong nagrereklamo talaga minsan kapag napapagastos ako, naiisip ko, ang bilis ko naman maubusan ng pera kahit di ko matandaan kung saan ko siya ginastos. Kaya ginawa ko, nag dodownload ako nung app na pwede ko ilagay don, kung magkano ba ginastos ko sa araw na yon, then maalala ko siya hehe. Hirap kasi talaga kapag makakalimutin
another post nanaman nung necklace hahahaha. Nakita ko lang to dun sa pinaglalagyan ko, tagal ko na kasi yon di nabuksan e, mga 6 months na siguro? Kaya nagulat ako na may ganto akong kwintas hahaha. Naalala ko pala na mahilig ako bumili ng mga kwintas, singsing, saka bracelet dati sa lazada o shopee hahaha.
Mabuti naman at uminit na. Grabe nung mga nakaraang araw, puro ulan tapos ang kulimlim kaya hindi makapagpatuyo ng mga nilabhan tapos ang lamig pa lagi,hahaha. Good morning, eto ako ngayon hinihintay order ko sa lazada. Ngayon na kasi darating. Kayo po ba?
Grabe, nagulat ako kanina kasi nung tinignan ko storage ko, ang unti nalang pala ng space para makapag download hahaha. Na full storage na ako sa laro palang, may 27 apps na ako na puro games. Tapos may editing apps pa hahaha. Yung laro ko kasi puro offline dinidownload ko, para kapag umalis ako sa bahay, may mapaglilibangan ako
Alam niyo po ba itong app na 'to? Hehe, radio garden tawag dito then pwede kang makinig ng radio ng ibat ibang lugar, pwede sa pilipinas, pwede rin sa ibang bansa. Dahil dito dami kong new songs na magaganda na naidodownload e hehe
Ang lamig ngayon kahit medyo maaraw araw na. Nakakumot pa rin tuloy ako ngayon. Hindi din naman mapatay yung electric fan kasi may mga lamok 😅. Kamusta po kayo dyan? Nakakain na po ba kayo? Aga namin kumain, mga 8 AM palang ata.
Alam niyo po ba itong laro na 'to? hahhahaa bigla ko lang kasing naalala na dinowload ko pala to sa cellphone ko, eto yung lagi kong nilalaro nung bata ako e. Gustong gusto ko kasi to, nakaka excite kapag nananalo ka sa final boss hahahaja
naalala nyo po ba 'to? Langka tawag dito, mura lang namin tong nabibili e, piso lang tapos minsan dos tatlo, punuan din laman nito dati e huhu, ngayon di na medyo pero okay pa rin naman
Gandang ganda talaga ako sa binili ko na butterfly hairpin hahahaha. Ang cute cute kasi niya and bagay na bagay ilagay sa hair, lalo na kapag white yung binili mo. Maganda sya ilagay sa gilid or likod.
Nood muna balita hehe, wala na kasing ulan samin and gusto namin manood para malaman kalagayan ng ibang tao sa ibang lugar. Kamusta po kayo? Okay naman kami dito samin.
May mga ganto ba kayong pabango? Haha,naalala ko kasi nung senior high school ako, eto palagi kong ginagamit tapos sinabi sakin ng kaibigan ko na alam daw nya pabango ko, yan din daw ginagamit nila nung junior high sila hahaha kaya natawa nalang din ako
Kain lang breakfast hehe. Ang ulam namin ngayon is eggs with hotdog. Favorite ko ito lalo na kapag fried rice yung kanin na gagawin hehe. Kamusta po kayo dyan? Kumain na po ba kayo?
Anyways, nanood uli ako ng kpop sa youtube gamit yung TV namin hehe. Minsan lang kasi namin binubuksan yung TV, so ayaw naman namin siyang naka display tapos di magamit gamit kaya once in a while, ginagamit namin siya hehe. Nanonood din kami balita ngayon lalo na lakas ng ulan.
Nood nood lang ng balita. Grabe ang lakas nung ulan ngayon samin, walang tigil. Kanina pa syang umaga and until now na tanghali na is umuulan pa rin huhu. Medyo malamig nga e. Stay safe po kayo sa inyo!
Medyo low quality hehe pero we're currently watching ng mga videos sa YouTube sa TV hehe. Wala kasi kaming mga pasok dahil sa bagyo and medyo naulan kaha stay at home lang talaga. Btw ingat po kayo sainyo, may ulan pa rin talaga
Charaaaan, habang nag titingin tingin ako sa mga gamit ko rito, nakita ko tong bracelet na to. I'm not sure but mag one year na ata to sakin and kumikislap kislap pa rin sya hahahhaa, galing nga e kasi i remembered na binili ko ata to mura lang? Hehe anyways stay safe sa inyo!
Hindi ko alam kung may nanood dito ng anime pero post ko lang yung napost ko na sa isa hahahaha. Nanood kasi ako ngayon ng spy x family and cute na cute talaga ako kay anya. Kung may time kayo, nood din kayo.
Naalala ko binili ko to nung junior high school ako kasi kapag may test kami, gagawa ako reviewer then ihihighlight ko yung dapat kong kabisaduhin. Wala, nakakamiss lang. Ngayon kasi mag tetest uli ako, pero college na ako ngayon.
Share ko lang din yung isa ko pang ginagamit sa mukha ko hehe. Usually, nilalagay ko to 2 times or 3 times a week. Kasi nakalagay sa instruction na pag gagamitin mo ngayong gabi, bukas hindi muna, next day na ganoon hahaha. Maganda sha sa skin, nakaka smooth
Cute nitong bracelet na to, bigay to samin ni mama then sinusuot suot ko siya kapag papasok ako sa school. Maganda kasi di sya nag fafade hehehe.
Nabili ko sa isang online application nung nakaraan, nilalagay sya sa mukha parang moisturizer ganoon hahaha. Eto yung nilalagay ko after ko maglagay ng ibang product then okay lang naman siya sakin, nagiging smooth yung skin ko sa mukha hahaha
Tamang bili lang muna ng chitchirya kaso masyadong malaki yung nabili hehe. Hindi ko pa natitikman pero sana worth it like masarap lasa hehe. Masarap daw to kapag may kasamang cheese, di ko pa sure if tatry ko hehe
Nagliligpit ako ng gamit ko, tapos nakita ko 'to, etong pabango na 'to, naalala ko ginagamit ko siya nung junior high ako hahaha. Ang soft kasi ng amoy niya ganun? parang sarap amoy amuyin again. Recommend ko 'to kapag nasa jhs ka palang hehe
Dumating na nung nakaraan yung inorder ko, ngayon ko lang napost hehe. Ang cute kasi niya sobra, murang presyo ko lang siyang nabili. Ganda nya kasi di sya nag fafade agad and ganda nung design
Charaaan, bumili ako nito kasi pwede siyang lagayan ng mga pictures, photocards or kung ano ano pa. Ang cute nga e, maliit lang naman siya pero okay na rin kasi marami spaces para maglagay ng pictures. Nasa mga 150+ ko ata to nabili hehe