Ang lamig ngayon kahit medyo maaraw araw na. Nakakumot pa rin tuloy ako ngayon. Hindi din naman mapatay yung electric fan kasi may mga lamok 😅. Kamusta po kayo dyan? Nakakain na po ba kayo? Aga namin kumain, mga 8 AM palang ata.
@Sabeth in November 2022
Alam niyo po ba itong app na 'to? Hehe, radio garden tawag dito then pwede kang makinig ng radio ng ibat ibang lugar, pwede sa pilipinas, pwede rin sa ibang bansa. Dahil dito dami kong new songs na magaganda na naidodownload e hehe
Grabe, nagulat ako kanina kasi nung tinignan ko storage ko, ang unti nalang pala ng space para makapag download hahaha. Na full storage na ako sa laro palang, may 27 apps na ako na puro games. Tapos may editing apps pa hahaha. Yung laro ko kasi puro offline dinidownload ko, para kapag umalis ako sa bahay, may mapaglilibangan ako
Mabuti naman at uminit na. Grabe nung mga nakaraang araw, puro ulan tapos ang kulimlim kaya hindi makapagpatuyo ng mga nilabhan tapos ang lamig pa lagi,hahaha. Good morning, eto ako ngayon hinihintay order ko sa lazada. Ngayon na kasi darating. Kayo po ba?
another post nanaman nung necklace hahahaha. Nakita ko lang to dun sa pinaglalagyan ko, tagal ko na kasi yon di nabuksan e, mga 6 months na siguro? Kaya nagulat ako na may ganto akong kwintas hahaha. Naalala ko pala na mahilig ako bumili ng mga kwintas, singsing, saka bracelet dati sa lazada o shopee hahaha.
Palagi akong nagrereklamo talaga minsan kapag napapagastos ako, naiisip ko, ang bilis ko naman maubusan ng pera kahit di ko matandaan kung saan ko siya ginastos. Kaya ginawa ko, nag dodownload ako nung app na pwede ko ilagay don, kung magkano ba ginastos ko sa araw na yon, then maalala ko siya hehe. Hirap kasi talaga kapag makakalimutin
Good morning! Medyo late na ako nagising huhu mabuti nalang at wala kaming online class ngayong umaga at mamayang hapon pa, kung hindi e, ma aabsent talaga ako hahaha. Just had my breakfast na itlog with hotdog, kayo po?
Naalala ko tong small bag na binili ko sa lazada hehe, mura lang siya nasa 40 pesos? Nagulat nga ako e pero maganda naman siya, kasya yung cellphone saka wallet sa loob then maganda rin pang fashion, mahirap nga lang kasi pwede madumihan kasi white, pero malilinis naman
Noong nakarang month ko to binili tapos nung nakaraan week lang din dumating, ang ganda nito sobra. Tali siya and mura lang naman, mga nasa 13 pesos ata or 15? Nakalimutan ko na. pero ang cute niya kapag sinusuot, ang comfortable rin hehe.
Good morning! Ang aga ko nagising, mga 8 AM tapos naalala ko wala naman pala akong pasok ng morning classes, meron ako evening classes, 5PM to 7PM. Medyo late kaya maaga ako kakain ng dinner para di magutom hehe. hirap kapag college ka na no, iba yung lifestyle kaysa nung high school hehe
Mahilig talaga ako magsulat sobra. Nung elementary palang ako, may mga story na ako na nilalagay ko sa notebooks ko then napagalitan ako kasi yung notebook ko nauubos na yung page hahaha. Mabuti nalang may apps na kung saan pwede doon ilagay yung story mo, then pwede mo rin lagyan book cover hehe
Malapit na finals namin and kinakabahan na agad ako, di ko ata kakayanin huhu charot. Pero sana mapasa ko and sana (pls) mataas yung scores ko, ang laking percentage kasi nun sa grades namin, kapag nalagapak, wala na huhu.
Whole day yung class namin ngayon kaya panigurado is hindi ako makakain on time kasi tatamarin ako hahaha. Good morning! Kamusta po kayo? Ako kinakabahan kasi may pasok kami HAHAHA. Malapit na rin kasi yung exams namin and makikita namin agad grades namin hehe
Habang pinapabili yung kuya ko, nagpasabay na ako bumili ng kahit anong makita nya then ayan yung binili niya hahaha, naalala ko tong gantong chitchirya e, tag piso lang pero mas maliit naman siya hehe. Seven pesos ata ito pero ang daming laman kaya sulit naman
Kumakain po ba kayo nito? Choco mucho hehe, nabili ko lang sa baba, may tindahan kasi samin katabi lang nung bahay namin. Nakakalungkot nga e, ibang flavor kasi ng choco mucho gusto ko, kaso ayan lang daw available sa kanila ):
Kapag talaga nakakakita ako ng gantong ads, gusto ko i download yung app, pano kasi di maayos yung pagkakalagay lagay nya nung gamit kaya nag fafail, parang napililitan akong i download tapos ako mag ayos e hehe. alam nyo po ba ung gantong laro?
nakita ko lang sa bahay, ang cute nung lagayan. Kulay yellow tas yung design nya rin hehe. Btw, mukhang uulan uli ngayon samin kaya buti nalang naglaba laba na kasi baka umulan ng malakas tas di matuyo mga labahan e hehe. Ingat po kayo sainyo
Cup noodles muna tayo dyan hahahaha. Wala na kasing mabilhan dito sa baba ng bahay namin tapos yung ibang mga stores e sarado na, sakto nakita ko na may cup noodles pa sa bahay. Eto nalang kinain ko hahaha tapos unting kanin lang din.
Good morning! Monday ngayon and fortunately, wala kaming pasok ngayon hehe. Grabe sa college, no? Paiba iba schedule. Hindi kagaya nung high school, fixed yung pasok niyo simula monday unti friday then weekend yung wala kayong pasok. Nung college na kasi, nagkaroon na ng pasok tuwing sabado hahaha.
charaaaan, pakain ng classmate ko kanina sa bahay nila hehe. Ang bait nga nila e, salamat po haha. Meron kasi kami kaninang kailangan tapusin then nagtagal kami doon kaya pinakain na rin kami.
Ang cute nitong candy na binigay ng classmate ko sakin. Tinikman ko rin siya and masarap siya sobra hehe. Hindi ko nga alam san niya binili pero gusto ko sana itanong kaso nakalimutan ko hehe
Good afternoon hehe, kakagising ko lang, dapat matutulog ako ngayong tanghali mga 3 to 4 hours kaso nagising naman kaagad ako. Wala pa akong 1 hour natutulog huhu. Anyways, maganda na rin to kasi gagawa pa pala ako nung mga assignments at activities ko hehe. Kamusta po pala kayo?
Nakita niyo po ba yung lunar eclipse kanina? Alo kasi hindi e huhu. Unfortunately, masyadong maulap samin kanina and then wala di ko makita yung buwan nung bandang gabi na. Kayo po ba? Nakita niyo po?
Grabe ang mahal na pala ng mga bilihin ngayon huhu. May binili kasi ako kanina and then nagdala ako ng extra na money para sure diba? tapos nung pumunta na ako doon sa place na pinagbibilhan ko, yung presyo niya is sakto lang sa nadala ko huhu. Nakakagulat lang talaga na mahal na ):
Nood nood lang TV hehe. Hindi ko alam kung anong palabas ito kasi di ko nasubaybayan nung pinapanood ng kuya ko pero mukhang maganda naman e hehe. Kayo po, ano ginagawa nyo ngayong oras?
Post ko lang uli hehe, sobrang nacutean talaga ako dito sa binili ko na stickers, cards ng pinapanood ko na anime. Napaka mura lang kasi niya, nung binili ko ata mga nasa 50 pesos lang siya and napakarami niya nung binuksan ko, di kana lugi hahahaha. Nagbabalak uli ako binili ngayong 11.11 or 12.12 kasi marami sale
Kinakabahan ako mamaya sobra kasi recitation kasi namin mamaya and sa major subject pa namin 😭 sana makasagot ako huhu. On cam kasi siya e and ang haba ng topics na rereviewhin huhu, sana makasagot ako talaga mamaya. Goodluck nalang sakin hahaha
Nagpuyat talaga ako para lang makakuha ng free shipping sa shopee at lazada e hahahha. Ayun sulit naman at nakakuha ako and nakabili uli ako ng tote bag na mura lang hehe and free shipping pa. Sa 12.12 naman e iba naman uli bibilhin ko hahaha
Kumain kami ng pizza tapos ang inorder namin is yung cheese pizza ba yon basta yung puro cheese lang hehehe. Mahilig kasi talaga ako sa cheese, kagaya nalang kapag palaman sa tinapay. Kakainin ko sya kapag cheese yung palaman pero kapag iba, Hindi ko mahilig.
Dumating na yung order ko sa lazada na bag hehe, grabe in just one day, na ship na agad siya hahahaha. Napaka ganda niya, mura lang siya, 40 pesos ko lang ata sya nabili? Super cute din and malinis hehe. Bibili pa uli ako sa 12.12
Potato charan, hahaha namiss ko itong kainin e. Grabe last na kain ko ata nito is 3 years ago pa? And napakatagal na non hehe. So nung nakita ko na may ganto sa isang store, binili ko na agad kasi why not? charot masarap kasi
Gusto ko lang pakita yung tote bag na binili ko hehe. Diba ang cute niyaaaa, bet na bet ko talaga sya dalhin kapag papasok ako sa school kasi ang cute and makapal ang tela.
Lugaw muna sa umaga hehe, 20 pesos ata to, masarap naman kasi di tinipid sa mga dapat ilagay sa lugaw and marami rin siya so nakakabusog. Nagulat nga lang ako kasi yellow siya hehe. Usually kasi white siya diba.
Grabe, hell week ngayon samin kasi final exams namin ngayon. Kinakabahan nga ako sobra e kasi yung isang subject namin is test gagawin doon and baka mahirapan ako kasi mga walang choices 😞 huhu. Sana makapasa ako
Good morning po sainyooo! After finally, nang matagalan na pasok e pahinga na namin hehe. Wala na po kamimg pasok and sa January pa balik namin hehe. Eto nga pala ang umagahan ko ngayon, itlog. Mamaya bibili kami nang ulam mga 8 am. Masyado pa kasing maaga e, walang bukas na tindahan o karinderia
Bumili ako nung nakaraan sa shopee ng mga rio, marami syang laman grabe, and mura q lang din nabili. Tapos naalala ko na may panali naman na pala ako sa buhok, para san pa hehe
Nakakamiss kumain nito, mabuti nung nagpapabili ako chitchirya sa kapatid ko nakaraan, eto nabili nya hehe kaso eight pesos na nga lang ): pero sulit na rin kasi marami. alam ko meron nito dati tig piso hahaha pero maliit lang sya
Ice cream po muna tayo dyan, hehe, ang sarap kasi kumain ng ice cream lalo na kapag mainit yung panahon tapos pagod ka. Nakaka refreshing yung feeling hehe. Kayo din po, ano po umagahan nyo jan?
Tamang hapunan muna, chicken and eggs hehe. Masarap sya lalo na if yung chicken is may mang Tomas na sawsawan, pwede rin naman ketchup pero mas bet ko yung mang tomas. Kayo po?
Rewatch rewatch lang hehe. Nanood uli kami ng movie kasi wala kamimg magawa. Sembreak na kasi namin hahaha tapos ayun wala masyadong magawa kaya nood nood saka tulog nalang. Medyo nakakaboring pero mas ok na rin to kesa may ginagawa hahaha