Kahit ang pinakamasayang tao sa mundo ay nakakadama din ng kalungkutan. Hindi natin alam, baka sila pa nga ang mas madaming pinagdadaanan. Mabigat na problemang pilit nilang binubura sa isipan nila para makapag pasaya ng iba. Hindi masamang maging mahina minsan, alam ng marami yan. Kaso yong iba nagsusuot ng maskara para maitago ang tunay nilang nararamdaman. Takot sila sa mabibigat na salitang maibabato sa kanila. Dahil hindi lahat ng tao ay malakas na kayang magbuhat ng isang milyong salita mula sa mga nagmamalinis na tao. Mga taong ang tingin sa sarili'y perpekto, na akala mo'y may karapatang mang husga ng kapwa nya tao. At hindi rin natin masisisi ang ilan na itago ang totoong sila, kasi ang iba kapag nakita ang kahinaan nila mas lalo pang tatapakan para mas lalong malugmok sa kalungkutan. Imbes na ibangon, mas lalo pang ingungodngod, hihilahin paibaba hanggang sila na ang kusang sumuko. Mamamalayan nalang natin, meron na tayong pinaglalamayan. Yong mga hindi kinakaya ang lahat kaya pagpapakamatay ang tanging alam na solusyon. Sana'y mag isip muna ang ilan bago nila ibuka ang bibig nila. Dahil hindi lahat ng tao ay may malakas na mentalidad. Yong iba hagya nalang lumalaban dahil sa mas malalim pa na dahilan na walang sinomang nakakaalam. -Parot/Ruffa -08/04/21
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
4 comments
Naalala ko si Maya😭😭😢😢😢
Hindi lahat ng tumatawa at masaya..minsan iyon ang way nla pra matakpan ang kalungkutang nakabalot sa pagkatao nila
Tama mam. Kahit sino pa man yan. Meron din problema at nalulungkot din yan.
Sa paglipas ng panahon mas pinili kong itago lahat ng sakit, lungkot, pangangamba gamit ang mga ngiti at kasiyahang hindi naman tunay kasi sa huli tayo lang din naman pala tutulong satin