Naeshare ko na dito before yong about sa white doggo na napadpad samin na tingin namin ay may amo talaga gawa sa collar, pwdng naligaw lang sya or what kaya napunta samin. Dito na yan sya kumakain samin at tumutuloy, dun sa labas sa may tindahan ni mama. Baka 2 months na sya dito, not so sure. Every morning kasi, pag lalabas ako nakasalubong na yan sya sakin at nagpapa pashpash, ay mali nagpapa baby baga yong himas himas sa ulo, ganern wag ibang himas at ulo ang iisipin ha, pure tayo today. Malambing kasi si doggo ee. Basta everyday yan, walang palya, binibigyan ko din sya ng foods kahit napaka picky nya. Then July 14 ng gabi, nakita ko pa un, pinakain ko nga din ee. Nagpahilot pa ng ulo kala mo'y baby. So kinabukasan, July 15, nakakapanibago kasi wala sya. So naisip namin baka namasyal lang at nagpapa pansin sa kanyang iniirog. Kaso umabot na ng tanghali wala pa rin, and until now wala pa rin sya. Parang ganon sa nangyari sa Amby ko na bigla nalang naglaho. Di manlang nag iwan ng bakas. Aakalain mong na ghost kami 😕. Wala namang nabanggang aso dito, kasi nga walang bakas. Impossible naman na makauwi ung sa kanila. Kasi bat ngayon pa, ee masaya na sya samin. Feeling ko nga may naghuhuli ng aso talaga samin ee. Nakaka lungkot lang kasi, isang pet na naman ang nawala. Kahit na baga di sya tunay sa alaga namin, ee kaso ka close ko na sya ee. 😕. Share ko lang, damayan mo naman ako irog ko. Ashan kanaba kashe 😰
1 comment
Wag lang nakuha ng maglalasing.. Baka umuwi na sa kanila kasi may dog collar. O kaya nakita ng may ari at itinali na..