Matabil na Dila at Mapang Husgang mga mata

20 535
Avatar for Ruffa
Written by
3 years ago

Hindi lang sa itsura nasusukat ang kagandahan, alam na nating lahat yan pero minsan hindi pa rin natin maiwasang magbigay ng puna na para bang ipinanganak tayong perpekto sa mundo. Bumabase sa anyo at nanghuhusga agad. Inaamin ko namang ganyan din ako, "minsan" pero kahit minsan pa yan, yang minsan na yan kapag nakarating sa kinauukulan, I mean doon sa taong iyong pinatutungkulan tapos ang sama ng dating at naapektuhan ang kanyang "thinking" that may lead to suicide, sino ngayon sa inyo ang may panget na "anyo"?

Yong kaakit-akit ka nga na tao, pero ang ugali mo nama'y pinagsamang Evil at Demon . Kay ganda mong tunay ginagastusan mo pa ang sarili para lalo kang gumanda okay lang kahit umabot sa 4 million ang gastos. Ginagamot ang dapat gamutin para mapanitili ang angking karikitan. Pero kamusta kaya ang ugali mo? Nagamot mo naba yang pagiging mapang husga mo? Naturukan naba ng pampatikom ng bibig iyang labi mo na kay sasakit ng mga salitang minumutawi, napaka tabil ng iyong dila kamusta naman kaya ang iyong buhay?

Puna tayo ng puna sa iba, ee yang sarili mo kaya? Nahusgahan mo naba? Madali sa atin ang mag bitaw ng masasakit na salita without thinking the consequences. Pati yang sarili mo hindi mo muna echeck baka mas panget ka pala, hindi man sa mukha pero sa kaloob looban ng katawan mo, hindi sa atay at balunan kundi yang diyan puso mo. Inuuna ang pagiging "Judger" yong hugasan mo nakatambak pa pala iniipis na, aba'y tapusi muna ang gawain bago ka sumabak sa "Judging" asali pa kita sa pa pageant, gawin kitang judge pag natapos hugasan mo.

Salita lang yan, pero kayang humiwa ng pagkatao. Hindi ginamitan ng patalim pero ung talim ng salita yon ang masakit. Walang dugong dumanak pero ang luha ga-river. Ginagamit lang ang mata para manilip sa abs ni Oppa hindi para gamitin sa pagiging mapang husga mo, natin. Yung mata na kung maka tingin ee parang tae ang tinitingnan, ni hindi na ma edrawing ang mukha sa pagka gusumot na mukhang aduwang aduwa. Yang mga ganyang tingin, yan yung tingin na mapanakit. Masakit pa sa naiwan ng jowa na hindi naman nag eexist, huh? Yung, matatalim na tingin, na kapag hindi ka pa umalis sa harapan nya sa loob ng isang segundo sisigaw na sya ng "Guardddd close the gate, pronto"

Kung ikaw ay maganda na'y marikit pa, sana din ang ugali mo ay kapantay ng ganda mo. Hindi yong kay ganda mo nga pero ang ugali mo naman dinaig pa sa pagka dimunyo ni Evil Mother, aba'y inagawan mo na ng korona ee, wala kang patawad. Fictional Character na nga lang inagawan mo pa ng papel, aba'y maawa ka wala kang modo. Ang pagiging maganda ay hindi lang sa pang labas na anyo makikita, ito ay pwede din sa ugali, sa ugali at sa ugali. Alam naman na natin to pero minsan talaga nalilimutan natin ano? Isa na ako diyan, diko maiwasan ee lalo na pag nakita ko jowa ni ex-Crush 🙄, talagang nilalait ko mula ulo hanggang semento. Pero sa isip ko lang naman, alangang isigaw ko sa harapan niya yun ee di pahiya ako. Baka isipin naloloka na ako, pero hindi naman siya magkakamali if ever yon ang maisip niya. Ako'y talagang lokang loka na sa kaniya, iniibig ko na ata siya, naloko na.


Nasipagan akong mag sulat ngayon. I am so happy right now that I can't stop myself from smiling, labas ang gums. I have a goal to reach so I need to be active. Anyway, I hope my fellow Pilipino's read this article, an I hope you can enjoy it. I write just whatever with a little bit of "kalokohan" but off course mas lamang ang seryosniss.

Feel free to judge my writings so that I can improve it pa. Opinyon, kuro-kuro or haka-haka is very much appreciated. Thank you and Happy Friday Y'all.


Image Souces:


FIND ME!!!

10
$ 1.04
$ 0.88 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @z_graeden
$ 0.05 from @Jane
+ 1
Sponsors of Ruffa
empty
empty
Avatar for Ruffa
Written by
3 years ago

Comments

Nagiging judgmental din po ako. Hindi maiwasan hahaha. Pero pilit iniiwasan. Bago lang ako sa site, pahingi pong idea. Hahaha

$ 0.00
3 years ago

Ayos yan iwasan na natin yan. Oi welcome, san mo yo naalaman? Sa noise cash? Madali lang naman gagawin gawa kalang ng article. Maraming pwdng topic tingin kalang doon sa taas pili ka dun ng gusto mo. Basta sana sariling gawa at hindi copy sa google.

$ 0.00
3 years ago

Okay ate Parot hahaha..

$ 0.00
3 years ago

Honestly minsan may pagka judgmental din ako pero 'minsan' lang naman hehe. I know kasi yung feeling when people judge you because of how you look physically. Pero what matters is that I'm trying so hard not judge other people easily.

P.S. Di ko magets yung code 😅 Di kasi talaga keri ng utak ko yan 😂

$ 0.00
User's avatar sc
3 years ago

Haha kahit naman ako minsan lanh din haha. Pag lang diko gusto ang isang tao sinisiraan ko sa isip ko 😂.

May naka kuha na, kaninang umaga langbmay nakakuha ahaha. Kung alam ko lang na hindi agad mahahanp un sana nilakihan ko na sayang 😂

$ 0.00
3 years ago

Hahahaha at least di mo sinisiraan sa iba 😅 Ilan ba laman nun? haha lakas maka effort nung nakakuha

$ 0.00
User's avatar sc
3 years ago

Haha, nadalian lang un isa din un sa naga share ng link na maraming pakulo sa pag tago ng link, sa kanya ko nga nakuha ung idea na paghiwa hiwalayin uny letter ng link ee 😜😂, dudugtungan lang ung https://branch.wallet.bitcoin.com/ nong mga code na winatak watak ko 😂. $0.15 😂

$ 0.00
3 years ago

Ay namention pala ako dito haha, May nakatago nga ko til now wala nakakahanap hahaha.

Abangan ko next bch hunting sa mga article mo haha. Yung may turon 😂

$ 0.00
3 years ago

Ahahahaha, oo nga. Stay tuned 🤑😜😜

$ 0.00
3 years ago

Hahah stay tuned din hahaha 😂

$ 0.00
3 years ago

Ganda naman nag pagkakasulat neto, malaman at nakaka aliw basahin. Maliban doon, yung code mo, Hahah nakuha ko na, thanks. Sa mga nagsasabing wala, Tunay ang code dito hahahah 😁 More hunting pa ha

$ 0.00
3 years ago

Ahahah salamat 😚. Yan ang gusto ko marinig ung na enjoy mg mambabasa ang sulat ko 😭🤩😂.

Haha, anyway dika ba nalito dun sa 4 sa taas saka sa gitna?

$ 0.00
3 years ago

Hahah.. Nakakaenjoy naman talaga kasi haha. Hindi masyado, hahha sakin mo nakuha ung idea ng pgkalat ng link, kaya alam ko din paano hahanapin hahah lol

Galingan mo pa next time, haha. Abangan ko ha 😂

$ 0.00
3 years ago

Ahahahaha, gagawa nha dapat ako ngayon eeh, kaso wala na akong maisip 😂

$ 0.00
3 years ago

Hahha, gawa ka pa, gagawa din ako. Para dumami hunters dito hahah. Nakakaenjoykaya, challenging din kasi e. Kahit maliit premyo, nkaka enjoy talaga mag decode haha. 😁

$ 0.00
3 years ago

An galing naman nto.. Pro walang hidden gem madam 🤣

$ 0.00
3 years ago

Ahaha, salamattttsuuuu 😍😚. Melon yan, hanapin mo ung mga code, puzzle kashe yarn 😜

$ 0.00
3 years ago

Kalerke 🤣🤣

$ 0.00
3 years ago

tumpak na tumpak ang gawa mo, jan magaling ang Pilipino. animo namamalimos ang tao na kung husgahan wagas pa sa ulol na aso.

natawa aq day, pro tunay at totoo nman mga sinabi mo..

$ 0.00
3 years ago

Ahahaha, salamat 😍. Pero ganyan talaga tau si rin naman maiwasan lalo na ako ay wagas. Pero mas lalo na ung kakilala ko, lahat nalang pinuna, ampanget ganito ganiyan blah blah blah. Di naman siya kagandahan pero kung makalait wagas 🙄

$ 0.00
3 years ago