Hold On or Hold Up?

58 100
Avatar for Ruffa
Written by
2 years ago

Gaano kahirap ang salitang 'Bitaw' para sa taong nagmamahal na kahit paulit ulit ng nasasaktan patuloy pa ring umaasa na muling maramdaman ang pagmamahal mula sa taong pinag aalayan nang lahat, puso, kaluluwa, isip kung saan laging naroon sya at iniisip na bukas muling sasaya dahil sya ri'y minamahal.

Gaano kahirap ang bumitaw kung sa puso di pa rin maiaalis ang pagmamahal na sa kanya lamang tanging iniaalay na kahit gusto nang umalis sa sakit na dulot nang 'pagmamahal' patuloy pa ring kakapit sa kakarampot na taling kanyang pinang hahawakan na anomang oras ay maaaring mapigtas.

Gaano kahirap bumitaw kung hanggang sa pag tulog ikaw ang laging iniiyakan na patuloy pa ring umaasa na sa susunod na mga gabi ay hindi nalang purong luha ang makakaramay. Na darating ang araw kung saan ang luhang papatak sa mata ay dulot na nang labis na kaligayahan dahil sa iisang taong patuloy na 'minamahal.'

BITAW! Bitaw kung di na kaya ang sakit. Bitaw kung sa tingin mo ikaw nalang ang nagmamahal. Bumitaw kung sa puso mo hindi na ligaya ang dulot ng pagmamahal na yan. Bumitaw ka kung sa tingin mo di mo talaga nadadamang mahal ka nya. Pero bago ang lahat sigurado kanaba?

Hindi kaya mas masasaktan ka kapag bumitaw ka? Sa tingin mo mas kaya mo ang sakit na dulot pagkatapos mong bitawan ang mga kamay nya? Ang hirap diba? Mas naguluhan kaba? Nag iisip kapa rin ba? Alin ang mas matimbang ang pagmamahal o ang sakit na dulot ng pambabaliwala nya?

Binalewala kaba talaga? Tingin mo gusto nya? Ang hirap ano? Lalo kapag di mo na alam kung ano ba talaga. Para kang nasa madilim na lugar kung saan nangangapa kung tama paba ang daan na tinatahak mo. Ang hirap mag desisyon lalo kung wala kang pinaghahawakan sa tunay na nararamdaman nya sayo.

Gaano nga ba talaga kahirap bumitaw? Depende ba yon sa tindi nang kapit mo sa pagmamahalan na meron kayo? O baka dahil matigas lang ang ulo nang iba kaya nahihirapan silang mag desisyon if kapit paba? O tama na bitaw na? Bat nga ganon ano? Ang simple lang sa mata nang gagawin pero bat kay hirap gawin?

Naka ilang atras abante kayo bago nyo nagawang bumitaw? Na tama na, sobra na, kaya bibitaw nalang. Ilang kilong buhangin ang nadama nyo sa dibdib nyo nong sinubukan nyong umatras mula sa kanya papalayo? At gaano kabigat yong magnet na humahatak pabalik sa kanya para patuloy na kumapit pa?

Kapag ganyan diba ang hirap timbangin nang lahat? Kahit isaksak mo pa dyan sa kukute mo na "sobra na ang sakit nakaka galit na" yong malambot mong puso di pa rin makaya kaya. Bakit ganon? Bakit gusto mo lang namang makawala sa sakit pero bakit ang hirap? Ilang gabi pa ang balak mong lumuha?

Ilang gabi pa ang balak mong ma stress para lang makawala nang tuluyan? Kaya paba? Pero kaya mo nabang bumitaw? Sa tingin mo hopeless na pero talaga ba? See mga ganitong isipin na yong disidido kana na bumitaw pero yong mga naiisip mong posibilidad, pag asa or kung ano pa man ang pumipigil sayo.

Parang may dalawang nagpapaligsahan na Angel at Devil sa magkabilang side ng ulo mo, nagpapaunahan kung alin ang mas susundin mo. Huling halakhak ba to mula ka Mister Devil or baka kaligayahan to para sa Anghel dahil makakawala na sa sakit dahil mas pinili mo at sinunod mo an nais nang puso mo.

So, alin na ang mas matimbang? Alin ang mas pipiliin mo? May choice ka. Hindi pwdng wala. Kapag wala kang mapili hinga ka muna nang malalim. Timbangin ulit ang lahat at mag isip isip. Alamin kung alin ba ang mas mahalaga sayo. Ang peace of mind mo o sya? Na nagdudulot nang sakit sayo.

Choose! ᕙ(͡°‿ ͡°)ᕗ


So I just wrote this because of this person I know you are hurting right now but whatever your choice or whatever decision you make, make sure that it will make you happy in the end and that it is really what you want. It is really not easy I know but you are stronger than that problems of yours. Make sure to always choose your happiness and not anything else. Fighting!!!

And to you, to those people who's in a relationship right now. I hope that, it is not just through words that you will tell someone that you love them. Maybe a little actions or effort will also do and a big assurance that you really love them. Maybe a little effort of making time. I know it's hard to find time specially if you are too busy but maybe just a little bit of it. I hope that it will not come to the point that your partner will beg for your time. I mean, love is making time even if you are so busy. Just a 'little' and they are not even asking for too much.

That is why there are a lot of people there that is overthinking because they don't have that assurance that you really love them that you are true to your words that you care for them. They can't feel it and we can't really blame them if their feelings suddenly disappear. They get tired of it. Who wouldn't if you are always the only one who's making an effort and the only one who gives understanding. How about 'me' or those people who did nothing but to love you and gave their understanding to you. Isn't it tiring?

Omg, I am not a love expert but i think it is common sense that you have to also do your part as a partner of your partner or as a lover. It is really that hard making a little time saying "How are you?" And "I miss you" or what. Not that you partner is always the one who's initiating the talking. Or is it normal ba? How about you guys? Hows about those who's in a relationship right now? Is it normal that only one of you 'two' the only one whos making an effort to talk? Am I outdated lang ba when it comes to relationship?

¯\_(ツ)_/¯

[LEAD IMAGE FROM UNSPLASH]


June 10, 2022

--

32
$ 8.16
$ 7.40 from @TheRandomRewarder
$ 0.20 from @PVMihalache
$ 0.06 from @King_Gozie
+ 15
Sponsors of Ruffa
empty
empty
Avatar for Ruffa
Written by
2 years ago

Comments

ang sakit naman nito...I actually am not in a relationship at sana yung mga tao sa paligid ko wag na mag overthink if ever kasi wala talaga akong planong sumubok ulit...wala nang bibitawan kasi sa una palang wala namag hinahawakan

$ 0.00
2 years ago

Yiehhhh high payb noona same tayo tahimik ang life kasi walang hinahawakan. Mad masaya talaga buhay singol ee 😼

$ 0.00
2 years ago

haahah apirrrrr...kumain ka lang marami jaan kasi alam naman natin pareho na wala tayong poreber...aside sakin na deeply inlove sa asawa ko mwehehehe

$ 0.00
2 years ago

That's what we call hero of love. The sister of my wife suffered much because her husband cheated on her. But she never lose hope that time can heal her pain. She was thinking always its effect to their children..Hindi Siya bumitaw kahit masakit.sa kanyang kalooban dahil ayaw niyang lumaki Ang kangyang mga anak na walang ama. Maganda naman Ang resulta sa kanyang pagtitiis.

$ 0.00
2 years ago

Pero minsan kahit pa mag hintay at mag tiis ka wala rin talagang nangyayari. Ang mas malala lang sa iba yong bata ang naapektuhan sa mga ganyang case. Yong dahil wala namg amor sa isat isa kaya lagi ng nag away. Aigooo. Buti po yang kapatid nang wife mo di sumuko 🥰

$ 0.00
2 years ago

his indifference is more painful. so it's best to leave

$ 0.00
2 years ago

Ako friend kapag mhal ko. Laban lng. Hahaha

$ 0.00
2 years ago

Ehhhhh, kahit di kana mahal? Haha

$ 0.00
2 years ago

Kapag hindi n mhal. Give up n sis

$ 0.00
2 years ago

Pano pag mahal mo pa? Hahahaha

$ 0.00
2 years ago

Hahaha. Un nga lng. Isang malaking question.

$ 0.00
2 years ago

I kinda thought bah, may hugot hehe. Yon pala para sa iba. Hope makapagdesisyon sya ng naaayon talaga sa gusto nya.

$ 0.00
2 years ago

Hehehehe, tapos na ako sa ganito kaya if kung huhugot man, char char lang. Chariwtttta haha.

She will do it. She can do it.

$ 0.00
2 years ago

Haha, oo sis, naniniwala ako sayo hehehe

$ 0.00
2 years ago

Iba-iba talaga tayo ng paraan ng paglaban ate eh. Yung iba sagad na sagad kung piliin yung taong mahal nila.

$ 0.00
2 years ago

Yong kahit alam nang sakit nalang ang makukuha nya gora pa rin 🙂

$ 0.00
2 years ago

Parang napaka lalim ng hugot mo feeling ko napagdaanan mo talaga to eh. Feeling ko lang ah. Pero alam mo lahat tlga ng rship ganyang. May times na parang toxic kau sa isat isa. Ang mahalaga dapat mag match pa din kayu hanggang dulo. Wag nyo laban ung isat isa, instead, labanan nyo ng magkasama ung issue, ung problem. Hindi ung maghihiwalay kasi wala ng choice. Or, kaya ka nag iistay kasi wala ka din choice, di mo kaya. Ganern...

$ 0.00
2 years ago

Hahaha not me but my friendddd. Pero pano nga lalaban if wala nang kalagyan yong isa? Yong magchachat lang ata kapag mag chat si girl. Kamusta naman yon.

$ 0.00
2 years ago

Ayy nako meron ako ganyang exp dati Isa sa mga ex ko. Adik kasi din sa laro. Haysss, di boyfie material. Let go na kamo siya. Wahaha.

$ 0.00
2 years ago

Dibaaaa, mas masasaktan ata kapag pinili pang mag stay. Kahit gusto ework if isa lang may gusto, wala ding kapupuntahan. Aigoooo. Kaya ako happy na singol ee hahaha. No sakit nang ouso. Pero wait mapanakit din pala mga crushes ko huehus

$ 0.00
2 years ago

Nakoooo mas okay pa din may chupapi tayo ruffa. Now mo lang masasabi yan na okay ka maging singol forevs pero pag dumating na yan, nako nako... Hanapin na ba kita afam??

$ 0.00
2 years ago

Kung kaya pang ilaban, ilalaban ko talaga pero hindi na healthy ang relasyon lalo na kung ikaw nalang ang lumalaban yung taong mahal mo sumuko na pala sayo at naging masaya na sa piling ng iba na di mo namamalayan ikaw lang pala ang umaasa,

$ 0.05
2 years ago

Let go, kapag wala na syang amor sayo. Di tayo ang nawalan, kundi sya.

$ 0.00
2 years ago

Lalaban ako hanggat kaya ko, lalaban ako hanggat pwede pa. Kung ano man ang mangyari, hindi ako magsisisi na hindi ko nagawang ipaglaban siya. Nakakapagod naman talaga kasi magmahal. Hintayin ko yung panahon na wala na akong maibigay, panahon na wala ng luhang papatak kasi pag nangyari yun, dun na ang katapusan ng kahibangan ko.

$ 0.00
2 years ago

Sasaidin mo talaga? So oano ka makaka usad nang mabilis kapag ganysn na need mo munang ibigat lahat baho sya bitawan?

$ 0.00
2 years ago

Ate ruru the love expert na itatatwag ko sayo mula ngayon ate rah ahhaha. Galing mag advice ah parang may pinanghuhugutan hahaha. Akala ko naman tungkol tu sa crpto ate hahah. nadali mo ako dun ah

$ 0.00
2 years ago

Harharhar, char langggf. Naisulat ko lang coz of my friend aigoooo

$ 0.00
2 years ago

Akala ko bc topic to ate. Click bait. Haha. Pero parang tula na po ata to. Hmm. Naiyak ako ate pramis. Nadama ko sya kahit na wala naman talaga akong jowa. Hays.

$ 0.00
2 years ago

HAHAHAHA wag mong damhin. Baka maging hugotera ka nyan hahaha

$ 0.00
2 years ago

Nako te, nag tatype na po. Charr

$ 0.00
2 years ago

Naku Ruffa wag ka talagang mainlove at baka balikan mo tong article mo at diyan mo mafefeel ang tamis ng sandali ng kahapong di magbabalik..

$ 0.00
2 years ago

HAHAHAGHAHA di na, kasawa nang magmahal lagi namang walang balik. Kahit sana cashback ba, HAHA charizz

$ 0.00
2 years ago

For sharing good experience and advice, you didn't need to be love expert. Sister you are expert in advices because you had relationship that give you solid learning.

$ 0.00
2 years ago

Hehehe yep but it's more on what I saw everywhere to other couples out there.

$ 0.00
2 years ago

As for me sis I wanted to end my relationship with my partner but because of our children I'll always hesitate to do it. Lagi kong iniisip kung an ang makakabuti sa mga anak ko,kung wala siguro kaming anak matagal na kong kumalas. Pero dahil sa mga anak ko patuloy parin akong kumakapit at naghihintay na magbabago yung partner ko for good. Kagandahan lang aksi sa partner ko wala siyang bisyo at hindi din naman nanakit or nambabae kaso yung problema ko is yung ugali niya na self centered masyado. Hays ang hirap talaga,kaya noon talaga ayoko magasawa eh! Ewan ko ba bakit ako napunta sa pagaasawa.🤣😂

$ 0.00
2 years ago

Aigoooo makakabuti nga ba talaga sa anak nyo ang desisyon mo? Nag aaway ba kayu? Nakikita nang bata? If ever nakuuu baka mas matrauma ang bata kapag ganyan. Pero if di naman then go. Go with what you think is good for your kids and u.

Basta ako wala akonh kabalak balak haha.

$ 0.00
2 years ago

Hindi sis. Hehe😁😁hindi ko nman siya inaaway kahit masama loob ko. Tumatahimik lng ako. Or minsan kapag napuno na ko. Manonood nlng ako para maibsan ang bigat.

$ 0.00
2 years ago

Nakailang urong sulong ba ako bago bumitaw?

$ 0.00
2 years ago

So nakailan??? Yong tinitimbang pa ang mga bagay bagay at dahil sa kagaganon mo in thr end wala ka ring napag desisyunan. At kung kelang kunti nalang ang natitirang pagmamahal mo sa sarili mo saka palang bibitaw?

$ 0.00
2 years ago

Parang ganon na nga😂, hay naku looking back...masyado nasaid

$ 0.00
2 years ago

Hirap na kasi kung mahal na mahal mo yung tao, hirap iadvice na bitaw na. Pero sana bago maisip ng tao na bumitaw eh, hindi pa siya ubos noon.

$ 0.00
2 years ago

That's what I'm saying. Baka kung kelang said na said na saka nya lang maiisipang bumitaw. Ang saklap non if ever

$ 0.00
2 years ago

So many love experts and mature people I find here as well in other social platforms, still majority of the relationships has issues. I guess that's what relationships are complicated means, lol. Will save your advice for future.

$ 0.00
2 years ago

Hahahaha I say all of this but I am not sure if I can also apply this for myself. Gosh 🤧

$ 0.00
2 years ago

Natawa ako Kay PV naSana all sya, hehe Ang ganda, malalim ang hugot mo ah, pang balagtasan. 👏

$ 0.00
2 years ago

HAHAHAHA ang cute no hahaha di nya naintindihan kasi tagalog HAHA. Salamat (◕ᴗ◕✿)

$ 0.00
2 years ago

Letting go ang pinakamahirap na part..

$ 0.00
2 years ago

Naranasan mo na? Nakaka loka ata ang ganyan.

$ 0.00
2 years ago

Ito yung ayaw ko, prang one sided lang.. Tapus hndi mag eeffort yung isa

$ 0.00
2 years ago

Kaya nga no sana di nalang nakipag relasyon kapag ganyan

$ 0.00
2 years ago

Grabeng hugot nanamn po eto miss maam

$ 0.00
2 years ago

HAHAHA chorr chorr lang hihi

$ 0.00
2 years ago

Just missing you so came around to say hello! Didn't understand much but sana all!

$ 0.00
2 years ago

Hahaha hello Pvm 🙋😁 stay cool and awesome 💪🤜

$ 0.00
2 years ago

Ang sakit talaga kapag bibitaw ka sa taong mahal mo sis ruffa. Yung ayaw mo pero kailangan mong bumitaw dahil maraming mga reasons kung bakit.

$ 0.00
2 years ago

Dibaaaa, yong kelangan mo agad mag decide kasi sawa kanang masaktan pero mahal mo.

$ 0.00
2 years ago

Akala ko about BCH haha kung hodl pa pa or hindi.

$ 0.00
2 years ago

HAHAHA hodl, pero if sa BCH oi ang baba. Nag 166 ampt

$ 0.00
2 years ago