Cry when you Fall Down and Stand after the Fall

46 73
Avatar for Ruffa
Written by
2 years ago

Sa isang eskinita na madilim

Kung saan ilaw ay patay sindi

May isang nilalang na nakayopyop sa tabi

Parang basang sisiw at di mapakali

Mahahalatang may dinadalang mabigat

At mag isa niyang iniaangat

Iniinda ng mag-isa ang bigat

Kaya hitsura'y mukhang hirap na hirap

Sinubukan niyang tumayo

Tinuwid ang paang pilit tumitiklop

Mababanaag ang determinasyon

Sa mata nya apoy ay nandoon

Desisyo'y hindi matitinag

Pursigidong sumuong

Manalo o matalo, sya'y susulong!

Itataas ang kamay para sa misyon

Isa, dalawa, tatlong hakbang

Bigla siyang huminto

Napaluhod at napaupo, nasapo ang ulo

Unti, unti apoy sa mga mata nya'y naalis

Determinasyon sa mata'y biglang napawi

Napalitan ng luha ng hinagpis

Wala na ang bakas ng pag-asa at ang nandun nalang ay ang pagsuko

Sumuko na, tatlong hakbang palang ang nagagawa

Humiga at tumitig sa kalangitan

Kalangitan na ni isang bituin ay walang maaaninag

Bituin na maaari sanang mag bigay ng kunting liwanag

Ngunit sa di malamang kadahilanan ay natatabunan ng luhang pumapatak

Luhang punong puno ng pait at sakit

Luhang di basta basta matitighaw dahil sa naipong sakit

Pilit nyang pinipigilan ngunit patuloy lang ang pag bagsak

Naipon at ngayon ay parang gripong tuloy lang sa pag agos

Katatagan ng loob ay tuluyan ng natunaw

Tinanggap sa sariling tapos na

Nagpatangay nalang sa kalungkutan at iniiyak lahat ng sakit

Para sa bukas.

Isa, dalawa, tatlo, apat, lima.

Limang segundo

Sa loob ng limang sigundo tinanggap nya ang lahat

Inilabas lahat lahat

Ginawa nya para sa panibagong bukas

Pinagbigyan ang sarili na maging mahina

Sa kakaunting sandali hinayaan nyang lamunin sya ng dusa

Inilabas pati ang huling patak ng luha

Isa, dalawa, tatlo,

Sa loob ng tatlong segundo

Bumangon siya at huminga

Malalim na may tunog

At sa hingang malalim na yon

Doon na mahahalatang nakakita sya ng bagong pag asa

Pinag bigyan lang ang sarili

At ngayon nga ay baon niya ang determinasyon na umangat muli

Sa bagong lakas na meron siya

Sa bagong siya na mas malakas at di basta basta

Di na papatinag sa mga problema

Tuloy ang buhay, para sa pamilya

--

We all have this phase in our life where we let ourselves succumbed into our own weakness. We let our vulnerability show to others. But there are some people that can't do that. They will hide it as the best as they can. They will hide in fears because they gotten weak. They do so because they don't want anyone to be affected to that weakness. They will face it alone and suffer alone. I think that is okay too. Some just prefer that because they can solve it on their own. They are more comfortable to do it on their way.

They just have to release all of their pain in the ways that they know. All alone. There are instances in our life too that everything is just so hard to accept and that even if we fight for it. It's still hopeless because that is all in there to it. And the only thing that you can do is to accept it all. Accept, forgive and move on. With the new strength that you gained on the past experiences, you'll get through all of the problems that may came in your way. Just like what happened to the character on that poem.

It's okay to be weak. It's okay to cry. It's okay to whine and it's okay to shout. If that's still not enough it's okay to get mad. Yeah, it's okay. No one will judge you if you decided to do it. You are just a human who has weaknesses. You are prone into different emotions. You are hurt and it's okay to say what you want to say. You are mad because you can't just take all the pain. It's not like you are made of stone not to feel anything. So don't be too hard on yourself. Don't be to harsh to yourself.

Free yourself. Free your mind. And free your heart. Just be be who you are right now. The real you before this tragedy.


Ehehehe, so that's the summary of my Poem. I used Tagalog on this one so sorry to my readers from the other part of the world. But i put the english summary of it like the whole meaning. I hope you read in until here so. Thank You!

And y'all know that I published article using our mother language every once in a while. But today is extra special because August is our National Language Month, yes in the Philippines. I love my language and to be honest there are Tagalog words that is really beautiful. I mean all of it are it's just that there are more into it.

But anyways, I hope you still read every words that I wrote here specially the Tagalog poem. You can just check it's translation tru Google Translate if you want though I am not sure if the result ks 100% accurate. But if you still want it then gooooo.


August 05, 2022

--

25
$ 2.02
$ 1.62 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Jane
$ 0.05 from @GarrethGrey07
+ 15
Sponsors of Ruffa
empty
empty
Avatar for Ruffa
Written by
2 years ago

Comments

Galingggg! 🙌🏻 Parang dini-define mo ako, Ate ay. Ganiyang-ganiyan ako whenever I feel so down eh, like malapit nang mag-breakdown dahil sa bigat na nakapasan sa mga balikat ko.

$ 0.00
2 years ago

I think it was the message you always conveyed, so if I don't need any translation, I guess. I agree, "It okay to be weak and cry & get mad but don't be too hard and harsh on yourself. Just be be who you are" Very interesting and wonderful 😊

$ 0.00
2 years ago

Awwww, same as the other siguro e ni rap ko yung tula , hahaha! Ipasa na kay gloc9 yan bhe tyak may future as composer ! bigyan ng jacket yarrrn! hahaha! Kidding aside there are times i can't hold of myself anymore i just want to be alone para magrecharge. I cried many times letting myself to drown in my tears pero after ko mamundok balik ako to face whatever it is in a much stronger version of me. Saludo! 👏

$ 0.00
2 years ago

Thankyouo for this poem ate! Ang ganda at punong-puno ng aral. Bagay na bagay s aakin na breadwinner hehehhe. Thank you ate! Goodmorning.

$ 0.02
2 years ago

Yayyy, salamat 🥳🥳🥰

$ 0.00
2 years ago

Di ko alama ate pero ni-rap ko yung tula na dapat ee binabasa lang hahaha. Pero totoo yung mga linyahan ,napagdaanan ko din yung ganyan yung pilit mong itinatago sa sarili ang hirap at hinagpis. 💔

$ 0.01
2 years ago

Hahaha rhyme ba? Hahahaha.

Diba, daming mga nakakaranas nyan now lalo mga breadwinner aigooo. Sarili lang din kakampi minsan

$ 0.00
2 years ago

Uyyy ang gandaaraa naman ng message ng poemm na nais iparating sa mga mambabasa, is this your entry din ba sa hive contest this August?

$ 0.02
2 years ago

Hihi, noooo iba entry ko. Napasa ko na din kahapon hihi. Basahin mo na at paki judge na din ha 🤩

$ 0.00
2 years ago

Sometimes those who looks brave and strong outside are the people who had a silent battle inside. They tend to pretend as they don't want to bother people and they don't want to be one of someone's burden. We all have differences, some people can't hide the pain while others can. And it was indeed true that time may come to challenge us. Trials and failure's are part of our lives, and it's up to us of how we gonna faced the situation, we can cry and off course we could stand up after from falling.

Anyway ang ganda ng poem, lumalarawan na dapat matuto tayong tumayo, pagkatapos nating madapa.

Ps. akala ko part ng buwanang wika pa to🤣🤣😂😂.

$ 0.02
2 years ago

Sa totoo lang, lalo sa mga comedian diba. Kagagaling magpatawa pero may iniinda pala deep inside. At taagang tinatago lang nila sa family nila. Goods kapag na solve mag isa. Kaso kapag hindi lalo kang makakaramdam ng depression kapag ganon ee aigooo.

Hihi salamat Uwu 🥳

Part ng buwang wika pero di sa pa contest sa kabila 😆

$ 0.00
2 years ago

On my way to check the translation of that poem.. It looks interesting.. At first I thought the complete write up will be in your language.. I was gonna reply in my language too😁😁

$ 0.01
2 years ago

Hehehe thats why I also put the small summary hehe.

$ 0.00
2 years ago

Thanks for that😁😁

$ 0.00
2 years ago

Todas las personas tenemos nuestras batallas internas, debemos aprender a liberarnos y soltar todo lo que nos hace daño, hay que aprender de las caidas y levantarnos con más fuerza y positivismos

$ 0.02
2 years ago

sí, si ya es demasiado entonces llora. 💪

$ 0.00
2 years ago

ang mind blown naman neto Ruffaness pero malaman

$ 0.01
2 years ago

Hahahaha tingin nong malamannhaha

$ 0.00
2 years ago

Galing mo talaga Ruf Ruf sa Tagalog mehehe! Ikaw na idol ko sa tagalog! :)

$ 0.02
2 years ago

Hahaha ngiii, mas magaling so dendenn Uwu. Nakapasa kana ng entry aa buwan ng wika contest?

$ 0.00
2 years ago

Baka hindi siguro kasi magdurugo ang aking ilong sa tagalog. Ang aking utak rin ay wala sa mood hahaha

$ 0.00
2 years ago

Mga katagang may hatid na pag asa sa ating mga puso na kahit gaano kahirap ang buhay na ating binabaybay sa araw_araw,kailangan nating maging matatag at matapang dahil may pamilya tayong inuuwian,pahinga lang pag napagod tapos tayo ka ulit pag handa ng sumabak muli.

$ 0.01
2 years ago

Yes naman, pagsubok lang yan. Talagang maausukat ang katatagan mo jan. Kaya dapat push. Laban kung laban.

$ 0.00
2 years ago

Kagaling magtagalog eh, ang hirap din ung purong tagalog.

$ 0.01
2 years ago

Hehehe nahasa kababasa ng tagalog pocketbook

$ 0.00
2 years ago

Nag double check talaga ako Sis kung sayo ba talaga yung na click ko kasi tagalog hahha first time ko lang siguro nabasa na wikang filipino gamit mo:D

$ 0.01
2 years ago

Hahaha ehhh, madami dami na din ata akong tagalog na nasulat here haha

$ 0.00
2 years ago

Ang gandaaa lalo ng meaning (◍•ᴗ•◍) Tapos napipicture out ko sa utak ko yung mga scenes

$ 0.02
2 years ago

Ayiehhhh may paganon, para lang akong naga kwento ehehe

$ 0.00
2 years ago

Sumasang ayon ako.. Minsan sa buhay natin makakaramdam tayo ng lumbay at pighati. Nakakadurog ng puso, ngunit dapat pa rin natin isipin na tayo tumayo at lumaban. Dahil ang buhay ay sadyang ganyan, suliranin ay hindi mapigilan.

$ 0.01
2 years ago

Dadating at dadating talaga sila ee o. Ready or not, susubukan talaga ang tatag natin. Pero basta pinoy, laban ng yan.

$ 0.00
2 years ago

Buwan ng wika na pala aba magtatagalog na ako sa bahay kaso wala akong iniirog na mapapagsulatan ng tula hahahah charengg ang kailangan ko talaga ay isang kahon ng kayamanan. 😂

$ 0.01
2 years ago

Hahahaha dito mo isulat at ipabasa mo saming lahat. Ako di need ng kayamanan hahaha

$ 0.00
2 years ago

First time ko Lang to na kabasa na tagalog post from you, hehe pero ang galing naman, nakaka encourage ang mga positibong mensahe na ito.

$ 0.01
2 years ago

Hehehe mejo may ilan na din akong nasulat before. Basta push lang tuloy ang laban

$ 0.00
2 years ago

Grabe naman ituu. Kinabog na naman ang lahat ng poem ngayong araw. Nahihirapan akong mag gawa ng poem lalo na kapag tagalog. Haha.

$ 0.01
2 years ago

Hahaha kinabo, alin ang kinabog hahaha. Ikaw paba? Naku denden wag kamii haha

$ 0.00
2 years ago

Eyyyy, first comment ko to after a long long time hahahaha. Pero true po ate, may times talaga na kakainin Tayo ng kahinaan natin. Times na ayaw na natin yung di na talaga kayaa. Kahit anomg gawin wala talaga. Pero ang need lang natin ay himinto ng saglit tanggapin na mahirap talaga, magpahinga't kumuha ng lakas. Pag tapos non laban na ulit! Ganda ng tula mo po idol talaga ate Ruffaaa

$ 0.01
2 years ago

Yayyy ganyan nga nadale mo hihi. Basta tigil lang saglit. Ihinga ng malalim at kapah okay na bangon ulit

$ 0.00
2 years ago

Ang ganda ng tagalog words mo maamsh. Malalalim

$ 0.01
2 years ago

Hahaha yiehhh salamat Uwu

$ 0.00
2 years ago

It's okay to be not okay sis. Laban Lang Tayo sa Buhay no choice eh 😅

$ 0.01
2 years ago

Laban lang kahit mahirap no, pushhh

$ 0.00
2 years ago

Yesss.. laban Hanggang sa mapuno Tayo Ng sugat at maging manhid nalng.

$ 0.00
2 years ago

Pero nakakabobo minsan mag-Filipino huhu.... Alam mo yun... Pero habang binabasa ko Yung tula kinanta ko sya kanta ba yan 😅

$ 0.01
2 years ago

Hahahaha bat naman kinanta HAHAHA anong background music? Haha

$ 0.00
2 years ago