read.cash Log in
R@Rox more from that month

Lumang Payong

Sa isang tindahan una kang nakita, Nakatayo at tila nagpapatila, Sa lakas ng ulan at kidlat na nagbabadya, Siguradong kahit ako'y di susugod, di magtatangka. Napag isip-isip kong ika'y pasukubin, Sa luma kong payong ngunit may gamit pa rin, Ngumiti ka lang nang ito'y iyong abutin, At sinabing, "Hay...salamat may nakaramdam din." Habang tayo'y nakikipaglaban sa ulan, Hindi ko maipaliwanag aking nararamdaman, Naisip ko na lang ganon talaga pag may natutulungan, Ngunit dagdag ng puso ko, espesyal itong aking kabutihan. Hiling ko na sana'y hindi na gumanda ang panahon, Dahil baka maputol ang sandaling 'yon, Maraming salamat talaga sa luma kong payong, 'Pagkat ito ang naging susi, sa mga puso nating Magkasamang nakulong..

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.