x Tinola x
Late ang aming lunch dahil past 9am na rin kami nakapagbreakfast kanina. Ngayon lang nagutom ang mga junakis ko hehe
Hindi ko masyadong bet ang tinola but since umuulan pa rin at may manok naman sa ref at may papaya at malunggay sa bakuran ayan tinola ang niluto ko para na rin makahigop ng sabaw ang panganay ko dahil not feeling well sya.
Infairness masarap ang pagkaluto ko, medyo kalasa na nya ang luto ng byenan ko hehe
Pagluto lang na tinola ng byenan ko napapasarap ang kain ko e hehe
Masarap ung ulan na naglalast lang ng ilang oras. Pero ung ulan dito smen nakaka Umayyyy!! Diosko 2days ng umuulan dito smen walang tigil. Napakaraming kailangang gawin na naabala dahil sa ulan. Hindi na nakakatuwa hays
Thank you Lord for all the blessings.
Kahit umaapaw ang ulan ay umaapaw din ang blessings.
Pag uwi kanina ng mister ko may inabot sken na paper bag. At ayon na nga binilhan ako ng cellphone. Dahil nanghihiram lang ako ng fone sa anak namen at nasira ang fone ko.
Goodnight guys.
x Champorado w/ tuyo x
Meryenda tayo guys, dahil maulan pa rin dito smen at may tira pa akong ingredients last time na nagluto ako ng champorado kaya eto champorado tayo guys. Pampainit ng katawan dahil malamig dahil walang tigil na pag ulan..
Masarap talaga ang champorado kapag may partner na tuyo๐
Maulan na hapon noisemates..๐ช
Hays grabe ang ulan tapos bigla pang lalakas ang hangin na parang may bagyo. Mabuti na lang hindi pa nagbbrownout. Tamang Netflix lang, mag isa na naman ako, nasa lola nila ang dalawa ko tpos kakaalis lang ng mister ko, yumakap sken sbay sabi "kung pwedeng dito nlang at maglovelove(hug) nlang tayo maghapon" niloko ko sabi ko sabihin mo kay mam basa ang uniform mo haha kaso nakalimutan ko sya pala ang boss hindi kagaya dati nung mga nag aaral at working student kami kapag walang gana pumasok pwedeng magpaalam basta may kareliever sa shift hehe
Kakamiss lang hehe
Mula pa kagabi umuulan na until now ulan pa rin. Good thing walang pasok sa school ang mga bata kaya kahit umulan pa maghapon e magkukulong lang kami sa bahay at magfofoodtrip hehe
Sayang nga lang at may work ang mister ko. Masarap sana maghapon lang sa bed at cuddle weather na naman tayo.. ๐
Goodnight noisemates.
Congratulations to all the LET passers.
Nakakatuwa na makakita sa newsfeed na puro goodvibes lang. ๐
Nakakatuwa dahil halos lahat ng kakilala ko na nagtake ng exam ay mga nakapasa.
Goodluck on your new journey guys. ๐๐
Kwentong Creepy.
Namalikmata na ba kayo guys? Ako kasi ilang beses ng namalikmata. Kanina napadaan ako sa bahay nung kapitbahay namen na kakamatay lang ng anak. Ung bata kasi na un may kapansanan at halos buong buhay nya e nakakulong lang sa kwarto, dko nga alam na may anak pala ung kpitbahay namen e kasi nkakulong nga ung bata.
Tapos kanina nung pagdaan ko sa may bahay nila napalingon ako sa may gate at may nakasilip na bata, then nung narealize ko na sarado pala ung bahay at walang tao nung napatitig ako sa may gate aba wala palang tao. Medyo malaki ung bahay up&down din.
Kaya napahawak nlng ako sa dibdib ko kanina habang naglalakad dahil sa gulat ko sabay dredretso ng lakad kunware nlang wala akong nakita.
Dko masabi kung ung bata ba na namatay ang nkita ko kasi diko naman nakita ung bata. Pero sigurado akong may nakasilip kanina sa gate. Hay ewan kakaloka๐
Late lunch kami guys, 1pm na kami nakapaglunch. Busog pa kasi kanina ang mga bata kaya ayaw pang magsikain.
Gandang hapon guys, tutulog naman kami, susulitin ang bakasyon para makarest ang katawan ng mga bata, kaya sa ayaw nila at sa gusto e matutulog sila hehe
Yung may nakuha akong Tupperware sa paraffle sa mga mommies kahapon sa xmas party ng pangany ko, syempre tinestingan ko na rin haha
Napakaraming pagkain nnman kahapon halos lahat kami nakapag take home. Dami pa snang pasta at mga kakanin pero kinuha ko lang ung sapat lng baka masayang lang din kung kukuha ako ng madami e..
Kaya tara almusal tayo guys hehe sarap gumising na hindi ka magwoworry kung malelate na sa school ang mga anak ko hehe
Sarap 2weeks din na pahinga๐๐
Morning xmas party ng bunso ko, then afternoon xmas party rin ng kuya nya, isinama ko din ang bunso ko kasi kasma rin ng mga kklase ni kuya nya ang mga kapatid nila na playmates din ng bunso ko.
Yan nasa 3rd pic yan ung mga playmates ng bunso ko na kapatid ng mga kklase ni kuya nya, pare-parehas din silang grade 2..
Dami kong pagod guys, maghapon asikaso sa mga bata hehe
Gandang gabi noisemates.
Done eating dinner guys, papababa lang ng kinain sleep na rin maya-maya dahil bukas party na ng mga bagets, kaya nakakapagod sigurado.
Umuulan na naman dito smen, ang sarap na tuloy matulog hehe
Kudos to the parents who find time to do the decorations for the party tomorrow.
Surely the kids will love this and also their teacher because this is what she want hehe
She doesn't want a simple decorations with tarpaulin on the background, she wants kinda "bongga" or elegant backdrop hihi
Thankfully one of my co-parent had this balloons in their office and already lend to our classroom.๐
Ibang klase talaga sa section ng panganay ko, very supportive ang mga parents, palibhasa after nung grade 1 sila e ngayon nlng ulit makakapag xmas party kaya all out na naman ang parents, masaya sa section nila kasi magkakakilala na ang mga magulang kasi ever since grade 1 sila up until now na grade 4 na sila e sila sila pa rin ang magkakaklase.
Pwera pa sa pledge nito na 2k para sa paraffle para sa mga bata e may palaro pa sya na tiktok dance daw parent-child tandem hehe
Sabi ko nga sa panganay ko try namen sumali aba sayang din kako ang 1k nako po e aayaw talaga, nagbibinata na kasi kaya nahihiya naagsayaw sayaw hehe
Hello noisemates.
Busy na ang karamihan ngayon para sa Christmas Party bukas. Kakauwi lamg din namen ng bahay, pinagupitan ko ang baby boy ko para naman presentable sya bukas sa xmas party nila.
Mabuti naman at magkaiba ang schedule ng mga anak ko, bukas e morning ang party ng bunso ko, ang panganay ko naman e hapon kaya di ako masyadong mangangarag dahil magkaiba sila ng sched ๐
Gandang hapon noisemates..
FoodTrip
Walang magawa kaya eto tamang nguya hehe
Nakaantok e kaya kain kain habang naghihintay ng estudyante. Hehe
Gandang hapon guys..
Throwback picture tayo.
Hello guys nung nasa daycare ang bunso ko may event na Princess2 ayan nakasali naman sila ng mga kaibigan nya.
Nakakatuwa lang kahit hindi na nya kklase ang mga ito ay mga kaibigan pa rin ng baby ko hehe
Maulan na naman dito smen guys kumusta kayo?
Goodnight guys.
Nakakapagod. Grabe kahit saan ka pumunnta ngayon e marami ng mamimili lalo at ilang araw na lang ay Xmas party na ng mga bata, kaya kami ay sa mall na namili pikit mata nalang na nagbayad sa cashier haha charot.
Minsan nakakapanghinayang lang din talagang bumili sa mall pero kumpara naman talaga sa tabi-tabi ay mataas naman ang quality ng sa mga malls although mas pricey sya. Pero minsan ay worth it naman hehe
Happy din naman ang mga anak ko dahil sila mismo nagpili ng sapatos nila kaya ako ay happy na rin๐
Hello guys.
Meryenda tayo hehe well actually kakain pa lang ako, busog pa ako kanina e then hinatiran ko na rin muna sa school ng lunch ang panganay ko.
Ayon nakapagluto naman ng sabaw hehe kapag nasa school kasi kami kumakain bihira makaulam ng sabaw. Mahihilig pa naman sa sabaw ang mga anak ko.
Gandang Hapon guys..
Tulog pa kanina pag alis ko ang mag ama ko, hinatid ko kasi sa school ang panganay ko, diretso palengke na rin ako para makaluto ng sabaw.
Tapos pagbalik ko ng bahay may natatakpan sa table, un pala nagdala ng food ang byenan ko, kakatuwa talaga ang byenan ko, mahal na mahal kami e hehe
Good morning noisemates..
Hay nilalagnat ang bunso ko.
Kagabi pa to masama ang pakiramdam pero pumasok pa rin kaninang umaga sa school, tapos pag uwi namen ngayong hapon nilalagnat na. Hays malaking factor kasi ung paiba ibang panahon kaya nagkakasakit ang mga bata e.
Kaya keep safe guys.
Minsan kapagbata pa naman din e nauusog, madami kasing pumapansin na tabachingching ang baby ko. Ganito pa naman sila mula nung maliliit pa kapag pinapansin ang katawan e madalas nagkakasakit tapos napayat hays
Hello guys.
Kakatuwa tong nabili kong talong kahapon, may naglalako kahapon 30pesos lang ang kilo kaya ayan bumili na ako dahil pag sa talipapa namen 80pesos na ang kilo kaya malaking bagay na na may naglako ng ganito kamura.. ๐
Hello noisemates.
Ngayon lang ulit nakahawak ng cellphone sa dami ng gawain. Mabuti na lang talaga nakapagplantsa nko kaninang umaga kaya pwede ng magrestโบ
Kapag naglalaba talaga e halos ubos ang oras sa paglalaba palang. Ung kahapon dapat ako maglalaba kaso sobrang lakas ng ulan maghapon kaya ngayon lang nakapaglaba.. Kaya eto dami kong pagod at antok..
How's your day guys?
Happy Lunchtime guys.
Hindi ko alam kung anong naisip ng byenan kong generous at binigyan kami dalawang buo na manok, hehe
Kaya eto in air fryer ko na agad ung isa at hahatiin ko para sa amin at sa byenan ko hehe.
Apakaswerte ko sa byenan ko. Sobrang mapagbigay. โบ
Bulalo sa Malamig na Panahon.
Pero noodles muna tayo hehe
Solo flight na naman ako sa bahay, ang mga bata nasa inlaws ko, doon din sila natulog kagabi. Mister ko naman kakaalis lang para magwork.
Anyway kain muna tayo guys, kakatapos ko lang din magplantsa, nagplantsa nko para mamayang gabi wala na masyadong gagawin.
Nasawa rin ung ulan dito pero makulimlim pa rin ang panahon..
Good morning noisemates..
Nako sobra na sa ulan. Mula tanghali until now umuulan pa rin, baha na naman neto sa centro, ewan ko kung pano ko nito magsusundo sa mister ko mamaya. Sana naman e tumigil na. Di na nakakatuwa ung panay nalang ulan dito smen. Laking abala sa gawain.
May mga fb friends akong nagpost na bahaa na sa loob ng bahay nila. Nakakainis ung ulan.
Kaya nung nagkaedad nko pili na lang ang kaibigan ko, mas gusto ko pang mag isa nalang kesa magsayang ng oras sa mga taong after all ng ginawa mo para sknila e may nasasabi pa rin tungkol sayo.
Hay ewan kakainis ang ulan, mula tanghali hanggamg ngayon e walamg tigil, kung kelan naman magsusundo ako sa mister ko mamaya sa work..
Maulan na gabi guys..
Year-end Brigada eskwela!
Nakakatuwa naman na lahat talaga e nakipagparticipate at tulong-tulong na malinis amg buong school.
Tyempo din naman pagkauwi ng bahay e ayan buhos na naman ang ulan kakaloka.
May pasnack rin ang school mga kakanin, nalate kami ng kuha kaya ung sopas di na namen inabot hehe
Pagod ako guys, balak ko pa naman maglaba ulit kaso tinatawag nko ng bed, lakas nnman kasi ng ulan dito smen.
Musta kayo guys?
Good morning guys.
Masarap pa sanang matulog pero pupunta akong school para magbrigada, may brigada kasi ang parents sa lahat ng grade level ngayon e. Parang activity ng school bago man lang mag xmas break..
Keep safe everyone..
Gandang gabi noisemates.
We are watching at the moment. Dahil wala namang pasok bukas eto pwedeng magpuyat ang mga bagets hehe minsan lang naman kami magpuyat.
Kahit action movie ang pinapanuod namen e ok lang sa makukulit ko hehe
Natetense din sila kapag nagbabarilan na๐