Good morning noisemates. Rainy day pa rin dito smen. Naalala ko tuloy way back 2015-2018, naging katiwala ang mga byenan ko sa isang farm sa Pili, Camarines Sur, malayo layo dito sa amin, kaya may mga times na tuwing bakasyon or nakaleave sa work ang mister ko e nagbabakasyon kami don. Napakarelaxing doon, imagine nasa gitna ng bukid yung bahay-kubo na tinitirhan ng mga byenan ko doon, tapos kapag umulan don ng mahina ay ang sarap sa pakiramdam, sobrang nakakarelax, kaya don ko narealized na sana kung palarin kami e sa ganong klaseng lugar kami titira at tatanda kami ng mister ko. Yung tipong magtanim tanim ka lang e siguradong hindi ka magugutom. Bonus na lang ung tahimik na paligid❤️ Ang lamig kasi ang sarap mag muni-muni hehe
5 comments
Umamabon din dito sa amin kanoise. 🥶🥶🥶🥶 Malamig pa
Maganda naman ang mamuhay sa probinsya basta meron may tyaga .
Umuulan din dito, ka-noise! Kakauwi ko lang dito sa bahay dahil di natuloy ang work ngayon. Maganda ngang tumira sa probinsiya lalo na sa bukod, tahimik at sariwa ang hangin.
Mukhang super peaceful nga dyan ah
Yan Ang gusto ko talaga sissy Yung may ilog Sana. Ipon Lang sissy mura Lang Ang lite sa province