Good morning noisemates. Story time. Nagpost ako kahapon sa fb page namen, grabe daming nagmessage sken asking bkit daw kami magsasara. Nakakalungkot lang din kasi 90% ng customers namen e estudyante. Kaya talaga kami nakaisip ng mister ko na magtinda noon kasi nung estudyante kami alam mo ung kakain ka ng lunch tapos di mo mafeel kasi di naman ganon kasarap ang food in other words tinipid ba. Kaya sabi namen magtitinda kami malapit sa mga schools kasi gusto namen makakain ng masarap at hindi tinipid na meal ang mga estudyante pero abot kaya ang presyo. Nakakatuwa kasi nagboom talaga negosyo namen, marami kaming specially ako na naging kaibigan na estudyante don kasi ako talaga hands on sa tindahan namen dahil ngwowork naman ang mister ko non. Kaya nkakataba ng puso mabasa mga comments at messages nila sa akin na malaking impact ang tindahan namen saknila. Naalala ko po ung mga customer namen na mga mdalas tumambay sa tindahan namen tapos nung mga naging engineer n sila ibinalita agad nila sken sabay kain ulit sila sa store namen, alam mo un, ang sarap sa pakiramdam makitang nagiging successful ang bawat customer namen na alam nameng naisalba namen, meron pa ilang estudyante pinapaygan ko talaga na ipalista muna o utang muna hehe meron din nakikiusap na maghuhugas nalang sya habang breaktime nya sa school para makakain sya ng free, pinapayagan namen pero binabyaran ko pa sya at least may baon man lang sya hehe Kaya masaya pa rin ako kahit nagsara kami (pansamantala) kasi alam kong tumatak rin kami sa isip at puso nila. At alam nameng naging part kami ng buhay nila🙂
No comments yet