Good morning mga mamsh. Medyo nasenti na naman ako ngayon pagkakita ko dito sa fb memories ko. Sobrang thankful talaga ako kay God for giving me such a wonderful kid.(silang dalawang anak ko actually) Naalala ko induction nila nito e, kasama rin sya sa class officer, alam mo ung super late ako, bukod sa busy ako that time sa negosyo e nung bumili pako ng food sa Jollibee e super haba ng pila kaya natagalan talaga ako. Pagdating ko sa school e halos patapos na ang program nila at nakakain na ang mga classmates nya, nung time na kumakain na daw mga classmates nya e binibigyan sya nv pagkain nung isa kong co-parent pero sabi daw nya padating na rin daw ako kaya di na nya tinanggap. Tapos pagdating ko dito tuwang tuwa sya kahit late ako at halos dko na nakita ang ganap nila dito nung nanunumpa sila hehe Tapos panay sorry ako skanya that time, pero ulit ulit din nyang sinasabi na "ok lang po yun mama naiintindihan ko po" grabe grade 1 pa lang sya that time pero malawak na talaga pang unawa nya. Kaya siguro ngayon na nastay at home nko everytime magpapaalam ako na may bibilhin sa labas laging bilin e "uwi ka po agad ha?" Siguro nga chance ko na to par bumawi naman sknila lalo na ngayong mag fface to face class na, focus muna ako sknila. Nung time kasi na busy pa ako si lola nya ang tagahatid sundo sknya si lola din kasama nya kapag may mga event sa school. Anyway napahaba na. Gusto ko lang naman ishare kung gaano ako kaswerte sa mga anak ko❤️
3 comments
Good morning sis
Sobrang bait na pogi pa 😘 siguro yong mga ganito anak depende nalang kung paano magdisiplina ang magulang. Kaya't good job Mom! 💪
Good morning sis.. Talga tayong inah subra thanks full sa mga anak. Cute naman po