read.cash Log in
@RoseAnn16 more from that month

Hello noisemates. Meryenda kayo dyan hehe Nung napilitan kaming magpull out ng tindahan dahil sa pwesto namen sa bayan e nakakapanghina talaga at nakakalungkot. Pero heto ako ngayon dito lang sa bahay, tamang tinda ng meryenda, laban lang ng laban, hindi pwedeng sumuko kapag nanay ka na hehe Pansamantala dito muna sa bahay habang hindi pa kami nakakapagdecide kung susugal pa rin ba kami sa totoong negosyo o pahinga muna. Exhausting din ang negosyo sa totoo lang e, lalo na kung wala kang sariling pwesto, sobrang laking kabawasan sa kita kapag nagbabayad ka ng rent, plus iba pa ang bill ng kuryente at tubig kapag nasa commercial space ka kaya talagang susugalan mo ang negosyo. Ganun pa man habang wala pang pasok sa school ang mga anak ko, dahil sa bayan din ang school nila, eto na muna pagkakaabalahan ko. Nalilibang pa ako at nakakalimutan ko na ung lungkot nung magsara kami ng negosyo🙂

4 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.