read.cash Log in
@RoseAnn16 more from that month

x Nilagang Manok x Dahil may buto-buto pa ng manok sa ref at umuulan rin naman masarap humigop ng sabaw. Palagi kaming may buto-buto ng manok dahil sa pinafillet-yan ng manok which is Chicken fillet ang isa nameng tinda. Kaya kapag pang sahog2 lang malaking bagay itong buto-buto lalo at malaman pa naman. Nung time na sobrang lakas ng tindahan namen marami talaga kami naiipon na mga buto-buto, kaya ung mga kapitbahay namen e inaabang abangan nila ung buto2 kasi binibili nila sken, 20 pesos lang kasi benta ko isang plastic. Lalo sa mga medyo kapos ang budget e happy na sila kapag nakakabili sila ng buto-buto.. Minsan inaadobo nila o di kaya tinola. Kasi 20 pesos lang na buto2 e kasya ng iulam ng isang pamilya. Gandang tanghali noisemates. Tara kain tayo..

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.