Naalala ko nung baby pa ang bunso ko, naawa rin ako dito sa panganay ko dati, may mga times na sasabihin nya kapag nakahiga kami "mama harap ikaw sken lablab(hug) mo po ako" kaso itong bunso ko talaga simula baby pa hindi nagbago ugali, iyakin sya nung baby pa and at the same time nagpapabreastfeed rin ako sa bunso ko, kaya most of the time e sa bunso ko ako nakaharap. Hanggang sa nasanay na lang panganay ko sya na lang ang yumayakap sa akin. Masaya lang din ako at never nagselos ang panganay ko sa bunso ko, 2enhalf y.o lang sya ng manganak ako sa bunso ko, imagine 2y.o lang pero naiintindihan na ang sitwasyon, un lang din ang nakakaawa sa bata kapag nasusundan agad e, longing sila sa atensyon ng magulang. Kaya ngayon sa totoo lang ayoko na silang masundan, bukod sa nadala na akong manganak e gusto ko naman mas matutukan sila at makita na sabay silang lumalaki. Ayoko rin mafeel nila na burden kapag may maliit na kapatid, kasi sa typical filipino family kapag may maliit kang anak at may kailangan kang asikasuhin matik na ung mga nakakatandang kapatid ang mag aalaga sa baby, ayoko na nilang maramdaman un hehe Nakakamiss lang nung mga baby pa sila. Kapag nakikita ko photos nila nung maliliit pa bigla akong nasesenti e.😔 Goodeve noisemates. Maya2 tulog na rin ako nakakaantok na ang dito malamig kasi ang hangin.🙂
2 comments
Ang ganda mo dyan siss. Kaya't dapat habang baby pa lng talaga, enjoyin na..
Ay thankyou dyan sis. Hehe Oo sis dapat sulitin bawat oras habang wala pa silang crush hehe