read.cash Log in
@RoseAnn16

@RoseAnn16 in March 2023

@RoseAnn16

Hi guys. Ngayon na lang nakapagopen ulit. Just want to share with you guys how happy and proud I am of my first born. Worth it lahat ng effort nya sa paggawa ng assignments at projects at sa paggising ng maaga para hindi malate sa school hehe Nakakaproud tong anak kong to, nung first quarter aba happy na ako at with honor sya aba ngayon mas ginalingan pa e. 😍 Goodnight na rin guys..💤💤

@RoseAnn16

Hello guys kumusta? Makulimlim na naman dito smen ngayon, mabuti na lang kahapon e mainit ang panahon kaya naenjoy naman ng mga bata ang paliligo, nag aya ang kuya ko na magswimming e, kaya ayan dumayo kami sa kabilang bayan para makaligo ang galing kasi free entrance, bale sa parking lang ng sasakyan ang babayaran at sa cottage kung kukuha ka ng cottage 😊 Dko keri ang tubig napakalamig pero ang mga bata grabe walang lamig lamig swimming agad e..

@RoseAnn16

Hello guys. Habang pauwi ako ng bahay kanina napatigil ako pagkakita ko ng ng rainbow. Wala lang nagandahan lang ako hehe

@RoseAnn16

x Sinigang sa gabi x Tara guys kain tayo, medyo malamig pa rin dito smen, sarap kumain ng may sabaw. Ang panganay ko ayaw kumain busog daw sya, kanina kasi bago mag uwian e dalawang classmate nya ang may birthday sabay pa nagpa snack parehas pang jollibee ang pameryenda at dahil mabait ang anak ko ibinigay naman nya sa bunso ko ung isang meal tapos dumaan kami sa ate ko bago kami umuwi binigyan naman sila ng siopao kaya ayon busog pa daw sya. 😊

@RoseAnn16

Kita ko sa memories ko. Nakakamiss rin talaga nung maliliit pa ang mga anak natin noh? Ung tipong ang cucute pa at ang babango pa kasi amoy baby pa hehe Tapos ikaw palang ang hanap palagi. Ngayon malalaki na sila at may kanya2 na talagang buhay. Kaya hanggat maaari sinusulit ko ang panahon na kasama ko sila habang bata pa sila. This is my first born when he was 5yrs. Old.🥰

@RoseAnn16

Thankyou Lord sa magandang panahon at thankyou po at walang pasok sa work ang mister ko kaya nagkaoras na maipasyal sa dagat ang mga bata.😍

@RoseAnn16

Advantage at disadvantage kapag walang pasok si mister. Advantage: Masarap ang food namen sya ang nagpprepare. Disadvantage: Nasisira budget nmen hehe

@RoseAnn16

Hello guys. Kumusta? Walang pasok sa school ang mga bata ngayon kaya eto nakadalaw naman dito. Kapag nasa downtown kasi di rin makapagbrowse dahil wala akong load hehe sa bahay naman may wifi pero kapag may pasok busy rin ako kaya di na halos makabisita dito. Anyway bigay nga pala to kahapon ng ate ko, nakakatuwa at hinatid nya pa talaga dito sa bahay hehe

@RoseAnn16

Goodmorning guys. Kahapon e nagkita kami ng friend ko sa mall may binili lang na tsinelas kasi nakapromo hehe alm mo na kapag nanay na don lang tayo sa nakapromo hehe Kasama ko naman ang baby girl ko at kasama ng friend ko ang baby boy nya kaya ayan bonding din sila. Nakakatuwa kasi para silang magpinsan close talaga hehe Anyway, busy ulit ngayon dahil maglalaba pa rin ako hays di na natapos ang labahin hehe

@RoseAnn16

Hello guys. Naihatid ko na sa school ang mga anak ko kaya eto pwede ng mag almusal hehe Grabe ang lakas ng ulan dito smen ngaun. As in akala mo e may bagyo. Kumusta ang lahat?