read.cash Log in
@RoseAnn16

@RoseAnn16 in October 2022

@RoseAnn16

Candy ng mga inuubo't sipon. Dahil may ubo't sipon din ng mister ko ayan bumili sya ng mga candies baon din nya s work hehe Eto lang problema kapag transition na, talagang kahit anong ingat mo e tatamaan at tatamaan ka ng ubo't sipon. Sana nga bukas makapasyal kaming dagat para makaligo ang mga bagets, mabilis din makagaling ubo't sipon kapag naligo ng dagat e, sana mainit bukas para makapagbilad din kami ng likod. Nakaalis na si mister, naiprepare ko na rin ang baon nya.…

@RoseAnn16

Mabuti na lang tulog ang mga anak ko hehe Nagcrave ako bigla sa chips. Biglang naghanap ang dila ko ng something salty and spicy, maalat kasi kaya bihira ko silang pakainin ng junkfood. After ko kumain nito tatabi nko sknila para makatulog, napagod din kasi ako paglaba kaya pahinga muna. Gandang hapon noisemates 🙂

@RoseAnn16

Naalala ko last time e dadaan kami sa friend ko bago umuwi, pauwi na rin mga anak ng friend ko, hindi ko naman pwede iangkas sa motor kasi delikado Kung tatlong bagets iaangkas ko, kaya ang anak ko naman nung nalaman na dadaan kami kela tita nya ay ayan Dali-dali sken ng paalam na sasabay sya sa mga anak ng friend ko sa paglalakad hehe Kakatuwa e happy sya nyan naexperience nyang maglakad pauwi kahit ung bag nya hindi nya pinadala sken hehe Ang ginawa ko nalang e nagconvoy…

@RoseAnn16

x Father & son x Goodnight noisemates! Mabuti na lang nakauwi na ng bahay ang mister ko bago bumagsak ang ulan. Nakakatuwa silang tingnan, malambing talaga itong panganay ko kahit malaki na at kahit lalake e showy talaga sya smen ng papa nila. May pahug at kiss yan smen lagi ng papa nya, kahit young man na sya e hindi nahihiya maglambing sa papa nya lalo na sken. Hehe Ayan na lumakas na naman ang ulan, mukhang negative ang dagat namen bukas ah. Hays tulog na rin kami…

@RoseAnn16

Goodmorning sunday! Kanina pa ko gising, pero dko pa ginigising ang mag-aama ko, nakikiramdam muna ako kung uulan ba kasi di rin maeenjoy ng mga bata ang punta nameng dagat kung umuulan.. hehe Maaga pa naman kaya wait lang muna ako hehe Have a nice day ahead noisemates. Keep safe guys.

@RoseAnn16

Alam mo feeling na masaya at malungkot? Dito kasi smen ang daming small business na nag open, nakakatuwa kasi alam mong marami rin ang mabibigyan ng opportunity na magkaroon ng trabaho. Pero this past few months marami rin nagsarang maliliit na negosyo dito smen, halos every week may nakikita ako sa fb na nag aannounce for closure na ang business nila. I know the feeling, yung alam mong ibinuhos mo lahat pero ended pa rin na you had no choice but to closed😔 Ganon talaga sa…

@RoseAnn16

x Corn Soup x Tuyo x Perfect combination to guys hehe Tumawag kasi kanina byenan ko nagluto daw syang cornsoup punta na lang daw ako sa bahay nila. Mabuti na lang dipa ko nakapagluto hehe Sakto maulan dito sme ngayon masarap partneran ng tuyo itong soup, masarap pa nabili kong tuyo, di gaanong maalat kaya kumain din panganay ko. Pero ang bunso ko talaga di mo mapapakain ng tuyo, di nya siguro bet ung salty taste hehe Tara kain tayo noisemates..

@RoseAnn16

Gandang gabi noisemates. Nakapag kita kita naman kami ng mga kaibigan ko hehe Nakkatuwa nainvite kami ng kaibigan namen dito sa bahay nila, kalilipat nila dito sa bahay nila.. Tara meryenda tayo noisemates.. Mukhang gagabihin kami ng uwi nito hehe

@RoseAnn16

Sino dito ang biglang napapakanta kapag nakashot na?hehe Kahit sintunado kakanta pa rin e lol Masarap kapag mga tunay na kaibigan ang kasama mo, kahit matagal hindi nagkita kita o nag-usap e pagnakita e walang nagbago hehe Masarap balikan ang mga alaala lalo na nung highschool pa kami at magkakasama palagi. Sana next time buo naman kami magkakaibigan na magkasama sama🙂

@RoseAnn16

Hello noisemates. Nako po pagkadating ko ng bahay sabay aya naman ng mister ko dito sa kawork nya nagjamming din sila, pambawi sa 1week na pagod sa work hehe Minsan lang to mga mate, mabuti na lang wala pa ring pasok ang nga bata bukas makakabawi pa ng tulog hehe Tara shot ulit tayo noisemates 🍻

@RoseAnn16

Goodmorning noisemates. Panget ng panahon ngayon di pa rin tuluyang nasikat ang araw. Balak ko pa naman sanang maglaba, pero di na muna dpa rin mainit e. Tulungan ko nalang muna sa assignment ang anak ko bukas pasok na naman sa school e.. Have a great day ahead noisemates. Keep safe guys..

@RoseAnn16

Hello noisemates. Namiss ko ang baby kong to, kakauwi nya lang ng bahay, don sila natulog kagabi kela lola nila e. Odb? Napakabait talaga ng byenan ko, nagpaalam ako kahapon, ibinilin ko lang mga anak ko, sabi ko rin gagabihin ako kaya ayon don na lang daw nya patulugin sknila ang mga bata kasi walang kasama sa bahay at nasa work pa din kahapon si papa nila. Maswerte ako sa byenan ko at ok lang sknila na paminsan minsan ay maghappy happy naman ako hehe

@RoseAnn16

x Ginisang repolyo with sardines x Gandang Tanghali noisemates. Tara kain tayo, simpleng ulam lang tayo ngayon. Matagal pa ang sahod kaya kailangan magtipid hehe Mabuti na lang kumakain ng cabbage ang mga anak ko, kaya eto nlng binili ko, may stocks pa naman de lata kaya 25pesos lang gastos ko ngayong lunch o dba tipid.. Happy Lunchtime noisemates..

@RoseAnn16

Hello noisemates. Share ko lang tong biniling beach tent ng mister ko. Alam mo ung nakakatawa? Yung hindi namen alam kung kelan namen to magagamit kasi palagi naman syang may work pagweekends hehe Advance din to mag isip si mister ko e, para daw kapag may boy scout/camping na ang anak nya kahit papano may magagamit hehe Next daw bibilhin nya ung parang comforter na isinusuot sa katawan kapag natutulog hehe kakatuwa lang din naiisip nya ung mga ganon..

@RoseAnn16

Gandang gabi noisemates. Yung mga anak ko kapag narinig palang ang motor ni papa nila tatakbo na sa labas, tapos bubuksan ang gate hehe Masaya na sila kapag alam nilang andyan na si papa nila magbbless, tutulungan kunin ang gamit, ganyan sila kapag sumasalubong sa papa nila, thankful kmi ng mister ko at kapag dumadating kami galing sa labas e sasalubungin kami ng bless, never pa sila sumalubong smen para mghanap ng pasalubong hehe Hindi rin kasi namen sinanay na bawat uwi e…

@RoseAnn16

Goodmorning noisemates. School time na naman ang mga bagets kaya gising na naman ng maaga para magprepare. Eto talaga ang weakness ko ang gumising at bumangon ng maaga. Pero wala akong choice kundi bumangon hehe Have a nice day ahead noisemates. Keep safe. Tara mag asikasi na tayo ng breakfast. Napakabilis pa naman ng oras..

@RoseAnn16

Hello noisemates. Nakasalubong ko ang kaibigan ko si @nicnat1727 binigyan ako nitong nilubak/nilupak. Hehe Swerte ko talaga sa mga kaibigan ako na love ako, iilan lang yan pero sobrang tunay.😍 May libreng meryenda ako dito sa school habang nagpapalipas ng oras hehe Tara meryenda tayo noisemates.🙂

@RoseAnn16

Habang nakaupo kami dito sa waiting area lumabas ng classroom ang section ng anak ko at andito sila sa may court nagp.P.E. At kanina lang din nag inform ang teacher nila na PE pala sila ngayong hapon kaya umuwi pa ko ng bahay para kunin PE uniform ng anak ko pati sneakers nya. Hay napagastos pa tuloy..

@RoseAnn16

x Monggo Overload x Gandang gabi noisemates, dahil nagccrave ako sa monggo nung nakaraan pa at nabanggit ko naman sa mister ko. Dahil spoiled ako sa mister ko ngayin dayoff nya eto pinagluto nya ko hehe Sobrang busog ko noisemates, dami kong nkain cravings satisfied talaga e 🙂 Gandang gabi noisemates. Repost from noise.cash

@RoseAnn16

Goodmorning noisemates. Time to get up. Hay bakit napakabilis naman ng oras kapag umaga. Tipong maaga ka na ngang gumising para hindi ka marattle kaso ganito napakabilis talaga ng oras. Sige guys asikaso muna tayo ng ating nga estudyante, mamaya naman ulit. Have a nice day ahead. Keep safe everyone.🙂

@RoseAnn16

Goodmorning noisemates. Simple program para sa Teacher's day celebration. Nakakatuwa at ang anak ko na naman ang nag emcee, impromptu pa walang script but still my son did a good job. Kakatuwa marunong ng mgdala ng program, tinutulungan nya pa ung partner nya dahil nga wala silang script hehe😍 Happy naman si teacher sa simple program na hinanda ng mga parents/kids 🙂

@RoseAnn16

Meryenda muna tayo noisemates. Nagugutom nko e di kasi nakapg almusal kanina kaya eto gutom na. Kapag nakaupo ka lang talaga e nakakagutom at nakakaantok noh? Hehe Kayo dyan noisemates kumusta?

@RoseAnn16

Mabuti na lang walang pasok ngayong hapon itong baby girl ko, nakasama kami kela ate para pumunta sa hipag ko, nanganak na kasi kagabi. Nakkatuwa may dagdag na naman sa family namen hehe Ang ganda-ganda ng baby namen. Kaso malayo sila smen kaya di namen madalas mpupuntahan.. Gandang hapon sainyo dyan noisemates 🙂

@RoseAnn16

Goodmorning noisemates. Oras na naman para asikasuhin ang mga estudyante natin. Nakakapagod, nakakaantok pero the fact na alam mong natututo sila at magiging maayos ang buhay nila sa future e balewala lahat ng pagod at antok na naramdaman natin ngayon ☺️ Have a nice day ahead noisemates. Keep safe always. Let's live our lives to its fullest 🤘

@RoseAnn16

Father's Love😍 Goodmorning noisemates. Yung mister ko na kahit 8:30am pa ang pasok pero kapag weekdays na 8:30 ang pasok nya matic gigising na rin yan ng maaga para sumabay smen at maihatid sa school ang mga anak namen. Kumusta kayo dyan noisemates? Maganda ang panahon dito smen ngayon mainit..

@RoseAnn16

Lunch time at school.. Kanina bago maglunch ang bunso ko nagpatirintas sya ng hair, pati anak ng kaibigan ko tinirintas ko na rin ang buhok hehe Tapos pagpasok nman ng anak ng kaibigan ko ngayon eto may binigay ang friend ko ng rambutan hehe natuwa si bunso nya sa buhok nya e hehe Gandang Tanghali noisemates..

@RoseAnn16

Gandang gabi noisemates. Nasa bahay na rin kami, sobrang nalobat fone ko kanina kaya ngayon lang ulit nakapaglog in hehe Dko pa rin alam kung anong lulutuin ko ngayong gabi, medyo wala ako sa mood magluto. Ay kahapon pala tong picture ng anak ko, kahapon kasi sya lang may pasok ng hapon kaya pagsundo ko skanya tamang meryenda kami ng tusok tusok happy na sya dyan hehe Musta kayo noisemates?

@RoseAnn16

Goodnight noisemates. Sarap matulog umuulan na naman dito smen. Bago tayo matulog magpasalamat muna tayo sa Panginoon sa lahat ng biyaya na binibigay nya sten, kahit na minsan dumadating tayo sa punto na parang susuko na pero biglang magpprovide si Jesus Christ. Don palang ay maswerte na tayo dahil hindi nya tayo pinapabayaan.. Keep safe noisemates. Post ko sana to kagabi, sa sobrang antok ko nakatatulugan ko na, ngayon naman nagisng ako sa sobrang lakas ng ulan.🤦🏻‍♀️

@RoseAnn16

Sinangag at itlog sa almusal plus kape ay solve na. Nga lang e may pasok pa rin sa school ang bunso ko kaya madaliang kain na naman kami para may laman ang tyan habang naghihintay sa Anak ko hehe Kain na rin kayo dyan noisemates. Have a noce day ahead. Goodmorning ☺️

@RoseAnn16

*Repost* Newly found friends. Kanina habang may klase pa mga anak namen e nagpasama samen sa bangko itong isa nameng kaibigan biglang umulan din, sakto napadaan kami sa lomi house ayon nilibre kmi ng isa nameng kaibigan hehe Wala rin kasi pasok mamayang hapon dahil may general assembly, kaya nagkayayaan na gumala. Gandang Tanghali noisemates 🙂

@RoseAnn16

Umuulan na naman dito smen. Sana kung gaano kadalas ang pag ulan dito smen, ganon din sana pag ulan ng blessings dito sa noise para maishare din sa iba, medyo nakakamiss na yung nakakapagshare ka sa iba 😔 Maya-maya pagtumila na ang ulan maglalaba naman ako para mabawasan naman ang labahan ko.. Nakakaantok kaya pagnapaidlip ako mamaya na lang talaga ako maglalaba..

@RoseAnn16

Yung tumigil ka muna saglit sa paglalaba tapos pagtingin mo ng fone ganito makikita mo lol Oh tukso layuan mo ako hehe Kukulit e biglaan talaga ang aya, kaso wala akong maiiwanan sa bunso ko at wala pa ang lola nila kasama ang panganay ko kaya pass talaga muna ako mahirap na magmotor tapos iinom kasama ang bagets hehe Gandang hapon noisemates. Tuloy ko lang ang labahan ko.🙂

@RoseAnn16

*Repost* Goodmorning Saturday. Maaga pa rin nagising para magprepare. Bukod sa nakapaglaba nko kahapon e wala na mana ko masyadong gagawin ngayon kaya sasama kami ng mga bata sa byenan ko. Sana wag umulan para hindi hassle ang lakad. Have a nice day ahead noisemates. Keep safe. 🙂

@RoseAnn16

*Repost* Kanina pagdating namen ng bahay kasama byenan ko e nagpameryenda ng leche flan ang byenan ko binigay daw ito ng pamangkin nya, meron din ube halaya, hindi ko lang naisama sa picture. Nakakapagod guys, sumama kmi sa byenan ko tumulong sa paglilinis sa simbahan nila e, sayang din kasi ang sideline hehe Napagod ako pero 2pm nkauwi na rin naman kami.. Gandang hapon noisemates. Kumusta kayo?

@RoseAnn16

x Batchoy x Gandang gabi noisemates. Yan ang ulam namen ngayong hapunan, sakto medyo malamig ang panaon. Ang mister ko nung nakaraan pa nagsasabi na magluluto sya ng batchoy, kaya ayan dahil 6pm lng nasa bahay na sya kanina e hindi napigilan nagluto talaga ng batchoy hehe Mabuti na lang sya na ang nagluto napapagod pa kasi ako dahil sa raket kanina nakakapagod pero Go lang ng go😊

@RoseAnn16

* Repost* Goodmorning noisemates. Let us thank the Lord for the first blessing he gave us today which is our lives. Thankyou Lord for another day. Rest day ko ngayon, bukas simula na naman ng bakbakan kasi may pasok na naman ang mga bata. Ingat lagi noisemates 🙂 Have a nice day ahead noisemates.

@RoseAnn16

Leftover food ang lunch namen today Medyo marami kasi ang niluto ng mister ko kagabi kaya ayon may tira pa rin ngayon. Mamayang gabi nalang ako magluluto, parang naghahanap ang dila ko ng pritong isda, kaya mamayang gabi ako magprito ng isda. Tara kain na rin kayo noisemates. Gandang Tanghali..🙂

@RoseAnn16

x Meryenda x Tara noisemates meryenda tayo, nagutom ako paglaba kaya eto naghanap na ng kape ang katawan ko hehe Tuwing weekend na lang nakakapagkape ng maayos e, ying nafifeel mo talaga bawat higop ng mainit na kape hehe Minsan kasi sa umaga dko na magawang magbaon ng kape kapag papasok na sa school ang mga bata dahil sa kakamadali. Lalo na simula bukas dapat mas maaga na kami palagi, ngwarning na kasi teacher ng panganay ko na ililista daw nya ung laging wala sa flag…

@RoseAnn16

x Bihon x Meryenda ulit tayo noisemates, late meryenda na nga lang hehe Kakahatid lang ng byenan ko nito, eto daw niluto nya for dinner, ako naman e nagluluto na ng dinner. Nakapagpahinga na rin naman ako nagplantsa kasi ako kanina ng uniform ng mag-aama ko kaya eto luto naman ng dinner. No pork itong bihon mg byenan ko, dami na kasing bawal na pagkain sa FIL ko kaya nag aadjust sa pagluluto ang MIL ko, sabi rin nya konting toyo lang nilagay nya pero masarap talaga magluto…

@RoseAnn16

Gandang gabi noisemates. Cravings satisfied sa pritong isda at talong hehe Kanina may binili ako sa tindahan napansin ko yung buwan napakaliwanag at bilog na bilog. Ang sarap siguro magchill kung may rooftop ang bahay namen tapos sabaw latag ng tent at ihaw ng mallows hehe

@RoseAnn16

Goodmorning noisemates. School time na naman ang mga estudyante natin. Otw na sila, si mister ko naghatid ngayon para makapagprepare pako ng baon nya at lunch namen mamaya sa school. 10am pa kasi pasok ng mister ko kaya nag offer na sya na lang daw maghahatid sa nga bata ngayon. Babalik na lang sya kasi maaga pa naman. Buti na lang nagising ako sa 5am na alarm ko, don sa 4:30 kong alarm kanina hindi ako nagising e hehe Goodmorning noisemates. Have a wonderful day ahead 🙂

@RoseAnn16

Dito nko sa school, sakto uwian na rin ang bunso ko, wait na lang namen si kuya nya then maglalunch na kami. Mabuti na lang at si mister ko ang naghatid kanina sa mga bata nakapagprepare pko ng lunch at nakaasikaso pa sa bahay. Kumusta kayo noisemates?

@RoseAnn16

Hello noisemates. Eto prinepare kong lunch kanina. Tamang prito muna dahil nasa school naman, nakapasok na ulit sa room ang mga anak ko, nagkkwento ang panganay ko birthday daw ng classmate nya ngayon, may pajollibee daw after class. Tapos ung isa naman nyang classmate na kaibigan nya nagpaalam na sken kanina sasama daw nya si Champ bukas maglalunch daw sa Mcdo..

@RoseAnn16

Tumambay ako sa kaibigan ko kanina, pass muna kami sa kape, nagccrave ako sa malamig ngayon e hehe Tamang ice cream kmi kanina, miss ko na rin ang Dan Eric's e.. Balik na rin ako dito sa school kasi uwian na ng mga bata. Nagpapameryenda na lang yung classmate ng panganay ko then uwi na rin kami kasi wala ung subj. Teacher ng panganay ko ngayon sa last subject kasi nasa ospital daw si teacher..

@RoseAnn16

x Cacao/Cocoa x Hello noisemates. Nasa bahay na rin kami ng mga anak ko, flex ko lang itong cacao na binigay nung friend ko, miss na ko nito kachikahan e kaya ayon dinalaw ko naman hehe Nagtitipid kasi ako kaya hindi skanya madalas makatambay. Hirap magbudget kaya dapat tipid2 din 😁 Pahinga lang konti prepare na rin ng dinner namen..

@RoseAnn16

Goodnight noisemates. Kanina pagdating namen galing school pumunta kami sa byenan ko, hinatid ko ung pinabili nyang tinapay sa downtown. Tapos excited ang byenan ko na binigay eto sa bunso ko, binili daw nya ng tsinelas ang bunso ko, hehe Tuwang tuwa naman ang anak ko agad niyakap ang lola ang nagpasalamat. Nakkatuwa talaga ang byenan ko, mahal na mahal talaga ang mga apo nila♥️ P.S. Madumi agad, isinuot agad kanina ng anak ko sabay laro e hehe

@RoseAnn16

Goodmorning noisemates. Love the message on the photo. This is to remind us that we need to be patiently waiting for our blessings to come🙂 Done cooking breakfast, maya-maya gigisingin ko na rin ang mga baby ko, kailangan mas maaga na talaga kaming makaalis ng bahay para makaabot ng flag ceremony. Have a nice day ahead noisemates. Take a bunch of care🙂

@RoseAnn16

Ngpuntang Naga City ang mister ko kasama ang inlaws ko, papacheck up kasi ang FIL ko, di na kasi nawawala sakit ng sikmura nya. Kanina tumatawag pala ang mister ko, busy pa naman ako nyan dahil may pasok sa school ang mga bata, along the way may nadaanan silang rambutan, mura kasi don kaya ayan bumili sila.. Kumusta kayo dyan noisemates?

@RoseAnn16

x Pop Tube x Yung kapag Lunchtime na dito sa school e eto na maririnig mo. Ewan ko ba sa mga batang eto, "satisfying" daw eto sknila e lol Tapos ang bunso ko pa bumili nito sabi ko may kulay pink or purple, wala blue daw gusto nya hehe kakaiba rin minsan trip ng baby girl ko e.. Happy Lunchtime noisemate..

@RoseAnn16

Kaninang lunch sinama ang panganay ko nitong magnanay hehe birthday kasi ng classmate ng anak ko, at ilan lang silang ininvite kumain sila sa Mcdo, closest friends lang ng may birthday ang isinama. Kakatuwa lang at kahit mahirap lang kami e maraming kaibigan ang anak ko karamihan pa ay mga say sa buhay, hehe ipinaalam knina sken nitong teacher na nanay ng classmate ng anak ko na isasama nila si Champ e, di nko kumontra kasi excited na ang anak ko at mga kaibigan nya kanina…

@RoseAnn16

May pameryenda pa rin pala ngayon sa buong klase itong kaklase/kaibigan ng anak ko hehe Akala ko un na ung treat sknilang closest friends kaninang lunch, meron pa pala ngayong hapon bago mag uwian. After nila magmeryenda uwian na rin sila, nasa ospital pa rin kasi ung sa teacher nila sa last subject. Gandang hapon noisemates.🙂

@RoseAnn16

Goodmorning noisemates. Busy kanina ngayon na lang nakapagcellphone. Dad's duty muna ang papa namen before magwork. 8:30 pa pasok ng mister ko pero dahil love ang mga bata sumabay na sya smen quarter to 7 umalis na kami sa bahay. Saktong dating namen sa school mag-sstart na ang flag ceremony.. Ganda ng panahon kumusta kayo noisemates?

@RoseAnn16

x Meryenda x May free akong meryenda galing sa mabait kong friend na si @nicnat1727 napakabait e, nakita ko kanina sa school kaya eto inabot nya sken. Miss lang ako nito e hehe Tara meryenda tayo noisemates..

@RoseAnn16

Kung kelan naman malapit ng mag uwian saka naman pumapatak ang ulan. Nako namang ulan to oo.. Hirap pa naman kapag umuulan, ung pagod ka na maghapon pati mga bata tapos mababasa pa sakit lang ang aabutin sigurado.. Nakakaantok tuloy, malamig na naman ang hangin.. Maulan na hapon noisemates..

@RoseAnn16

Gandang gabi noisemates. Kanina habang pauwi kami parang inaakit ako ng buwan na picturan sya hehe nakakarelax ang buwan lalo na siguro kung nasa gitna ka ng bukid o nasa may dagat ka. Anyway, malapit na maluto ang dinner namen, nagluluto ng lomi ang mister ko, ewan ko ba dito sa mister ko daming trip lutuin partida kakaout palang nya sa work..

@RoseAnn16

Great Reminder: Be Thankful for all you have in life! Goodmorning noisemates. Nalate ako ng gising, buti na lang at closing shift pa ang mister ko and nag offer na sya na ang maghahatid sa mga bata. Buti na lang hindi nko mararattle kakamadali. I still have time to sip hot coffee and to cook food without worrying that i ran out of time🙂 Goodmorning noisemates, lets be greatful for all the blessings that God gives us.🙏

@RoseAnn16

Breakfast tayo noisemates. Pagbalik ng mister ko ng bahay may dalang puto at kutsinta, nakain na namen ung iba, saka ko lang naisip picturan hehe yan na lang natira. Sarap talaga ng kape lalo kapag hindi ka nagmamadali sa pag almusal noh? After nito prepare na rin ng lunch namen sa school.. Have a nice day ahead noisemates..

@RoseAnn16

Lunchtime at school. Kapag lunchtime e ganito ang ganap, kanya kanyang laro, time nila makapaglaro makapagchikahan at makapag ingay hehe Kapag time na tahimik na naman dito, after school na naman ganito na naman ang ganap, may naghahabaulan, may nagbabasketball, may nagbabadminton at nagkkwentohan. Sarap maging estudyante ulit.hehe

@RoseAnn16

Nagmessage sken kanina yung kawork dati ng mister ko, kklase kasi ng bunso ko ung pamangkin nya. Nakakatuwa lang ung mga ganitong message nakakapositive vibes talaga, yung maffeel mo na mabuting bata naman ang anak mo.. Gandang hapon noisemates..

@RoseAnn16

"Mama 10 more minutes please" Dahil bukas e wala ng pasok ang panganay ko nagrequest na maglalaro muna sila ng mga kaklase nya,10minutes daw pero inabot yatang 25 minutes pero keri lang kase bihira lang naman, kaya eto kakauwi lang namen. Eto namang bunso ko kanina binigyan ng plastic balloon nung kaibigan nya sa kabilang section hehe Luto naman tayo noisemates.🙂

@RoseAnn16

x LongSiLog x Gandang gabi noisemates. Tapos ng kumain ng dinner, nakapaghalf bath na rin, ready to sleep na kami ng mga bagets, pumapatak na rin ang ulan dito smen kaya siguradong masarap matulog. Pero sana wag umulan mamayang mga 9:30 kasi para makauwi ng safe ang mister ko. Nung gawa nyo dyan noisemates?

@RoseAnn16

Goodmorning noisemates. Naihatid ko na sa school ang anak ko, as usual dahil si bunso ko lang ang may pasok medyo nalate nnman ako ng gising hehe Buti nlng sakto lang dating namen mastart palang ang klase.. Sinangag at egg ang breakfast na naluto ko dahil nagmamadali na. Maulan dito smen ngayon mga mate, ingat ingat tayo sa mga nasa mauulan na lugar..

@RoseAnn16

Waiting nko sa labas ng room ng anak ko, umaambon kasi medyo malayo rin kung sa waiting area sya pupunta, baka sipunin pa kapag naambunan.. Nakakagutom na, pero dadaan muna kami kela mama bago kami umuwi, nagpramis nko sa anak ko kanina na pupunta kami kela lola nya after school. Sana naman e tumila na ang ulan, hays lumalakas pa kung kelan uwian na sila hays

@RoseAnn16

Hello noisemates. Wala ng pasok ang bunso ko ngayong hapon kasi may election ng board of directors. Nakakatamad ang panahon kaya eto iidlip muna kmi ng mga anak ko. Isa ito sa namimiss kong gawin kapag nasa school kami. Ingat ang lahat, super antok me kaya iidlip muna.. Keep safe noisemates.🙂

@RoseAnn16

Done eating. Eto ang hindi nawawala smen, lalo na sa mga anak ko before kumain at before matulog nagppray talaga sila. Nagpapasalamat sa mga blessings na natatanggap namen. Masarap o hindi ang ulam namen e happy sila at grateful sila sa binibigay ni God na blessings smen.. Ako naman lagi kong pinagpapasalamat sa Diyos na ako ang pinagkatiwalaan nya sa mga anghel na tinawatawag kong ANAK😍 Gandang gabi noisemates..

@RoseAnn16

x Midnight Snack x Kakainin na lang ng mister ko iuuwi pa sken. May nagbigay daw nito skanya kanina na staff nila, imbes kainin na e inuwi pa talaga para daw sken. Tapos sya pa nag init pagdating ng bahay para makain ko, hehe Ayaw talaga akong pumayat nitong mister ko e noh? Kain tayo noisemates 🙂 Goodnight na rin sainyo.

@RoseAnn16

Goodmorning noisemates. Saw this on my fb memories. Nakakamiss nung maliit pa ang panganay ko, ako palang kasi kalaro nya, ako palang lagi nyang hanap, hehe Ngayon nakabuntot pa rin naman sya sken lagi pero minsan cellphone/laptop na ang hanap, may iba na rin kalaro. But Still happy pa rin kasi alam kong naggrow sya.. Goodmorning Saturday, tara na at maglaba na. Hehe

@RoseAnn16

Hello noisemates. Welcome to my Home🙂 Baka gusto nyo guys makita ang ganda ng probinsya namen check nyo lang po dito sa page na Redventure. Maiinlove ka talaga sa ganda ng Camarines Norte.♥️ Pagbukas ko ng fb eto nakita ko, sakto kakatapos ko lang maglaba nabawasan tuloy ung pagod ko pagkakita ko dito. Gandang Tanghali noisemates 🙂

@RoseAnn16

Nagmessage sken kanina ang kapatid kong bunsong lalake, nagpasyal kasi sila sa bahay ng magulang namen, umuwi din dalawa kong kapatid at kami naman ng ate ko na nandito sa daet. As usual ung kapatid kong nasa cavite at ung dalawang nasa Tarlac na naman ang wala. Ilang buwan na rin ang nakalipas ng huli kaming makumpleto magkakapatid, mukhang matatagalan bago kami ulit makumpleto lalo ngayon e may mga pasok na ang mga bata. Cute cute ng pamangkin ko hehe nakakagigil agad…

@RoseAnn16

ATM Yung mga anak ko sumama sa tita nila, sunduin nalang daw namen sila pag uuwi na, ako naman eto pinuntahan na ang mister ko nagpapasama kasi bibili ng bagong sapatos. After nito uwi na rin kami, baka antukin na mga anak ko mahirapan pa kmi umuwi kasi tig isa kaming angkas ng mister ko sa mga bata.. Gandang gabi noisemates..

@RoseAnn16

Goodmorning noisemates. Maganda ang panahon dito smen ngayon, mukhang pinagbigyan kami dahil nakapagday off ngayon ang mister ko dahil nangako sa mga bata na kapag nakapag dayoff sya ngayon e pupunta kaming beach. Kaya ngayon eto, ppunta kami sa beach. Have a nice day ahead noisemates..🙂

@RoseAnn16

Sunday is Family Day. Thankyou papa for making time for us.♥️ Mabuti na lang naadjust nya ngayon ang off nya, mula kasi nung nagpalit sya ng company at nagface to face ang mga bata ay bihira na kami makapagbonding ng ganito, nataon kasi na weekdays ang off ng mister ko.. Ngayon e mukhang late ang aming lunch, halos kakauwi lang namen e nagpprepare pa lang ng lunch hehe

@RoseAnn16

x Boodle Fight x Worth the wait ang aming lunch, nakapababa na rin kami ng kinain, iidlip muna kami ng mister ko, mga anak ko ayaw matulog kasi mamayang gabi baka mahirapan matulog ng maaga, may pasok pa naman bukas. Kayo dyan noisemates kumain na ba? Kaya gusto ko talaga na andito lang sana kami kapag dayoff ng mister ko e, kasi para kaming kumakain sa restaurant kapag sya ang nagpprepare ng food 🙂 Yung byenan kong lalake di na pumunta dito smen, dinalhan na lang ng MIL ko…

@RoseAnn16

Hindi nag-usap, nagkatagpo kanina sa beach hehe Nagkita kami kanina ng friend kong si @nicnat1727 kanina sa beach, kaya happy naman ang mga kiddos namen kasi magkakasama sila sa paliligo sa beach. After namen magbeach pumunta kaming mag-anak sa karugsong na bayan nitong boulevard para maghanap ng mauulam, ayon nakabili nga kami ng tahong at isda.. Gandang hapon sainyo dyan noisemates..

@RoseAnn16

Goodmorning noisemates. Nasa school na kami ng panganay ko, ung bunso ko kasi walang pasok dahil may inaasikaso sa Naga ung teacher nya. Eto nga pala baon ng anak ko, happy na sya dyan kahit wala syang baon na pera hehe Maganda ang panahon dito ngayon, mula paggising ko kanina ngayon lang nakahawak ng cellphone hehe Have a nice day ahead noisemates..

@RoseAnn16

Happiness ng isang nanay na katulad ko ay yung mabili ang needs ng mga anak ko especially gamit nila sa school. Di ko kasi naranasan ito nung bata pa ako dahil sa dami namen magkakapatid at sabay-sabay nag aaral e hirap talaga na mabilhan ka ng kailangan mo sa school dahil na rin sa hirap ng buhay noon.. Mahirap din naman ng buhay ngayon but I always make sure na mabili ang needs ng mga bata pagdating sa school..

@RoseAnn16

Nagrequest kanina ng tortang talong ang mister ko kaya ayan pinagbigyan hehe Tapos na kaming kumain at mag-halfbath noisemates, ready to sleep na rin, nakakaantok na malamig na kasi ang hangin ngayon kaya parang tinatawag na ng kama ang likod ko hehe Kumusta ang araw nyo guys? Kakahawak ko lang halos ng cellphone, dami pang gawa kanina e.. Gandang gabi sainyo dyan 🙂 PS~yung isda e galing kay byenan ko♥️

@RoseAnn16

I woke up and heard my daughter's sobbing. Tinanong ko kung anong problema,di sumagot, un pala nilalagnat. Hays Kinuha ko agad ang thermometer, 38.5 ang temp nya pinunasan ko agad ang katawan ng bimpo at bimpo sa noo. Mabuti at nakatulog na, excited pa naman to pumasok sa school kasi kahapon wala syang pasok. 😔 Please include my daughter on your prayer guys 🙏

@RoseAnn16

Goodmorning noisemates. Eto prinepare kong breakfast kanina. Naihatid na rin ni mister sa school ang panganay ko, kami naman ni bunso andito sa bahay tapos maglalaba ako saglit habang nagrerest ang anak ko, thankyou Lord bumaba nantin lagnat ng anak ko, 37.6 nlng temp nya. Pero masakit pa rin daw ulo nya kaya di na muna sya pumasok sa school. Have a nice day ahead noisemates..

@RoseAnn16

Pagkatapos ko maglaba tinabihan ko ang baby ko, ayan nakatulog agad. Hays Kung pwede lang na wag magkasakit ang mga anak natin e noh? Kung pwede lang malipat nalang sken sakit nya. Ayoko ng ganito, mas ok na ung saway ako ng saway pagmakulit sila kesa naman ganito hays. No choice din ako iiwan ko rin sya kay lola nya maya-maya dahil maghahatid naman ako ng lunch kay kuya nya. Nagluluto na rin ako ng lunch ni kuya nya. Musta kayo mga mate?

@RoseAnn16

Ang sarap matulog umuulan. After kong pakainin ng lunch ang panganay ko ay umuwi agad ako at bumili na rin akomg gamot at prutas para sa bunso ko, mamayang hapon naman e susunduin nlang ng mister ko ang panganay namen pagkaout nya sa work. Hays kumain naman sana ang baby ko kaso isinusuka nya rin. Mabuti nakatulog na ulit para makabawi ng lakas, napaidlip na sana ako tumawag naman ang mister ko, mayay maya rin tumatawag para icheck ang unica nya e.. Try ko ulit umidlip.…

@RoseAnn16

Goodmorning noisemates. Babangon na rin ako para magprepare ng pagkain at baon ng panganay ko, natutuwa lang ako sa anak ko napakaindependent, dahil may sakit pa kapatid nya he offered me na mag packed lunch nalang sya at sasabay na lang daw sya sa mga kklase nya kumain ng lunch para daw hindi na ako pumunta sa school ng lunch. Ayoko sana kasi medyo clumsy itong panganay ko, hehe saka hinihilamusan ko pa to at binibihisan after maglunch, kaya sana mgbihis naman ng maayos…

@RoseAnn16

Nasawa na sa biscuit ang panganay ko, tinapay na may egg na lang daw baon nya para sa recess nya mamaya. Dko man lang napicturan ang anak ko bago umalis. Sobrang thankful ako sa panganay kong un, mas inaalala nya kapatid nya, baby ko pa rin kasi yung panganay kong un, kaya naninibago ako na mag isa lang sya maglalunch mamaya. Bago to skanya pero dahil alam nyang mas kailangan ako ng kapatid nya e mas pinili nyang dito na lang ako sa bahay.. Thankyou Lord at binigyan mo ako…

@RoseAnn16

I'm crying 😢 Kapag nanay ka na talaga minsan nagiging oa na e noh? Hehe Hayss may binata na talaga ako, very independent na, tumawag muna sya kanina bago kumain to let me know that he's fine. Yung mga anak pa ng kaibigan ko sya pa naghatid sa tricycle, nakakatuwa ang kuya ko, kuyang-kuya talaga e.. 💓 Gandang tanghali noisemates..

@RoseAnn16

Yung mister ko na hindi mapili sa ulam pero never mo talagang mapapakain ng patola😂 Ipakain mo na daw skanya lahat wag lang ang patola hehe Struggle sya dati nung bata pa daw sila e kasi ung papa nila medyo strict, kapag nalaman daw nyan na ayaw mo ng ulam e 1week un ang ulam nyo odba matindi talaga nung panahon namen noon hehe Kami naman dati kahit araw-araw tuyo o itlog ang ulam e di ka pwedeng magreklamo e, dalawa lang ang choices mo non e kakain o hindi lol Pero ngayon…

@RoseAnn16

Sinundo ko lang panganay ko pagbalik ko ng bahay may ganito na sa lamesa, nagluto pala ng meryenda ang byenan ko, dko pa masundo don ang bunso ko dahil umuulan pa dito. Iniwan ko kasi don s byenan ko para masundo ko ang kuya nya, hay kung kelan pa paalis nko ng bahay kanina saka pa bumuhos ang malakas na ulan, no choice ako kundi sumugod pero alalay lang sa pagdrive para safe pa rin. Buti nlang nung pauwi na kami ng anak ko ay medyo humina na ang ulan, kumpleto rin ang dala…

@RoseAnn16

Goodmorning noisemates. Dadating talaga sa punto na feeling mo ay walang wala ka na. Pero naniniwala ako na God will provide talaga. Kagaya ngayon alam ko magiging maayos din ang lahat. Sabi nga di naman araw-araw pasko. Hehe Still praying na bumalik na sa dati ang mahal nating noise.cash🙏

@RoseAnn16

Naihatid ko na sa school ang panganay ko, mag isa na naman syang maglalunch mamaya, mabuti na lang talaga at independent na ang panganay ko, mamayang hapon sunduin ko nlang sya. Anyways tara kain tayo mate, bet ko magtinapay ngayon. Maglalaba rin ako mga uniform ng mister ko at ng panganay ko.. Kumusta mga mate? Keep on praying lang na maging ok ulit ang FT natin🙏

@RoseAnn16

Naalala ko nung Tuesday, si mister ko nagsundo sa anak ko, almost an hour din naghintay ang panganay ko kasi 5:30 out sa work ni papa nya then byahe pa ppuntang school. Kaya pala ginabi na rin sila kasi kumain pa muna ng pares ang mag-ama ko. Pambawi yata ng mister ko dahil naghintay sknya ang kuya namen hehe Anw, kakatawag lang ng anak ko kumain na raw sya ng lunch hehe updated yarn? 😁

@RoseAnn16

Goodmorning guys. Magiging busy kami ng panganay ko ngayong weekend, tatapusin na namen portfolios nya dahil by Tuesday na ang submission. Periodical exam na nila next week e. Kumusta kayo guys? Nakakalungkot pa rin but still hoping and praying na maging maayos ang lahat🙂

@RoseAnn16

Hello noisemates.. Kaninang umaga sumama ako sa byenan ko pati pala ang bunso ko e kasama namen bumili ng isda sa kabilang bayan, mura kasi isda dito dahil pier ito, dito diretso ang mga huling isda.. Nabili namen na isda 140 lng ung dalawang malaking bangus almost 2kls sya, then ung isang malaking isda parang tulingan ay 130 pesos lang . Yung hipon naman higit 2kls din 150 lang namen nabili dba laking tipid..

@RoseAnn16

Gandang gabi noisemates. Tara shot tayo, birthday ng aking kaibigan kaya eto mapapalaban na naman ng inom. Hehe Nakakamiss naman ng Ft noh mga mate? Hopefully nag uupdate lang ang admin para sa better system ng mahal nating noise.🙂

@RoseAnn16

Gandang gabi noisemates. Pano magprito ang tamad? Hehe Buti na lang talaga mahilig magluto ang mister ko, kaya mga ganito ang nakakahappy sa kanya na bilhin. Bumili sya ng air fryer. Perfect din to kapag medyo nagkakaedad na, para malessen ang oil sa pagkain natin 🙂 Feeling ko next target ng mister ko e coffee maker. Yun din ang isa sa pangarap nyang mabili e.

@RoseAnn16

My nephew's 5th birthday. Today is my nephew's 5th birthday. Tara meryenda tayo noisemates. Si mama ko at ang pamangkin ko ang nasa 2nd picture.

@RoseAnn16

Hello noisemates. Nakakalungkot na ang noise. Pero sana bumalik pa sa dati noh? Parang kagaya lang nung nakaraan na napending ang payouts natin but still naging ok pa rin..,🙏

@RoseAnn16

Breakfast na abot hanggang lunch, since kaming dalawa lang ng bunso ko ang andito sa bahay, ang panganay ko nasa school ng mister ko naman nasa work na. Hehe Kakatapos ko amg magbreakfast mga mate kaya late din ang lunch ko nito sigurado..

@RoseAnn16

Pamangkin ko dalaga na. Nung maliit pa ito at nasa ibang bnsa si mama nya e ako ang halos tumayong nanay nito. Ngayon eto dalaga na. Nung isng araw yan, united nation nila sa school she's representing Japan. Cute nga e, kaya kapag may event din sa school ang anak ko at kailangan ng costume madali akong makahiram sa ate ko basta kasya sa anak ko kasi itong anak nya since pre-school up until now na grade 10 na e sa private school nag-aaral kaya active sa mga events kasi halos…

@RoseAnn16

Goodmorning noisemates. Due to bad weather ay cancelled ang school today, periodical exam pa naman ngayon ng panganay ko. Ewan ko kung kelan na matutuloy. Dito kasi smen madalas daanan ng bagyo e. Sana itong nangyyare sa noise.cash ngayon e parang bagyo lang. Huhupa din after ilang araw at babangon tayo ulit 🙏🙏

@RoseAnn16

Hello guys. Nagchat sken ang ate ko kanina, sarap sana ng gabi, sakto may tuyo ako dito at binilhan ako ng mister ko nung nakaraan, sabi ko nagccrave ako ang tuyo kaso wala naman mabilhan dito smen aba e nung minsan sya ang nagsundo sa panganay namen dumaan pala ng palengke bumili ng tuyo at badi(daing) ngayon ang problem ko pano ko uubusin ang mga tuyo na to since ako lang naman kumakain nito hehe well wala namang problema sken dahil mahilig talaga ako sa tuyo lalo kapag…

@RoseAnn16

https://noise.app/RoseAnn16 Hello guys. Here's my link at noise.app plese do follow me.hehe Kumusta kayo? Medyo kumalma ang panahon dito smen ngayon. Pero baka mamaya nyan umulan na naman at bukas pa daw ang dating ng bagyo, hays di na naubos ang bagyo e trip na trip lagi dumaan dito sa Bicol Region. Tulog tayo guys samantalahin habang walang pasok sa school ang mga bata..

@RoseAnn16

Hello noisemates. Malamig dito smen ngayon kaya heto nasa bed na kaming mag-anak at tamang kwentohan at hug sa isa't isa kasi malamig hehe Eto nga pala dinner namen kanina, yung ensaladang talong bet kong ulam, itong itlog na maalat namen request ng mister ko at syempre ang fish request ng mga bata, sarap kumain ng sabay-sabay tapos nakakamay pa hehe Goodnight na rin sainyo mga mate..🙂

@RoseAnn16

Goodnight noisemates. Nakakainis kanina ko pa gustong matulog, pero hindi ako makatulog,hays Kaninang hapon kasi almost 3hrs ung tulog ko, kaya eto hirap na naman makatulog. Keep safe guys, lalo na sa mga dadaanan ng bagyo. Let's keep on praying guys🙏

@RoseAnn16

Goodmorning guys. Nakakatuwa kahit papano may nakikita akong ganito sa coins ko, just wanna thanked those generous people here who shared their blessing 🙂 I hope that God blesses you always. Anywy, pabugso bugso na ang ulan dito smen guys, kaya dapat maging ready na sa paparating na bagyo😔

@RoseAnn16

Goodmorning noisemates. Its been a week since the last time that Noise.cash gave us t1ps. But still hoping that noise.cash start giving us FT again.🙏 Tara breakfast tayo noisemates, kakain pa lang. Sarap pang matulog dahil sa panahon e, nakakatakot kagabi ang ulan napakalakas. Sana naman makalipas na bagyo wag naman sanang lumakas pa at sana mabilis lang ang pagdaan dito sten..

@RoseAnn16

My daughter's artwork. Natutuwa talaga ako dito sa anak kong to, ngayon na lang sya ulit nakaisip magdrawing, nalilibang kasi sa gadget 😔 Pero ini encourage ko pa rin sya nag magdrawing kasi yan talaga first love nya, saka nakikita ko na may potential talaga ang anak ko, nung 7years old ako dko maalala na nakakapagdraw na ako ng maayos until now kasi hanggang stick2 lang ang drawing ko hehe

@RoseAnn16

As of 2pm still signal#2 pa rin dito sa amin. Sana naman e wag ng lumakas dear Lord. 🙏 Kahit umuulan e may blessing na dumating, bigay ng kapitbahay namen may birthday siguro hindi ko na tinanong hehe Buti may nabili na akong upo kanina don sa matandang naglalako, bumili na lang ako kasi kawawa naman ung matanda kahit bumabagyo bagyo na e naglalako pa rin, gigisahin kobna lang mamaya sabay prito ng tuyo perfect talaga ang tuyo kapag ganitong weather e. Keep safe sa mga…

@RoseAnn16

Yung hindi pa nga namen naubos ng mga bata ung pansit na binigay ng kapitbahay e may binigay naman na bihon at at banana cake ang byenan ko, ito dinner nila, dko tuloy alam kung magluluto pa ako o hindi na hehe May leftover pa din na isda kaninang lunch e.. Gandang gabi guys..

@RoseAnn16

Niluto ko na ung binili kong upo kahapon na 15pesos lang hehe ayan napakadami kaya hinati ko para smen ng byenan ko. Medyo masabaw pagkaluto ko, ganito bet ko sa upo e.🙂 Kumusta kayo noisemates? Kami ok lang naman kagabi pa brownout dito smen, kaya dko sure kung gaano ako katagal makapag online kasi nakasaksak lang sa powerbank ang wifi namen ngayon. Thankyou Lord at hindi masyadong malakas ang pagdaan ng bagyo dito sa amin, walang lumipad na yero wala ding pinasok ng tubig…

@RoseAnn16

Gandang gabi noisemates. Ngayon lang nakapag online ulit, till now brownout pa rin smen, mabuti nakapagcharge pa ako ng cellphone at powerbank sa motor ko buti na lang talaga nilagyan ng mister ko ng charger abg motor ko na connected sa baterya ng motor. Pero di rin siguro ako masyadong magchcharge sa motor, baka malowbat naman ang baterya ng motor, hehe Yan pala dinner namen kanina, may nagbigay ng papaya, sa byenan ko kanina ayan ginawa nyang atchara kaya napprito ako ng…

@RoseAnn16

x PorkSiLog x Goodmorning noisemates, tara almusal tayo,porksilog naprepare ko, mukhang mamaya nko ulit makakapag online, dadalhin ng mister ko ang powerbank at doon makikicharge sa work pati daw laptop charge nya na rin para kapag wala pa rin kuryente mamaya e makapagcharge ako sa laptop. Hays hirap ng walang kuryente e, umiinit na rin dito smen kaya sigurado mamayang gabi di makakatulog ang mga bata ng hindi pinapaypayan. Sana naman maayos na rin ngayon since gumaganda na…

@RoseAnn16

x Indian Mango with Bagoong/alamang x Kahapon nung pumunta ako kela ate galing pala sya kela mama nung umaga kaya pala ako pinapunta sknila kasi may pinadala daw sknyang saging na saba si mama at Indian mango, gawa siguro nung bagyo kaya nay mga indian mango na nagsihulig. Sakto naman may alamang pa ako dito. Hay nakakainip naman wala pa ring kuryento dito smen. Sana naman magkameron na mamaya😔 Kumusta kayo guys?

@RoseAnn16

Hello guys. Until now brownout pa rin dito smen. Kaya akoy natutuwa naman sa mister ko love na love talaga ang mga anak namen pagdating kanina galing work ayan may pasalubong na fan sa mga bata ♥️ Yung panganay ko kasi talaga ang hindi makatulog ng walang hangin naawa siguro saken kasi pinapaypayan ko kagabi ang anak namen. Bumili na rin ng Emergency light. Kakainis kasi ang electric company dito smen napakabagal ng aksyon pero kapag disconnection maaga pa lang nag iikot na…

@RoseAnn16

Hello noisemates. Just got home, pumunta kaming pandawan ng mister ko bumili ng isda at hipon, bibili sana kaming tahong at magbabake sana ng tahong ang mister ko dahil andito ang pamilya ni kuya nya pumasyal dito habang bakasyon pa, kaso walang tahong, kokonti lang din ang isda ngayon siguro dahil sa di pa gaanong maayos ang panahon kaya wala pang gaanong huling isda.. After bumili ng isda may nakita kami sa daan ng rolling pandesal kaya napabili kami tapos almusal na rin…

@RoseAnn16

x Bulungan x Kanina nung nasa pandawan kami may dumating na tindero ng isda halo-halo ung isda na dala nya na nasa isang timba, tapos biglang kumpulan na ang nga namimili, ung pala binubulungan na ung tindero Kung baga nagbibid ung mga namimili, kung sino pinakamataas na amount na ibinulong o bid take all nya na ung mga isda na nasa timba. Ang galing kasi sariwang sariwa talaga ang mga isda. Tinitinda din nila yun ang pagkakaalam ko e..

@RoseAnn16

Currently going downtown to buy something. Nakisuyo ang byenan ko smen ng mister ko na magpabili ng oil para sa sasakyan nila. Namamaga pa rin kasi ang paa ng father in law ko kaya hindi pa rin makapagdrive palabas. Gandang gabi noisemates..

@RoseAnn16

x Seafoods Oveload x Hello noisemates, eto nga pala ang food namen kaninang lunch, na umabot pa hanggang ngayong gabi para sa aming mag-anak at sa mgs byenan ko, kaninang hapon bumalik na rin sa Naga ang pamilya ni kuya e. Hindi talaga ako nagdiet knina e eto ba naman ang pagkain sa harapan ko kanina hehe Goodnight na rin mga mate at akoy inaantok na😴

@RoseAnn16

Goodmorning November! Goodmorning noisemates. Last day of vacation today na hindi man amg naenjoy ang bakasyon sana. Hays Bukas papasok na naman ang mga bata kailangan na naman gumising ng maaga hehe Nako po mahihirapan na naman ako nyan bumangon lalo na ngayon malamig na ang panahon. Grabe ang bilis ng panahon noh? 2months na lang magpapalit na naman tayo ng taon. Sana marami pa tayong marecieve na blessings ngayong taon 🙏 Keep safe guys.

@RoseAnn16

Ang sarap ng tulog ng bunso ko. Kaya ayokong katabi ito lalo kapag tulog e kasi hindi ko napipigilan ang sarili ko hehe sarap kasing yakapin, ikiss, pisilin at kagatin hehe ang chubby2 kasi kaya ang fluffy nya hehe Nagagalit din to kapag ginugumol ko na sya hehe O sya akoy babangon na guys ang mag aama ko masarap pa ang tulog.. Di pa gaanong mainit dito smen ngayon e..