Here's our lunch kanina.. Ngrequest ng lumpia na fish ang mga anak ko, pero nakiusap ako na pork giniling nalang kasi medyo matrabaho ang fish tapos naglalaba pa ako ng beddings kanina kaya ayon pumayag naman sila hehe Yung ensaladang pako galing sa byenan ko. Yung stir fry tofu ung mga tirang gulay sa paggawa ko ng shanghai inihalo ko na hehe Nadaya ko na naman ang mga bagets, sarap na sarap sila sa lumpia hindi nila alm na may halong tofu un hehe ayaw nila kumain ng tofu…
@RoseAnn16 in November 2021
Aruy. Muntik ko na naman makalimutan itong binili ko sa matanda kaninang umaga, buti na lang nakita ko hehe Mukhang di nko neto maggagabihan ah.. Gandang gabi noisemates..
Perks of having a thoughtful hubby. Almost everytime na maaga syang nakakaout sa work e may pasalubong sya smen ng mga bagets😍 Thankyou Lord for giving us him na hindi hinahayaan na magutom kami, kahit minsan kapos pero never ginutom 🙂 Movie time rin kami tonight kasi maaga syang nakauwi🙂 Good evening noisemates🙂
Good morning noisemates. Bibili lang ako ng breakfast today, may aasikasuhin ako sa bayan ngayon e. Mabuti na lang tumigil din ang ulan ngayon, kanina kasi sobrang lakas ng ulan akala ko e maghapon nnmn uulan..
One of my fave meryenda. May bakery dito smen na dito lang din ako nsarapan nitong ensaymada. Masarap to kasi ube flavor pa. Saka mura lang compared sa iba bibilhin mo half dozen inaabot 200+ ang half dozen. Eto 25 pesos lang ang isa o dba?hehe Meryenda tayo noisemates🙂
Homemade 100% Pure beef Patties with mushroom sauce🤤 From this to this and to this👇 Grabe kapag talaga day off ng asawa ko e madalas espesyal ang food hehe rest din ako sa pagluluto, kasi sya ang nagluluto kapag may free time sya since first love nya talaga ang pagluluto.🙂 Medyo magastos lang talaga kapag sya ang nagluluto.🙂
Yung masarap pa ang higa mo kasi family day kami ngayon dahil off ng asawa ko, yes basta off ng asawa ko at kahit tulog kami maghapon ok lang family day na yon para sa amin hehe Tapos biglang may kumatok, maiinis pa sana ako kasi twice kumatok di ako sumagot, ung pngatlong katok with matching sigaw na sa pangalan ko haha Edi napilitan bumangon, un pala may ibibigay ang kapitbahay namen na meryenda kasi bday ng anak nya.🙂 Thankyou Lord sa Blessings 🙂
Nanunuod kaming mag anak nitong 3Idiots. Naalala ko tuloy nung college days hanggang sa buntis ako sa panganay ko kapag nasa work ang asawa ko eto madalas kong panuorin dito ko rin nakuha 1st name ng anak ko na CHAMP, nakakatuwa lang tong movie na to, lahat ng emotions mafefeel mo dito sa movie na to.. Marami ka din matututunan sa movie na to.😊
Good morning noisemates. Magpreprepare akong maaga, pipila ako mamaya para makapagpavaccine. Medyo kinakabahan ako, takot kasi ako sa karayom haha Ayoko sana magpavaccine kasi lagi lang naman akong nasa bahay. Kinukulit lang ako ng byenan ko kasi para incase daw gumala ang pamilya e makasama ako. Nagbabalak kasi silang magpasyal ulit ng Baguio. Hehe
Nothing beats Pandesal with Butter plus Coffee sa almusal😋 Typical Filipino Breakfast na hinding hindi mawawala s uso😋 Sarap mainit p ang pandesal. Bigla akong ngcrave sa pandesal🙂 Mgbbreakfast palang pinagluto ko na muna ang mga mahal ko🙂
Napakahaba ng pila😭 Musta noisemates? Sana matapos agad to, di ako mapakali na hindi nakikit mga bagets ko.. Vcall nlang kami habang nakapila ako hehe Mahaba haba pa naman ang pila makakaipon pang lakas ng loob🤭
Nakakatuwa naman ang baby boy ko talaga. Bago ako umalis pinagluto ko na sila e. Nakakatuwa kasi naiiwan ko na sila mag isa. Matured kasi isip ng panganay ko. Nakakatuwa kasi palagi nyang naaappreciate ang luto ko🙂
Got my first dose. 💉 Habang nagppahinga ako eto ang kuya ko nagkkwento about sa lesson nila knina habang wala ako. And pinuri nya pa ulit yung luto ko kanina and nag thankyou sya sken.😍 Gandang hapon noisemates
It's my 2nd try to cook Chicken Ala Max🙂 Eto niluto ko para sa mga bata kanina bago ako umalis kaninang umaga. Yes nakakahappy kasi nag improve na ang lasa pati pagkaluto ng manok e well done. It's crispy outside and Juicy inside. No wonder bakit naka 4 na sandok ng rice ang baby boy ko. Hehe Isa pa sa nakakatuwa e add na daw eto sa recipe ko na pagpipilian nila na lutuin ko everytime wala akong maisip na lutuin 🙂 Goodnight na noisemates. Magpapahinga akong maaga para di na…
Good morning noisemates. Ayan na sumasakit na ang braso ko, sana mawala rin agad ang sakit. Pero syempre kahit masama ang pakiramdam need pa rin bumangon at mag asikaso hehe Hindi tayo mayaman self 😁 Ingat po ang lahat..🙂
Tara breakfast na tayo noisemates. Ung drinks pasalubong na naman kagabi sa amin ng mahal nameng papa🙂 Yung beef patties naman ung tira nung ginawa ng asawa ko last dayoff nya.🙂 Kain tayo para makabawi ng lakas, kasi mahina talaga tolerance ko sa sakit, kaya iniinda ko talaga ung sakit pagvaccine sken kahapon😪💉
Here's my son. After ng online class nya dumiretso agad dito sa bed and tumabi sken, kinakamusta ako magpagaling na daw ako. Sabi ko wag na muna silang tumabi sken baka mahawa ko sila, e aayaw, dito lang daw sya at babantayan nya ako para if i need anything daw hindi ko na kailangang bumangon😍 Ganyan po talaga sya eversince bata pa sya. Sobrang maaalalahanin. Nagwoworry talaga sya tuwing masama ang pakiramdam ko.😍 Thankyou Lord for giving me such an adorable son😍
Eto namang baby girl ko ibang klase ipakita na nag aalala sya sken. Sabi nya sken "Mama magpagaling ka na po kasi, ayan kasi bakit nagpaturok turok ka pa" 😅 Ang kulit e akala mo matanda kung pagalitan ako 😁 Okay naman na ako, dko lang kinakaya yung sakit ng braso ko.. nakakainis kapag mababa ang Pain tolerance 😪
Wala pa ring ganang kumain mga mamsh. Kahit tinapay hindi ko manguya hays Kaya coffee na lang muna. I just want something hot.. Sana bukas okay na pakiramdam ko, hirap kapag masama ang pakiramdam.. kawawa a g mga bata talaga kapag masma ang pakiramdam.hays Gandang gabi noisemates..
Good morning noisemates. Tara breakfast tayo.🍳 Thankyou Lord I'm feeling better now.🙏 Share ko lang pala, ung anak kong panganay hindi talaga nakakalimot magthankyou.. Yung pasalubong ni papa nila nung isang gabi umaga na nya nakita, tapos pag alis naman ni papa nya pagpuntang work tulog pa sya.. Naalala ko kagabi pagdating na pagdating ni papa nya galing work nagbless sya sabay sabing "thankyou po papa sa pasalubong mo kagabi" nakakaproud lang. Na never nakalimot…
Wow may blessings 😍 Thankyou so much sis @Dollayahcrochet for sharing your blessings. God bless you more 🙏
Kaway kaway sa mga mommies na madalas mabudol ng shopee. Lalo kapag mga mother thingy🤗 Ngtry muna akong umorder nito ng dalawa, mukhang ok naman ang quality.🙂 Tag ulan n kasi kaya ayos ung ganitong hanger para sa mga beddings, less space kapag isinampay🙂
Sobrang thankful ako sa in-laws ko, never nakalimutan ang mga apo, madalas may pasalubong sa mga bagets everytime mapasyal ang mag asawa sa bayan🙂 Ayan may meryenda na sila, edi nakatipid ako haha Good afternoon noisemates..
Ang sarap magparinig minsan na nagccrave ka noh? Pag uwi ng asawa ko may dala ng food n gusto ko😋 Di masyadong bet ng mga bata ang Ck kaya share sila dyan sa isa tas sken naman daw ung isa sabi ng asawa ko🙂 Thankyou Lord at alam ng hubby ko na isa sa nagpapasaya sken e food🙂
SLOWLY IS THE FASTEST WAY TO GET WHAT YOU WANT TO BE✔️✔️ One of the Best advice that I Heard. Yes it's true, there's no shortcut in SUCCESS. You need one step at a time🙂 I know all the hardships we're facing right now will lead to success someday. Just Go on and be patience 🙂😍 Good morning noisemates🙂
Habang tumatanda, nag iiba talaga ang happiness mo sa buhay. Lalo kapag may nga anak ka na. Unlike dati wag lang bumaba sa bente ang laman ng bulsa mo okay ka na, Ngayon kapag 20 nalang laman ng wallet mo nanginginig ka na kasi baka wala pang dumating na grasya. Kaya masaya ako kapag kumpleto stocks sa bahay, kapag puno ang bigasan kapag may grocery. Yan ang mga nakakapahappy sken ngayon. Hindi na lang kasi para sa sarili ko, kundi pati sa pamilya ko.🙂 Alam ko relate ang…
xTokwa't Baboy & Onion Ringsx Kakatapos lang namen kumain! Kayo noisemates? Nagcrave ako sa tokwat baboy saka onion rings.. Isang araw lang ako hindi nakakain maayos ang dami agad cravings haha Tapos ngblend pa ako ng apple & banana shake. Sayang kasi ung saging overripe na.. Sobrang init din dito smen tirik na tirik ang araw kaya napashake din🙂🍹
Pag ako talaga tumaba ng Sobra kasalanan nyo to noisemates😭 Dahil sa masasarap na food na pinopost nyo natatakam at nagugutom ako lagi huhu Ano na naman kaya pwedeng makain haha nagutom ako kkbrowse dito sa noise puro pagkain😭😋
So eto na nga.. eto lang kaya ng budget sa ngayon🙂 Mura pero masarap naman talaga dear😋🤤 Meryenda tayo noisemates🙂
Its dinner time na mga mamsh. Eto dinner namen, may tira pang ulam kanina kaya egg at fish na lang dinagdag ko, gusto pa sana ng asawa ko ng corned beef, nagccrave yata haha kaso nakita na marami na daw pa lang ulam wag na daw. 🙂 Ayaw din nito ng may nasasayang na food e. Tara kain tayo noisemates🙂😋
From 6am kanina nagkakaroon palang ulit kuryente dito smen ngayon. Mabuti na lang maulan hindi maalinsangan, Kaya ayan sinigang na baboy request ng mga bagets.🙂😋 Sarap humigop ng sabaw dahil maulan.. Kakatapos lang din namen kani kanina kumain.. kumusta kayo noisemates??
Eto ang trip nilang laruin ngayon. Bahay bahayan, kanina po yan during brownout tapos umuulan pa, ayan wala silang magawa kaya kung ano na naman napagtripan nila. Ok lang sken kahit ano pa yan kahit maging makalat p ang bahay, ang importante harmless ang laro ang most especially HAPPY sila😍🙂 Ngayon tulog pa sila malamig kasi. Sigurado pagkagising nila diretso sila sa "Playhouse" nila🙂
Grabe daming performance outputs niting grade 3 ko, mabuti na lang isa na lang tong ginagawa nya, nautay-utay rin mga gawain nya.. Advantage naman talaga kapag nasa Science Oriented Class e advance naman talaga ang turo and natututukan talaga ang mga estudyante. Good evening noisemates..
Good morning noisemates.. Monday na naman, looking forward for the better days ahead. Online class na naman ang mga bagets, sana wala masyadong assignments para makapagrest naman ang mga bagets. Pati ang mga nanay hehe Babangon na naman para magluto ng almusal at baon ng aming papa love🙂
Tawang tawa ako sa anak ko. Habang kumakain ako lumapit sken.. Bunso: Momi look what i did. (Pinakita yung plastic) Me: O ano po yon? Bunso: Drinaw ko sya ng damit at shoes, para na syang ngjojogging🙂 Me: Napahagalpak ng tawa 🤣🤣 di ko agad napansin na dinamitan pala nya haha kulit e..
Fried Chicken lunch ng mga bagets, ako naman egg lang, masakit kasi ngipin ko baka dko rin manguya.. Kayo noisemates may ulam na ba? Sa araw2 mauubusan ka tlaga mg maiisip ng lulutuin haha Gandang tanghali noisemates..
Sobra ko pong naappreciate ung ganito. Thankyou so much sir @ethan6692 More blessings po sainyo🙏🙏
Butter Pandesal x Kinalas. Dahil maulan na naman masarap humigop ng sabaw. Late ang meryenda, for sure late na naman ang hapunan mamaya.hehe
Nakapasyal naman sa tindahan kanina, ginabi na naman ako dahil sa ulan..☔ Good evening noisemates..
Dahil ginabi na ako sa bayan litson manok for dinner, salamat sa mga litson manok sa pagsalba sa bawat hapag kainan sa tuwing wala ng oras pra magluto sa tuwing walang maisip na ulam ikaw ang sandalan😁 Dinner tayo noisemates🙂 Magandang gabi.🙂
Ang sarap naman ng pagkagising mo ay may ganito😍 Thankyou so much po mam @Nengste sa maagang blessing. May God bless you more than what you deserve po🙂🙏 Good morning noismates🙂
Pansit Canton x Siopao x Boiled Egg Late breakfast tayo noisemates. Since day off ang hubby ko tapos 9 pa naman online class ng bagets kaya hindi ako bumangon ng sobrang aga, sakto umuulan pa din kaninang maaga kaya masarap pa talagang matulog 🙂
Eto ang pinagsaluhan namen kaninang tanghali, dahil marami naman dito na rin namen pinaglunch ang mga byenan ko. Mkabawi naman hehe palagi na lang sila ung nagshshare smen ng pagkain e hehe Ay dko na naisasma sa pic ang pinya na panghimagas namen🙂 #ihawTuesday
Wala na naman magawa ang bibig ko kumakain na naman haha Eto problema sken e gusto lagi kumakain pero gusto kong pumayat hahahaha Okay na to kesa sa tsismis busy haha Fish cracker kayo dyan..😁
Stir Fry Noodles x Siomaiiii Good evening mga mamsh. Ayan super busog na naman kami, basta dayoff ng asawa ko cooking time nya talaga yan syempre pabor sa akin haha kasi sya nag iisip kung anong kakainin haha ampagod kaya mag isip araw-araw ng uulamin/kakainin😁 Kakatapos lang namen kumain mga mamsh.
Good morning mga mamsh. Fb memories.😁 Naalala ko nung maliliit pa kami, yes pati ako mga mamsh haha maliit pa din ako nung maliliit pa anak ko e, ngayon lahat na nagsilakihan at nagsilaparan😂 Naalala ko tuwing dayoff ng asawa ko hanggat maganda ang panahon Go kami sa beach para makalanghap sariwang hangin ang mga bata.. Ngayon ilang taon na silang kulong lang sa bahay gustong gusto nilang pumunta ng beach kaso hindi pwede pa. Kahit dito smen matitigas ang ulo ng mga tao,…
Nako nako nako! Ewan ko na lang kung hindi ako ganahan kumain nito, e may blessings na naman tayong natanggap😍🤗 Thankyou for sharing your blessings sis @Shawking.. more blessings to you🙏 Tara almusal tayo mga mamsh.. dahil di kami nagrice kagabi ayan may tira pang fish nung lunch, pinirito ko lang solve na ang breakfast 😋
Lunch time na mga mamsh. Ayon nakalibre na naman kami ng ulam hehe bigay na naman ito ng aking butihing byenan🙂 Super love nya talaga ang mga bagets gusto e nakakakain palagi ng masustansyang pagkain..
Walang class today kaya sagot na lang ng parallel tests. Ay tapos na pala 1st quarter nila. Mgpapasa na pala kmi sa friday ng first quarter na modules/output kaya need ng tapus tapusin mga outputs. Hays nakakastress din sa bata ung ganito. Sana talaga bumalik na sa normal ang panahon..🙏
Kanina nagkkwentohan kami ng mga anak ko, tapos biglang sabi ng panganay ko, "mama naaalala ko po dati kapag hindi tayo nagluto dretso tayo sa bayan nila papa at maghahanap ng masarap na kainan" sabi ko bakit miss na ba nya yon? Sabi nya "opo, nakakamiss na kumain sa labas tapos kapag uwian nko pagsundo mo sken nagmemeryenda muna tayo sa jollibee bago tayo umuwi" Hehe sanay kasi sila almost 3-4 times a week kami kung kumain sa labas, mahilig kasi talaga po kaming kumain,…
He's my 9year old son. He loves nerf gun. I'm so thankful to my hubby who make some extra effort to give what his son wants even if our son don't ask for it🙂 My son is so happy he hugged his father tight saying thankyou and Iloveyou😍 Goodnight mga mamsh🙂 The playdoh is for my baby girl and pop it is already in her hand😁
Body Clock⏰ Kapag sanay na ang katawan mo na bumangon ng same hour in a day. Kahit anong gusto mong higa pa sana e babangon at babangon ka para makapagsimula rin agad ng gawaing bahay at ng matapos rin agad.🙂 Magandang umaga noisemates. Maaliwalas ang panahon dito smen ngayon, sana dredretso lang maghapon.😍🌤️
Do you believe in 11:11? They say when ayou accidentally saw a time says 11:11 your wish will come true?🙂 I personally don't believe in it, because if you want your wish come true you need to work for it🙂 Good morning noisemates. This photo was taken last night. 🙂
Adobong sitaw for lunch. Tapos mainit init ang kanin ay perfect👌 Kain tayo noisemates.. Nakakauhaw ang sarap magmilktea, kaso walang milktea dito smen need pang magpabayan haha Meron naman sanang delivery kaso nakakahinayang ang 70pesos n delivery fee. Kaya ikalma mo ang bibig mo self😂😅 Gandang tanghali noisemates..
Nawala sa isip ko na may pasok pala ngayon hapon si kuya Champ ko, mabuti nakahabol pa sya sa graded recitation nila. Walang review2 nasagot naman nya ng tama ung 5questions sknya thankyou Lord 🙏 Hirap kapag nasa higher section bigla² nagsusurprise ng recitation 😅 Sleep muna kami tapos na rin recitation nila .
Late meryenda kami nf mga bagets.. bigla akong nagcrave sa sweetcorn, sakto may naglalako. Pero hindi ko naman kayang ubusin ang isa kaya share lang kaming tatlo ng mga bagets. Para din maayos pa rin kain nila mamayang dinner 🙂😋🌽
From this to this👇👇 Ginataang tilapia for dinner🐟 Good evening mga mamsh. Tara kain po tayo, sinipag na naman ako magluto hehe Nakakatuwa kasi ung dating staff namen napadaan daw sa store then pinapabigay daw ito sa akin. Nakakatuwa lang kahit dko na staff e naaalala pa din kami🙂 Ang sarap lang sa feeling, feeling ko tuloy mabuti akong tao😅😂
Panckes x Hotdogs x Eggs Good morning mga mamsh. Late breakfast, buti na lang late din nagigising mga anak ko, medyo late ako nakabangon e, nagprepare nuna ako baon ng asawa ko bago breakfast ng mga bagets..🙂 Happy tummy na naman ang mga bagets, lalo na ang bunso ko nung nakaraan pa to nagrerequest ng pancake kaso nakakalimutan ko o di kaya naman marami akong gawa hehe Almusal tayo.🙂
Kakauwi ko lang galing school nagsauli kasi akong module. Nakakatuwa lang mga anak ko na tuwing lalabas ako e prutas ang gustong ipasalubong ko skanila everytime tatanungin ko kung anong gusto nilang pasalubong. Never yan humiling sken ng pasalubong na laruan prutas lang happy na sila🙂
Mga mamsh bigla akong naka unsubs sa mga channel.. Tapos kahit isubs ko hindi nagwowork sken. Hindi tuloy ako makapagcomment sa mga posts kapag sa channel nakapost. Hays ano kayang nangyari?😪
Kanina after kong pumuntang school dumaan ako sa palengke bago umuwi, tapos pagpasok ko sa palengke parang madilim then 40% siguro ng store sa palengke e sarado, tapos nakita ko ung isang tindera ng prutas na kakilala ko, bakit kako parang sarado mga tindahan? Sabi nya "NAG-IIKOT DAW KASI MGA TAGA BIR" Kaya pala biglang sarado ang mga tindahan e.. Ang unfair lang din sa kagaya ko na store owner at kumpleto permits. Tapos ung iba malaya nakakapagtinda kahit walang permit,…
Sarap sa pakiramdam ng ganito. Yung customer mo e sobrang generous. Midwife kasi ito, ilang taon na rin ako nakakalibre sa pills kasi binibigyan nya ako hehe nakakatuwa lang.. Gandang gabi noisemates. Nagluluto pa lang ako..
Good evening mga mamsh. Ngccrave ako sa ensaladang talong hehe Naparami tuloy ulam namen, biglang dumating byenan ko may dalang tinola.. Tara kain tayo noisemates.😋
Pinipig🍦 Naalala ko nung bata pa ako feeling ko sobrang sarap nung mga ice drop dati na nilalako na nakalagay sa styro.. Di namen afford dati na makabili ng gusto namen e kaya hindi ko alam lasa hehe Kaya sabi ko kapag nagkaanak nko sana hindi nila maranasan na ung may gusto silang kainin tapos hindi ko maibigay. Maya-maya tutulog na rin ako. Goodnight noisemates😴
Good morning mga mamsh. Scheduled na naman today ng power interruption😪 6-4pm na naman. Hays madalas ang brownout dito smen, parang weekly nlng ang schedule ng brownout hays.. Maghapon na namang mainit, wawa naman ang mga bagets.. Mukhang di na naman makakatulog ng tanghali.😪
Hello mga mamsh. Ginagawa nyo rin ba to? Ako since brownout sinabay ko na sa sinaing, ngrequest ng boiled egg si mister e. E dahil kapos na sa oras sinabay ko na lang sa sinaing, para less sa gas din haha Nakapag open pa ng wifi mabuti full charge ang powerbank, naiconnect ko ang wifi hehe
Nakakaantok😴😴😴 Pero di makatulog kasi nagpapaypay ako sa mga baby ko, tulog kasi. Sana naman magkakuryente agad ng 4,biglang uminit na ang panahon ngayon e. Hays palobat narin powerbank e di na makakawifi.😪 Nakakabingi na naman ang katahimikan dito sa amin😪
Ayon may kuryente na ulit, pero gising narin naman ang mga bagets haha Napagod at inantok ako kakapaypay sknila, alanganin narin naman matulog kaya magmmeryenda at magkakape na muna ako. Tapos maya2 mag aasikaso na rin ng hapunan para maagang makapagpahinga. Kayo noisemates kumusta? Magandang hapon🙂
Good evening nga mamsh.. I was trying to upload photo for a couple of minutes now, but unfortunately I can't upload photo😪 Naeexcite pa naman ako ishare luto kong chaofan haha Kumusta kayo noisemates?
Good morning noisemates. Late ang gising ko today since Closing Shift naman sa work ang mister ko🙂 Nakabawi naman ng tulog. Magpprepare nko almusal, tulogpa din naman ang mga mahal ko.🙂
Sausage x Ham x Egg x Tuyo Breakfast overload tayo mga mamsh🙂😋🍴 Syempre yung tuyo sa akin hehe dbest yan sa almusal walang tatalo dyan kapag sa almusal ng mga pinoy🙂
x Pork Chop x Lunch na naman.. kain tayo mga mamsh. Pork chop naman tayo, ako ang nasasawa kapag palaging chicken e.. Mga bata hindi nagsasawa sa manok e🤦🏻♀️ Kaso super mahal din naman talaga ng baboy kaya mas madalas talagang manok ang karne namen hehe
Meryenda tayo noisemates.. Tagal kobng ngccrave sa barbecue. Mabuti na lang nkita ko sa post nung tagadito sa amin n nagtitinda pala syang barbecue, ayon craving satisfied 😋
Nakalibre na naman kami ng dinner nga mamsh.. Kanina magluluto na sana ako ulam biglang tumawag ang byenan ko at sinabing doon nalang daw kami magdinner😋 Bilib talaga ako sa sipag magluto ng byenan ko🙂 Yung condensed cake ginawa nya pa.. trip nyang magluto ngayon hehe Sobrang busog ako,haha may take home pa ako para sa asawa ko.. mamaya pa kasi out nya sa work.. Good evening noisemates..🙂
Post ko lang since hindi ko maipost kagabi.. share ko lng tong niluto kong Chaofan kagabi. Nakakatuwa at nagustuhan naman ng mga mahal ko ang luto ko. Masarap daw, at irerequest na rn daw ito sa akin ng panganay ko kapag gusto nyang chaofan😍😋 Goodnight na noisemates😴
Just got home, I went early at school of my eldest to get the Modules of his 2subjects that he will use today, thankfully i get to go home as early as 9 as they were started their online class.. Eating breakfast now with hot choco and some kakanin☺️
One of the best feeling being a mother😍😍 Masarap sa pakiramdam at magaan sa pakiramdam kapag walang laman ang laundry basket😍 Mabuti nalang din 2days ng maganda ang panahon kaya 2days narin ako nakapaglaba kaya ubos ubos na ang labahin ko☺️ Kanina pako tapos maglaba nagluluto na rin ako ulam kaya kakapost ko lang din nito. Kayo mga mamsh nakapagluto naba?🙂
Let's eat lunch mga mamsh.. Nakakatuwa talaga ang byenan ko naghatid pa nitong buko pandan para daw may panghimagas kami, marami pala syang ginawa kagabi kya ayan may tira pa.. Flex ko lang baby girl ko na nagppray. Nakaugalian na nila simula baby pa sila na magpray before kumain at magpasalamat sa mga blessings na natatanggap namen.. Gandang tanghali noisemates🙂
Laing x Tinapa Wala sana akong balak kumain ng hapunan, kaso nagdala na nito ang byenan ko, nako sino ba namang makakatanggi dito? E perfect combination pa talaga.😋 Good evening noisemates..🙂
Hahaha good morning noisemates. Nangyari din ba to sainyo? Hahaha ako oo nung high school ako at first time magka cellphone ung may mga nakakatextmate ako tapos kapag nagsabing eyeball daw e join force kami ng mga kaibigan ko, tapos dapat sya mauna sa meeting place tapos pagnakita na namen ung katextmate ko at medyo hindi mapagkakatiwalaan ang itsura e hindi ko sinisipot sabay di ko na itetext haha sorry guys don't judge me hahaha nag iingat lang ako non at bata pa ako😅 wala…
Mini Pancakes for kids. Yung isa merong butter, yung isa naman wala, magkaiba sila ng gusto haha ako naman may butter at sugar haha Super happy ang baby girl ko, i let her helped me cook this.. Ang messy lang sa kitchen pero keri lang masaya naman ang baby girl ko🙂
Hello mga mamsh. Just want to share this with y'all. My 6years old daughter show me this, as you can see she write and answered correctly, but the only problem is most of the numbers she wrote are flip/upsidedown. But I'm still proud of her because she knows what she was writing. 🙂😍 She is six years old but most of the time she acts as if she was 4years old, she's kinda late bloomer/development but i think it's still normal for the kid like her😍
Late na kanina wala pa rin kaming maisip na ulam ayon punta ng bayan, bili na lang ng sisig saaka fried chicken para sa mga bata. Almost done na kaming kumain kanina saka ko naalala picturan haha Yan po ulam namen ng lunch kanina🙂
Nagluto ng Chicken skin ang asawa ko.. Papapakin lang sana namen kaso ang sarap! Ang sarap kapag may kapartner na beer😁🍻 Off din nya ngayon kaya eto bonding kami, paminsan minsan lang naman..🙂 Tara noisemates mamulutan tayo😋
Good morning mga mamsh. Picture ng anak ko kagabi bago matulog, napasenti ako bigla grabe ang bilis ng panahon baby ko noon na karga2 ko lang, ngayon ang laki laki na😪 Share ko lang kung gaano ako kaproud sa anak kong to, at the age of 3 nakakapagbasa na to, then nung nag daycare sya ng twice twice din syang nanguna sa klase, nung kinder naman sya isa sya sa with high honors, nung grade 1 naman sya dko akalain makakapasok sya sa Science Oriented Class na parang sa butas ng…
Akalain mo yon, lumabas to sa memories ko. During review nya for MTAP. Nakakatuwa lang, grade 1 lang sya dito pero ung math quiz nila dati grabe kahit ako dko maintindihan ung iba.. Kaya nakakaproud kahit sobrang hirap e naka second place pa sya.😍🥈 Pasensya na mga mamsh nakakaproud lang talaga. Nakakamiss din nung covid free pa at anytime pwede kang lumabas kasama mga bata..😍
Paksiw na Bangus x Pritong Isda Dahil hindi kumakain ng Paksiw ang bunso ko ayan Pritong isda sakanya.. Konti nalang nasa picture binigay ko na sa byenan ko ung kalahati e..😍 Gandang tanghali noisemates.
Them: Mama hindi po kami matutulog, hindi po kami inaantok! Me: Okay po. Higa higa na lang tayo kasi maaga pa naman wala na mana akong gagawin ngayong hapon. Them: sige po maglablaban(cuddle) na lang po tayo. Me: Ay sige po anak *After 5minutes* Tsaran!! Almost sabay nakatulog hehe Naisahan na naman ng mama😁
Ang sipag naman ng baby girl ko.. Gagawin na daw nya assignment nya para daw tapos na gawain nya.🙂 Nakakatuwa na may improvement na ng baby girl ko nagmanature na rin ang isip..🙂
Sabi ko ito na lang idadagdag kong ulam para maubos na mga ulam namen. Ang ending halos hindi na naman nagalaw ang mga tirang ulam at eto inulam ng dalawang bagets haha Siguro nasasawa na rin sa mga ulam. Ito nga naman bihira namen ulamin 😅 Gandang gabi noisemates..🙂
Good morning mga mamsh. Grabe ngayon lang ako nagising ulit na ganito kalamig, feeling ko tuloy pasko na😅⛄ Nattrigger ang allergic rhinitis ko kapag ka ganitong malamig, masakit sa ulo ang kakabahing🤧 dati akala ko namana to ng panganay ko, mabuti na lang nawala din. Dati sabay pa kami nyan tuwing umaga bahing ng bahing..🤧 Good morning noisemates asikaso naman ako ng baon ng asawa ko.. Ingat ang lahat.🙂
Hello noisemates. Last day today na naman ng online class ng kuya ko.. Ganito rin ba kayo mga mamsh? Ako kapag tapos na sa gawaing bahay at nag oonline classs pa ang kuya ko uupo ako sa gilid at nakikinig sa lesson ng anak ko. Nakakatuwa din at narerecall ka sa mga lessons dati. 🙂
Fried x Steamed Siomai Which do you prefer? Ako kahit ano basta may chili garlic oil ay perfect yan pang ulam o papakin.😋 Tara kain tayo noisemates.. Nakakatamad ang panahon dito smen ngayon..😪
11.11 budol😪 Last na to pramis! Charot haha ganyan din ba kayo mamsh lalo at medyo mahal Yung naplace order nyo? Haha Okay magshashanghai ako bukas hahaha Goodeve noisemates..
Naalala ko dati nung bata pa kami kapag may sobra sa budget ang mama ko uutusan nya kami bumili sa tindahan ng chichirya, paborito name noon ung "WOW at CHICKY CHIPS" mahilig din kasi sa chichirya nanay namen noon.. Masaya na kami kapag may tig iisa kaming chichirya na a-piso lang.❤️ Salamat sa nanay ko dahil kahit sa simpleng binigay samen e ang saya sa puso kaya paminsan minsan ina-allow ko rin kumain ngayon ng chichirya mga anak ko, para maalala din nila kapag matanda na…
Iba talaga yung mga batang 90's dati ano mga mamsh? Nung bata ako hinahabol ko pa minsan yung ganito kasi daw magkakatotoo ang wish mo kapag nakakita ka nito hehe Nakakatuwa lang maging bata, yung mga simpleng bagay na ganito e masaya ka na. Tapos ngayon ko lang maiisip na para pala akong loka haha uto uto ba.😅 Good morning noisemates.. *CTTO OF PHOTO*
Yung maaraw pero umuulan ulan. Nung bata ako kapag ganyan maaraw tapos umuulan, kasabihan noon na may kinakasal daw na tikbalang haha Grabe kung ano ano ang kasabihan noon at kung ano ano ang pamahiin. Pero until now may mga pamahiin pa din..
Kain tayo mga mamsh. Ang sarap sana magluto, kaso kapag nagluto ka minsan lalo kapag gusto mo ng masarap e talagang mapapagastos ka e.. Ang mahal ng mga bilihin. Kaya minsan nakakatamad magluto dahil sa mahal ng mga bilihin🤦🏻♀️
Hahahaha parang gusto ko nalang maging marites hahaha charot! Easy money. Tamang chika chika lang😅 Nakatulog na sana ako, tumawag naman asawa ko kasi breaktime nya, hays nawala tuloy antok ko😴😪 Tapos nagutom ako bigla hays
Ayan umuulan na naman.🌧️⛈️ Nakakatamad tuloy kumilos tamang higa lang Pero nagugutom talaga ako haha pero wala pa akong maisip na masarap kainin. Tulog pa rin mga anak ko kaya dko alam kung anong gusto nilang meryenda. Kayo dyan noisemates nagmeryenda naba?
Ensaymada x Coffee 🤤 Tara kape Tayo noisemates. Grabeng lakas ng ulan dito ngayon masarap talagang magkape🙂 Favorite ko pa tong ensaymada,inorderko sa kaibigan ko. Masarap pagkagawa nya, sakto ang tamis 😋
Goodnight mga mamsh! Kung kelan gabi saka pa naman nag brownout 🤦🏻♀️ Mabuti na lang at maghapon umulan dito smen kaya presko pa rin matulog. Nasesense ko na kanina na mawawalan kuryente e, ilang beses nag flactuate ang kuryente kanina. O siya Goodnight na noisemates,😴
Good morning noisemates.. Rainy morning na naman⛈️ Keep safe po ang mga pupuntang work. Ako eto magpprepare na naman ng baon ng masipag kong mister❤️
Breakfast tayo mga mamsh. May left over pang ulam kagabi, ni reheat ko nlang para maubos narin 🙂 Egg is life talaga kami, kapag heavy breakfast kami hindi pwedeng mawala ang egg😁 Grabe lakas ng ulan dito sa amin, mukhang maghapon na naman ulan dito, magdamag na nga ito kagabi. Hirap na naman makpatuyo ng sinampay🤦🏻♀️⛈️
May pumutok daw palang transformer sa may kanto kaya wala na namang kuryente. Mabuti na lang mabilis umaksyon ang mga electrician, gingagawa na rin nila ngayon sana lang maagang matapos kasi mamaya nap time ng mga bagets baka hindi makatulog kasi medyo umiinit na din dito ngayon..
Milktea x Chicken Burger😋 Meryenda tayo noisemates. Galing ako tindahan namen ayan nagtake out na rin ako ng tinda namen na chicken burger. O diva.. para tipid. Milktea na lang binili ko.hehe Yung banana cake bigay ng byenan ko, gawa nya yan❤️ Maulan na hapon noisemates🌧️
Aww. Sad ang mga babies ko. Kakaalis lang ng lolo at lola nila, byahe papuntang laguna, dadalaw naman sa kapatid ni papa nila hanggang pasko sila doon, kaya mas lalong nasad ang mga batuts.. Lalo na si kuya Champ ko na malapit talaga sa lolo at lola..😔
Good morning noisemates.🙂 Napasarap tulog ko, kagigising ko lang, mabuti na lang at Closing shift asawa ko ngayon. Oks lang kahit hindi ako bumangon ng maaga🙂 Mabuti medyo uminit dito sa amin, makakapaglaba ako🙂
Breakfast ng mga anak ko. Halos kagigising lang nila. Natutuwa talaga ako sa asawa ko, nagdinner daw kagabi sila boss nya at co workers nya, naiwan sya sa store. Then pagbalik daw may take out pala para sknya. Nakakatuwa kasi spag at mojos lang daw kinain nya, para daw sa mga bagets na itong chicken. E past 10 na rin naman sya nakauwi, nakakain na ang mga bagets at patulog na rin kaya sabi ng mga bata breakfast na lang daw nila🙂 Si mister ko talaga literal na isusubo nya na…
Sinigang na baboy for lunch😋 Sa sobrang mahal ng baboy, bihira ka nalang talaga bibili ng baboy e.. Kayo dyan noisemates ano ulam nyo? Ang hirap kapag mga bata kasama mo sa bahay, pili lang ang gulay na kinakain, pgsinabi nilang okra at kangkong ulam nila dapat nasa sinigang, kapag patatas at cabbage gusto nila dapat nasa nilaga o diva di rin nakatipid😂
Nakakatuwa yung byenan ko, bago sila umalis going to Laguna e iniwan pa sken itong pinya. Alam nya kasi na favorite ko ito. Nakakatuwa na magkaroon ng extended family kagaya nila. Very caring at thoughtful 🙂 Hmm ang sarap magmeryenda ng pancit canton, kaso tinatamad akong magluto😂
Barbecue x Lumpiang Togue Patulog na sana ako, dumating naman mister ko galing work, ayon may pasalubong. Midnight snack tuloy ang peg. Masarap kasi mgkwentohahan ng mga nangyari sa maghapon kapag may foods hehe Kain tayo noisemates🙂😋♨️
Good morning mga mamsh. Monday na naman, asikaso na naman ang mga papuntang work at mag aasikasi na naman ng mga bata na may online class. Another week na naman para sa learnings and assignments 😁 Sana maging maayos ang week ng bawat isa.. God bless us all🙂 *Share ko lang pala* Kanina habang bumibili akong kakanin don sa isang matanda na maglalako, maya-maya nagkatagpo sila nung isa pang naglalako, tapos parang nag exchange sila ng paninda nila, nakakatuwa lang tingnan kasi…
Lumpiang Shanghai x Chicken Poppers Dahil kaming tatlo lang naman ng mga bagets kumain, eto muna inulam namen.. Start na naman online class nila, nabusy ako knina naglaba ako e habang maganda ang panahon dito smen ngayon..
Spaghetti x Toasted bread x Lumpia I cooked spaghetti for dinner, then my hubby arrived just in time before we eat. Tapos ayon may pasalubong na lumpia, alam nyang mahilig talaga ako sa lumpia e, kahit anong klaseng lumpia🙂😋 Wala nko maisip na ulam e, spag nalang kaso mas mahal pa😂🤦🏻♀️ Pero oks lang, happy naman mga bagets at marami kinain🙂
Good morning noisemates.. Ayon kakagising ko lang, off naman ng mister ko kaya oks lang medyo late ang gising and 9 pa naman online class ng mga bagets ko.. Babangon na rin para makaluto na ng almusal..🙂 Ingat ang lahat lagi🙂
Mabuti nalang late na bumangon ang mga anak ko at nag almusal, kahit medyo late na makapaglunch e oks lang🙂 Knina pa naman to g nakasalang ilang minutes na lang pwede na kumain🙂 Mabuti nalamg may chef ako ngayon😘👨🍳
Baked Lemon Chicken with Rosemary leaves 😋 Kanina pa po kami tapos kumain, ginamit ng baby ko cp ko sa online class nya, kaya kakapost ko lang ng finish product hehe And ubos na rin po dahil napasarap ang kain namen kanina😋 Tulog muna kami dahil umuulan na naman dito sa amin. Sakto dayoff ni mister, tulog at kain na naman maghapon😂
Maulan, nakakatamad, tara at ngumuya na lang ng chips. Bet ko magchip ngayon. Halos dko rin mafeel ang chips kasi maraming kaagaw haha Kmusta kayo noisemates?
Almost an hour na Chika with my friends😍 Nakakamiss yung tawanan, sana sa susunod e sa personal naman ang tawanan para may apiran o hampasan pang kasama😂 Goodnight na rin noisemates.. Im so lucky having them, indeed Few but True😍
Good morning noisemates. Tara almusal tayo, maaga akong nagising kaya nagluto na lang ako. Heavy breakfast kami, di kasi msyadong bet ng mga bagets ko kapag tinapay ang almusal o kaya kakanin e.. Maaraw naman dito smen, maglalaba na rin ako para makapatuyo pa ng sinampay🙂
Buttered Chicken😋 Not the usual fried Chicken. Thankfully my kids love it💕 Sabi pa ng panganay kong bolero "Hindi po masarap mama" sabi ko naman "HA? Hindi po masarap?😔" Sabi naman nya, "opo hindi po masarap, kasi po SUPER SARAP, mas masarap pa po sa kinakainan natin na resto" o diba apaka bolero😁 Kain na rin kayo noisemates.🙂
Share ko lang last time umuwi mister ko e may pasalubong. Sabi nya agad sa mga bagets, share kayong magkapatid sa fries, itong sundae sa mama naman natin(me). Nakakatuwa lang na ung may pasalubong ang mister mo sa mga bata e masaya ka na lalo na kung pati ikaw e naaalala💕 kahit sya e wala na 🙂 Kaya kapag naaalala ko nung minsan nakasakay ko sa PUV classmate nya dati na babae e out of nowhere nabanggit nya sken "Ah nasayo naman yata ATM ng mister mo" like huh? Kailangan ba…
Pansit-Bihon x Butter toast bread🤤😋 Dinner time na noisemates.. Pansit-bihon na tipid hehe opo tipid, dko na nilagyan gulay, kasi ang mahal ng gulay tapos igigilid lang din naman sa plato ng mga bagets😂 Saka nakakatamad lumabas dahil umuulan na dito smen nung pagabi na.. Kaya kung ano na lang available dito sa bahay yon nalang niluto ko🙂 Of course, 100/10 na naman score ko sa mga bagets hehe masarap daw luto ko. Odiva kahit tipid, pero hindi tipid sa lasa🙂
Yung asawa kong Judgemental 🙄 Anong akala mo sa akin matakaw? Kalahati lang kinain nya nung sakanya tapos binigay na sken. Very wrong, maling mali! Dapat kung ibibigay sken lalo kapag ice cream e dapat walang bawas😂😂😋 Matutulog na rin kami hindi nakatulog kaninang hapon kasi may pasok knina ang mga bagets🙂 Goodnight na rin mga mamsh.🙂
Good morning noisemates. Need to get up early to prepare some baon of my hubby. Yung kahit hindi ka talaga morning person pero kailangan mong bumangon..💤😴 Nako tapos umuulan pa. Parang hinihila tuloy ako ng bed😴
Sana diredretso ang kasipagan ko sa pagwork out😂🤮 Magpapanggap na naman tayo self hahaha work out now, lafang later hahahaha Wala lang ang sarap lang pagpawisan kaya sana palaging ganahan atleast matunaw mga kinakain ko😂 Good morning noisemates..🙂 Please excuse my chubby face😂
Kalabasa para sa mga taong Paasa. Ano daw? 😂 Tanghali na pala, nalibang ako sa paglalaba. Lunch na tayo noisemates. Gulay naman para makakain naman gulay ang mga bagets.🙂
Miss ko na ang siomai date natin 😁 na dalawa lang Tayo kakain pero pang apat na tao kung umorder😋 Food lover kasi talaga kami ng asawa ko, even mga anak ko🤗 Nwxt dayoff ayain ko tong magsiomai😁
Happy kiddos, happy mommy happy tummy, 🙂 Kaya hindi ako nag iisip kung hindi ko hawak atm ng asawa ko e, kasi smen din naman nya ginagastos ang sobra nyang pera😁 Kakatapos lang namen magdinner, mga anak kong walang kasawa sawa sa manok🤦🏻♀️ Kayo dyan kumain nba noisemates? Masarap matulog umuulan dito smen🌧️
Good morning mga mamsh. Grabe yung ulan kagabi, halos magdamag tapos ung unang bagsak e ang lakas talaga! Hindi k rin makakahimbing ng tulog kasi mag iisip ka baka mamaya magbaha tapos pasukin ang bahay namen.. Mabuti nalang at hindi naman pumasok sa loob.🙏 Time to prepare nanaman ng baon ng mister ko. Babangon na rin.🙂
Eggs and Pandesal with butter plus yung coffee dko naisama sa pic.. Anyway, isa rin ito sa almusal na never kong pagsasawaan😋 Kayo ba noisemates anong trip nyong almusal? Good morning 🙂
Tokwat baboy with mushroom in oyster sauce😋 Kakatapos lang namen maglunch, as usul yung karne lang kinain ng mga bagets, Hindi kasi kumakaing ng tokwa. Hindi daw nila bet ang lasa.. hehe Gandang tanghali noisemates, kain na rin kayo..🙂
Kanina galing aking school ng mga bata, tapos diretso na rin ako nagbayad ng electric bill, tinanghali ako sobrang bagal, kasi isang teller lang nag ooperate.. almost 1hour yata ako don. Kaya eto binilhan ko pasalubong mga bagets kaya eto nrin meryenda namen, kayo dyan mga mamsh nagmeryenda naba?🙂
*Share ko lang noisemates* Bago ako umuwi galing tindahan namen napadaan ako sa grocery to buy some stuff. Pagkatapos mascan items ko sabi ng cashier 800+ daw total bill ko, nagulat ako kasi ilang items lang ung binili ko, sabi ko kay ate in a polite way, "ate pakicheck po ulit, kasi ilang items lang ito" upon checking nakita nya na ung isang item na binili ko e na quantify nya nung na-scan nya which is 46 pesos and naquantify nya ng 6@ kaya pala inabot ng 800 bill ko, buti…
Good morning mga mamsh. Luto time na naman para baon ni mister🙂 May left over na chicken kagabi kaya ito na lang sasahog ko. Minsan talaga kahit gusto mo ng gulay mapapa aray ka sa presyo e.. nagccrave ako ng broccoli, half kilo lang ito nabili ko,(yung tangkay lang nagpabigat) e 100 pesos na agad🤦🏻♀️
Nakakahappy💕 Yung magmemessage na lang ako ng ganito sa staff ko, kasi mga customer namen e madalas ako parin kinokontak to order🙂 Minsan talaga ung mga hindi mo pa kaano ano ang mga susuporta sa small business mo🙂 Happy lunchtime mga mamsh.🙂 Masarap ang may negosyo, kumikita ka kahit nasa bahay ka lang💕
Gusto ng mga anak ko nito g broccoli, kaso di kaya talaga ng budget kahit gusto ko rin ng ganito, imagine magkano ang bili mo tas kakapiranggot lang ang maluluto😪 Kaya paminsan minsan lang magganitong gulay, atleast nakakakain ng ganito ang mga bagets.. Kakatapos lang namen kumain..
This made me cry as I watching this 😭💕 These students turn off their cameras when they join the class and the teacher confused about what was happening and then they open their cameras together while holding some notes for their teacher saying thankyou for teaching them💕 This is so touching, amidst this pandemic teachers still making effort to teach their students 🙏💕💕
Pritong isda x Pritong Talong x Kangkong with Bagoong Kakatapos lang namen kumain😋 Pagkakita ng asawa ko sa ulam nako naghahanap pa ng itlog haha sabi ko wag na kasi di na naman nyan mauubos ang mga ulam kung may itlog pa.. Oh dba edi wala kaming left over na ulam dahil di nko nagluto ng egg😁 Gandang gabi noisemates.. Kayo dyan kumain na ba?🙂
Goodnight noisemates. Kung ano man bago dito sa platform, i hope lahat sana magbenefit. Pantay pantay sana🙂🙏 at para sa ikabubuti sana ng mga nakakarami🙂 Goodnight noisemates, antok na me😴
Sinangag x itlog x tuyo x kape🍚🍳🐠☕ Tara almusal tayo mga mamsh.. Yung hindi pwdeng mawala sa stocks ko ang egg saka itong tuyo, kasi kapag walang maisip n ulam at ayaw lumabas ng bahay e yan ang alternative ko. Hehe Tamad po kasi talaga akong lumabas. Nalabas lang kapag bibiling ulam.😁
Creamy Chicken Adobo with Mushroom x Adobong tangkay ng kangkong Yung tangkay ng kangkong kagabi sayang kung itatapon kaya ayan niluto ko atleast may gulay kami sa hapag kainan🙂 Tara kain Tayo noisemates🙂
Ang love ay parang ihi, hindi mo mapipigilan, pilitin mo mang pigilan wala kang magagawa dahil mas lalo mo lang mararamdaman.😂 Ewan naiihi lang naman talaga ako napahugot pa.. sarap kasi humiga tapos bigla kang maiihi hays😪 Gandang hapon noisemates..
Bakit naman kung kelang magpapasko e sobrang nagmamahal mga bilihin. Nagulat ako dito sa talipapa namen bumili ako dlawang hiwa lang ng karne, para isasahog ko sana bukas pagluto ko ng baon ng asawa ko. Nagulat ako 98 pesos daw😱 330 na pala kilo ng baboy nung isang araw lang 300 lang ang kilo. Grabe ang hirap talaga magbudget kapag ganitong biglang taas ang presyo!🤦🏻♀️
Good morning mga mamsh. Best feeling talaga yung magigising ka na halos di ka na makagalaw kasi nakasiksik sayo ang mga anak mo. 🤗 Tapos ang lamig pa.. masarap kapag nasa probinsya, electric fan lang ang gamit mo pero para Kang naka AC Kasi malamig😱 Monday na naman. I hope this week may be filled us blessings 🙏 Magpprepare na naman ako ng baon🙂 Keep safe everyone 🙂
Tapos na maglaba, tapos na rin magluto. 🤗 Ang sipag ko today hahaha kaya kapag inaabot ako ng kasipagan e nilulubos lubos ko kasi mas madalas tamad akong kumilos hahaha maganda kasi panahon dito smen, mainit pero hindi maalinsangan. Nakakaganang kumilos🙂 Kayo dyan noisemates nakapagluto na rin ba?
Ayon napaidlip ako, mga anak ko naisahan ako hindi mga natulog haha wala itong meryenda at mga hindi natulog haha charot lang. Maya2 magtitiklop naman ako ng mga damit, natuyo rin mga sinampay ko.. Kayo dyan noisemates anong gawa?
Kanina paggising ko ito bumungad saken. Nakakagana ung ganito, sa ngayong panahon kasi ang negosyo basta wag kang mazero sa isang araw masaya na e. Konting tyaga na lang, kapag bumalik naman ang face to face kahit papano makakaahon ahon din ang tindahan namen💪🙏 Naniniwala ako dyan.. Dapat kapag nagnegosyo ka malakas ang loob mo. Malakas ang loob mo lalo na sa downfall ng negosyo. Kasi kung susuko ka, hindi ka makakarating sa tagumpay🙂
Note: Kapag may ipapabili ka sa asawa mo be specific 😂 Chinat ko mister ko bago sya mag out sa work, sabi ko bili syang litson manok kasi may gulay pa naman saka sumasakit kako sikmura ko kaya nahihirapan akong kumilos. Tapos ayan paguwi charaaan! Isang buo pa talaga ang binili. As if marami kaming kakain, e apat lang kami kami kakain bata pa yung dalawa!haha di ko nga pala nabanggit na kalahati lang bilhin🤦🏻♀️ Kakatapos lang namen magdinner noisemates🙂 Gandang gabi🙂
Siguro ang iba dito e gising na at nag aasikaso na para sa pagpasok sa trabaho.. Ako eto hinahanap pa ang antok! Maaga kasi akong nakatulog kagabi, 9 palang tulog na ako, kaya mga 2am naman nagising ako, Hanggang ngayon gising pa😪 Have a nice day noisemates🙂
Mabuti na lang may nagbebenta pa rin nito sa amin, malaking tulong lalo sa ibang kapitbahay namen na kapos. Bihira ako makatyempo nito, ubos kasi agad, mabuti nlang nakabili pa ako, may palaman sa tinapay ang mga bagets, diretso papak, haha mahihilig sila magpapak ng itlog e..🙂 Good morning noisemates. Oh diva sa halagang 24pesos ang dami na nameng itlog hehe
Ang ganda ng weather ngayon.. kung andon lang siguro kami sa bayan ko baka andito kami ngayon, sakto holiday sana.. kaso ngayon kasi ang hirap pang ibyahe byahe ang mga bata, nasa paligid lang ang virus.. Dinarayo ito smen ngayon, nagkaroon na kasi ng improvement at may nagmamanage na ng maayos, imagine 30 pesos lang ang entrance fee, ganito na kagandang view makikita mo🙂 Plus pwede pa mag overnight, may mga rooms na rin dito at may tent pitching pa 50 pesos lang. 🙂
Late ang almusal, late din ang lunch.. Maganda pa rin ang panahon dito smen, mainit pero hindi sobrang init. Tara noisemates kain tayo. Gandang tanghali sa lahat🙂
Thankyou Lord🙏😍 Napakabuti mo po. Nakakakilig yung mga ganitong message. Nakakagana, bibigyan at bibigyan ka talaga ng dahilan para magpatuloy sa buhay at sa negosyo!😍🙏 Okay tulog muna ako😁
Goodnight guys.. Galing kami ni mister sa lamay, namatayan kasi ng nanay ang isa sa staff nila. 1st pic is ung dinaanan nameng shortcut, mabilis naman talaga kasi yung almost 12 kilometers na byahe dapat namen papunta doon sa isang bayan na dadaanan namen e parang 8kilometers lang namen tinakbo. Pero nakakatakot naman ung daan, ang narrow at sobrang lamig kasi puro punong kahoy dadaanan namen plus sobrang dilim😱😱 Alam mo ung feeling ko may nakaangkas na sa likod ko😂👻 Kaya…
Good morning noisemates... 1st day of December, sana marami tayong matanggsp na blessings good health para sa ating lahat.💕 More sales pa sa mga negosyo, and sana tuloy2 lang ang platform na ito and mas maging maayos pa🙏 Good morning 🙂