Isa sa patunay si Noise.cash na kapag nagbigay ka, triple o sobra2 pa ang balik sayo.😊 Kaya never hesitate to help someone if you're able to help them, not everyone are Lucky as you are😊
@RoseAnn16 in August 2021
Yeheyyyyy! Cravings satisfied na naman ako😊😋🤤 Perfect yung tuyo sa ginisang mongo 😊 Magandang tanghali noosemates. Tara kain po tayo🙂
Di ko kaya ang antok ngayon. Hirap labanan, lalo at nabusog pa ako masyado kanina. Ang sarap din ng hangin kaya inaakit talaga ako ng bed lalo at ang sarap ng tulog ng mag aama ko, kaya tabi nlng muna ako idlip lang para mabawasan ang antok, masakit sa ulo rin e.. Gandang hapon noisemates🙂
Hapon na naman, tara meryenda muna tayo noisemates🙂 Buti na lang may tira pa kami ulam kanina, nabawasan ako ng isipin kung ano uulamin..🙂 Magandang hapon noisemates🙂
*Just now* Habang nagduduyan ako dito sa bakuran namen at nagbabike naman ang panganay ko sa labas, tumigil sa pagbabike at lumapit sken tapos nakatikop ang palad nya sabay sabi sken "Mama blow mo po" pagkablow ko inopen nya kamay nya, tas eto binigay.hehe Simula baby pa sya ganito sya sken super sweet🤗😍🌼
Probinsya feels🙂 Yung nakatambay ka sa balkonahe dinadama ang malamig na hangin at maririnig ang kuliglig. Tapos naaamoy ko rin ang ibat ibang ulam ng aming kabitbahay, sarap nakakagutom kahit tapos na kami maghapunan😁 Magandang gabi noisemates🙂
Nakita ko to sa newsfeed ko. Which is really true 🙂 Mapapa Thankyou ka na lang instead na magreklamo na nakakapagod ang gawaing bahay. 🙂 Goodnight mga momi😴 Its time to bed para sa family time naman. *Credit to the rightful owner🙂
Good morning mommies🙂 Ang sarap gumising sa umaga habang mahimbing pa ang tulog nila noh? Sabay yayakapin mo muna sila ng mahigpit bago ka bumangon at ipaghanda sila ng almusal🙂 Ang sarap sarap maging nanay♥️♥️
Tara kape tayo noisemates☕☕ Tulog pa mag aama ko kaya coffee lang muna ako.😊 Kumusta kayo noisemates? Kung di maganda nararamdaman ihigop mo lang ng kape sigurado gagaan pakiramdam mo😊
Kape sa tanghali😊☕ Wala pa akong gana kumain e.. Pero mga bata pinakain ko na😊 Kumusta kayo noisemates. Kumain naba ang lahat?😊
Hello noisemates.. Nakakaantok na naman ang hangin. Good thing hindi ako maglalaba ngayon kaya iidlip na rin muna ako katabi ang mga bagets😊😴 Ingat lagi noisemates😊
Just got home. Kakauwi ko lang galing sa tindahan namen. Thankyou Lord maganda ang benta ngayon. Even sa foodpanda may benta kami. 😊 Good evening noisemates. Productive ang hapon ko 😊 Kaya maganda rin kahit papano may negosyo e.. Kahit papano may income 😊 Thankyou Lord sa lahat ng Blessings 😊
Goodnight noisemates.. Before sleep, Lets thank the Lord for all the Blessings he gaved us, for keeping us healthy 😊 Keep safe noisemates😊
Magandang umaga Noisemates😊 Tara bangon na tayo para sa panibagong araw😊 Masarap sa pakiramdam kapag may nagagawa ka sa araw araw. Ako eto gumagawa na ng leche flan na aking paninda😊 Keep safe mga noisemates. Sana mawala na ang virus na ito. Masyado na tayong apektado ng sakit na ito. Minsan nakakatakot lang lumbas😔 pero minsan wala kang choice🤷
Pandesal with peanut butter sa almusl ok na e😊 Tara kain muna tayo noisemates😊 Ingat ang lahat alarming ang bagong virus😔
Nasa palengke na ako pero undecided pa rin kung anong bibilhin para ulam hehe Relate ba kayo mga mommies?hehe
Tokwa't Baboy for lunch😊😋 Tara kain tayo noisemates. Simpleng ulam pero siguradong mapaparami ka ng rice😊😁 Ok No to Diet talaga ang nanay, sarap kumain e😁
Magandang gabi noisemates. Food is life din ba kayo?hehe Bahala ka dyan magdrive basta ako kakain lang dito sa likod mo hahaha
Grabee! Sino ba namang nanay ang hindi mapaproud kapag ganito?😊 Simula nursery at kinder panganay ko palagi syang nangunguna sa klase, even nung pumasok na syang grade school nakapasok pa sya sa Science Oriented Class at nung grade 1 isa sya sa representative ng grade 1 para sa MTAP😊 (and Got the second spot) Sobrang nakakaproud talaga. Tapos ngayon grade nag excell pa din sya sa school kahit bago rin sknya ang mode of learning nowadays 🙂 Mapapa Thankyou Lord ka nalang…
Good evening noisemates. Tara kain na tayo. Bangus na tinapa 60 pesos lang po yan. Actually medyo nagmahal yan ngayon kasi same price lang sya pero lumiit na yung isda😔 Pero okay sapat pa rin naman sa isang pamilya. Yung sabaw galing sa byenan ko. Swerte talaga namen♥️😊
Kumusta noise mates😊 Malamig na naman ang hangin, masarap ng matulog. Pero ang mga anak ko hyper pa hindi pa daw sila inaantok. Samantalang ako nung bata pa naalala ko 8pm palang patulog na kami😊
Goodnight noisemates😴 Hay salamat pinatay na rin ang Videoke sa kapitbhay namen. Meron kasing may birthday. Kung wala sigurong curfew or protocol malamang magdamagan na nman ang videoke. Kaya buti nlng ngpahinga na ng videoke maghapon narin naman e. Kaso ung mga umiinom di pa tapos medyo dinig pa din ang ingay . Anyway akoy antok na. Goodnight noisemates😊😴
Good morning noisemates.😊 Masarap pa sanang matulog kasi medyo malamig pa ang hangin galing sa labas. Kaso maagang nagbukas ng videoke itong kapitbahay namen, sinusulit kasi mamaya kukunin na ng may ari. Ang cute lang ano? Kapag pinoy talaga hindi nawawala ang videoke kapag may okasyon. Isa sa kasiyahan nating mga Pinoy e noh? Minsan kahit kapos ang handa basta may videoke masaya na e😊
Panibagong araw na naman ng mga momi na mag isip sa buong maghapon kung ano ang ihahain sa hapag kainan na budget friendly pero masustansya at masarap e.. Pero bilib ako sa mga nanay na magaling magbudget e. Parang ung byenan kong babae, kahit 200 pesos lang budget nya sa pagpalengke marami na syang nabibili ilang putahe pa naluluto, odba mapapa sana all ka na lang. Hehe
Tirang pagkain kagabi almusal ngayon😊 Tara kain tayo noisemates. Yun palaging late ang almusal namen kasi late din gumising ang mga alaga ko..😊 Yung kumakain ka pa pero nag iisip ka na kung anong maiuulam ng lunch😂
Kapag nanay ka na marami ka talaga masusubukan gawin e.🙂 Like me for the first time of 3decades of existence as in now ko lang natry magluto ng may Gata(coconut milk) nakakaproud lang hehe kaya ko rin pala🙂 Plus tipid pa, total cost 135pesos🙂 Mukhang aabot pa to hanggang mamayang gabi ang dami e😁 Magandang tanghali mommies. Kain po tayo🙂😋
Yung asawa kong walang magawa bumili ng pangkulay sa buhok kaya eto nagkukulayan session kami ng buhok😂 Tapos ung bunso ko naman nangungulit na magluto daw akong pancake, wait ka muna dyan anak at nagkukulay pa kami ng buhok😂😂 Good afternoon noisemates.🙂
Okay po sandali lang. Nagkakape lang ako. After nito maliligo nko😂 Good afternoon noisemates.. Pagabi na naman, problema na naman ang ulam😔
Magandang gabi noisemates. Ayon may tirang ulam pa naman kanina, kaya nagluto na lang akong hotdog para dagdag ulam. Okay na to, need magtipid ngayong mga panahon hehe Kain tayo noisemates🙂
Panghimagas Undecided kung anong kakainin hehe parehas masarap e.. Magandang gabi noisemates. Yung halos puro kain sa maghapon. Hehe Sarap kumain e😁😋
Goodnight noisemates.🙂 Naalala ko kaninang dinner since may crab sa ulam namen, naitanong ng asawa ko sa anak ko(8yrs old) kung narinig na nya yung salitang "crab mentality" sumagot ang anak ko na hindi po. Saka nya ipinaliwanag sa mga anak namen ibig sabihin. Ganito rin po ba ibang parents dito? Even at their young age pinapaliwanag/tinuturo na namen sknila ang mga bagay² para maging "FAIR" sila sa ibang tao at maging Humble🙂
Good morning momies. 🙂 May time din ba na mahirap pakainin chikitings nyo lalo kapag umaga? Ako madalas wala talagang ganang kumain sa umaga ang mga anak ko. Sapilitan pa kami para lang hindi sila malipasan hehe Kaya madalas tinatanong ko sila sa gabi pa lang kung anong gusto nilang breakfast, kasi pag alam nilang nag eeffort ako, naappreciate naman kaya kumakain din sila🙂
Binigay ko sa Byenan ko versus sa binigay sa amin ng byenan ko. Hehe O diba pancake lang binigay ko pero ang kapalit carrot cake(bake ni byenan) meron pang sinangag hehe Tara kain tayo noisemates🙂
Swerte ko talaga sa byenan ko. Hehe Kanina magsasaing na sana ako, tumawag sken at doon na lang daw kami kumain sknila, since silang dalawa lng ng father in law ko ang kakain, nagluto daw sya sizzling stuffed squid🙂😋 Ayon ang sarap na ng lunch namen nakalibre pa. Hehe Halos kakatapos lang namen maglunch🙂
Bukod sa pagkain, isa rin sa bonding moments ng pamliya namen ang pagtulog. Lalo ngayong walang work ang asawa ko, sinusulit din ang panahon para makabawi sa tulog. Masarap tulog ko, msarap ang hangin, nagising lang ako kasi may mga naglalako ng meryenda, merong Pilipit, palitaw, maruya,turon, chakoy.. Sa sala kasi kami natutulog sa hapon, mainit kasi sa kwarto.. Kaso tulog pa sila diko alam bet nila.. Ngayon kasi madalas di nko bumibili kasi nasasayang lang kapag hindi nila…
Nakakaproud maging Pinoy sa mga karangalang ibinibigay ng ating mga atleta para sa ating Bansa🙂🙏 Despite of this pandemic, still meron pa din good thing na nangyayari🙂 Looking forward na matapos na ang covid na to para makapagsimula na ulit ang lahat. Magandang hapon noisemates. *Photo Credit to the rightful owner.
Hello sa ibang Channel na super tagal bago maipost ung Post mo hehe Tagal maverify ng post mo kahit sumusunod ka naman sa Rules😁 Good afternoon noisemates🙂
Hello mommies. Time to cook na naman ng dinner. Ano na naman kayang lulutuin. Hehe araw araw problema e. Hehe Good evening mommies.
Hello mga mommies. Tara kain po tayo.🙂 Walang maisip na ulam, kaya Tuna spiral pasta ang aming dinner🙂 Mabuti na lang mahilig magluto ang asawa ko hehe Magandang gabi momies🙂
Kaya ayoko talaga makakatulog ng maaga e, pagmaaga akong nakatulog siguradong magigising ako ng alanganing oras at hirap ng makabalik sa tulog.. Gaya ngayon 😪 Good night noisemates. Sana makatulog na. May lakad pa bukas🙂
Good morning Noisemates🙂 Another day to be the better person than yesterday that you can be. Always put Gods first in everything we do and evey decision we'll make🙂 Have a blessed day noisemates. Keep safe🙂
Tocino at itlog sa almusal. 🙂 Tara kain tayo noisemates.. Simpleng pagkain pero siguradong mapaparami ka ng kain😋
Pano mambudol ng asawa? Hehe Sabihin mo lang na napakapogi nya, tingnan mo at ililibre ka nyan ng milktea agad agad hehe Sakto mainit ang panahon dito smen ngayon.. Magandang hapon noisemates🙂 Dko maupload ung milktea😪
Hello noisemates. Hows your day? Medyo busy ako today, di pa masyadong makapagnoise ngayon. Bantay akong tindahan ngayon e. Nakakahappy kahit nakakapagod. Medyo marami din kaming order sa foodpanda ngayon🙂
Busy ang bunso ko, while nagtatablet naman ang panganay ko. 15mins na lang stop na sila. Hanggang 9:30 lng time nila to use gadget e🙂 Good evening noisemates🙂
Minsan masarap alalahanin ang mga nakalipas kapag ganitong oras. Wala kasing makakakita sayo na mapapatawa ka bigla kapag naalala mo ang mga masasayang alaala kasama ang mga kaibigan o mahal sa buhay. O di kaya naman mapapatulo ang luha mo kapag may malungkot kang naalala🤧 Kapag naaalala mo ung masasayang alaala lalo na nung bata kapa, minsan maiisip mo na ang sarap sarap bumalik sa pagkabata, pero bigla kang malulungkot kasi hindi na pwede😪 Kaya sa mga kabataan dyan, make…
Saw this on my fb memories 🙂 Missin those time that we are free from covid, we can go anytime to the beach if we want to.😪 This is one of our activities that my children misses to do, we go to the beach, they enjoy the waves, and after that we ate breakfast. Sometimes we go to nearest port and buy different kind of seafoods for us to have dish at lunch🙂 Me as well missin those times. We bond together and we Bind as a family👨👩👧👦 Good morning everyone 🙂
Suman x Kape☕ Perfect match talaga e. Kaya masarap ang kape e kasi kahit saan mo ipartner pwedeng pwede!🙂 Tara almusal pa lang tayo noisemates. Gumawa muna akong Leche Flan pangtinda e🙂
Tanghalian na naman momies. Nakakapagod din talaga mag isip ng ihahain na masustansyang pagkain para sa mga anak natin noh? Hehe Sweet & sour fish kami today.. Happy lunch time momies😋
KROPEK😋 Naalala ko nung bata pa ako, siguro mga 7yrs old ako nun, sa probinsya ng mama ko nagtitinda ng ganito ung matanda smen, sa naaalala ko 3pesos dati per pack nito, tapos nagbebenta sya ng tingi tingi, 25¢ isang piraso sabay papatakan ng suka hehe Masaya nko non kapag nakbili ako isang piraso. Grabe pa ang value ng pera dati e.hehe Magandang hapon noisemates🙂
Milktea Lover🙂 Thankyou foodpand 50% off. Sakto, mainit na naman ang panahon, naglaba daw kasi ako kaya reward sken ng asawa ko😂
Good evening noisemates.. ito ulam namen kanina.. Kumusta kayo? Kumain naba ang lahat?🙂
Happy sunday noisemates🙂 Worship day, family day, laba day hehe Thankyou Lord for another day you gave me, another day to be with my famiy, another day to be a good mother and another day to do good 🙂 Keep safe always noisemates.🙂
Nung minsan nagpasyal ako sa bahay ng magulang ko, nagharvest na rin ako ng mga sili.hehe Mahilig kasi talaga ako sa maanghang. Yung okra di nko nakakuha kasi sobrang malalaki na, ilang araw din walang tao sa bahay kaya napabayaan din. Mahilig magtanim ang papa ko, marami syang tanim, may okra, sili, ampalaya, saging, indian mango at bayabas. Kaya kapag namumunga na nakakalibre kami🙂 Sa panahon ngayon dapat talaga may mga tanim aa bakuran kahit papano para may pagkukunan…
My kids with their playmates🙂🏊 Dahil mainit naman pagbigyan natin ang mga bata, nung mga nakaraan kasi panay ulan kata di sla makapagbabad hehe
Hapon na naman noisemates.. Plakda ang dalawa ko, napagod kakaligo hehe Gutom to siguro paggising. Ano kayang ipapameryenda ko sa mga mahal kong ito😁
Kape at lumpiang ubod meryenda ko kanina. Tapos donut naman sa mga bata hehe Magandang hapon noisemates. May ulam naba kayo para mamayang gabi? Kami wala pa haha busog pa kasi kami kaya wala pang maisip na ulam😅
Goodnight noisemates. Tulog na tayo. Grabe antok nko. Ingat lagi noisemates.. Isa s pinagdadasal ko tuwing gabi ay sana matapos na ang pandemic na to.. kaya keep safe noisemates.😴
Tirang pagkain kagabi, almusal namen kanina😅 Tipid tipid dapat ngayong mga panahon, kaya hanggat maaari walang masayang na pagkain🙂 Good morning mahal kong noisemates🙂
Kumusta noisemates? Hindi ako makapagmlnoise. Mahina kasi data ko..😔 Mamayang hapon pa ko makakauwi nito sa bahay e. Magandang hapon noisemate. Sobrang init ngayon. Nakakaantok😴
May pameryenda kanina ung isang rider namen, birthday kasi nung anak nya. Ito namang ginataan na pato galing naman sa kaibigan ng asawa ko, birthday din ng anak ng kumpare namen.🙂 Magandang gabi noisemates. Busy maghapon kaya di nakapgnoise🙂
Good night noisemates😴 Nakakapagod ang maghapon kaya pahinga na tayo, nakadagdag pa sa pagod ang sobrang init. Keep safe noisemates🙂
Good morning noisemates. Time to prepare na naman ng pagkain ng mga mahal kong baby. Masarap pa tulog nila umuulan kninang madaling araw e kaya presko pa ang hangin..🙂
Grabe biglang buhos ang ulan. Baha agad dito samen😔 Eto ang abala sa tindahan namen e kapag umuulan nabaha na agad. Sira kasi agad drainage system dito e. Hays Makapagkape nga muna😪
Champorado x Tuyo😍 Sakto maulan, perfect meryenda naman talaga tong mainit na champorado may partner pang tuyo ay perfect talaga🙂 Maulan na hapon noisemates🙂
Good evening noisemates. Maulan pa rin dito smen, pauwi pa lang din ako, hay ang lamig. Chicken mami daw kami for dinner, sakto maulan naman.🙂 Dahil hindi ako marunong magluto non take charge na yan sa asawa ko😁
Dinner is Ready🙂 Sarap. Perfect na perfect sa maulan na panahon. Sarap humigop ng sabaw🙂 Tara noisemates kain po tayo🙂😋
Nakatulog ng maaga, nagising alanganing oras hanggang ngayon gising pa at eto kumukulo ang tyan, nagugutom na naman waaahh😪🤤 Meron pa bang gising dyan?😁 Kung hindi lang pandemic ginising ko na sana asawa ko tapos bili pagkain sa labas 😂
Yung antok ka pa pero food is life talaga. Ayon babangon ka talaga para kumain. Tutulog nko ulit after nito hehe (kung makatulog na) Good morning noisemates. Goodnight din🙂
Magandang hapon noisemates.. Hays nakakainis ang converge. Kahapon pa pawala wala ang connection l. Hindi tuloy makapagnoise😔
Kape tayo noisemates. Sabay meron spanish bread haha di makapag upload ng pic hindi kaya ng data e. E wala pa din naman si pareng converge. Hays Magandang hapon noisemates🙂
Ang pagsubok parang blessings noh? Di mo malalaman kung kelan dadating😪 Basta lagi ka na lang maging handa sa anumang pagsubok. Kanina kailangang palitan ung freezer ko sa tindahan kasi may ground, delikado sa staff baka makakuryente,mabuti na lang may isa pa kaming freezer dito sa bahay, kaya ayon pinagpalit na lang muna namen.. Tapos ngayon pagdating namen sa bahay nagkkwenta ako sabi ko kulang, short ang Pera ko para sa budget namen. Tapos maya2 dumating kapitbahay namen…
Good evening noisemates. Kakatapos ko lang maglaba,kain muna bago magsampay. Mabuti na lang andito ang asawa ko, sya na nagluto ng hapunan namen.♥️
Good morning noisemate🙂 Maganda na naman panahon dito smen, sana wag na muna umulan, napeperwisyo tindahan namen kapag naulan e, ngayong mga panahon pa naman ung tindahan lang ang source of income namen..😪 Anyway, kain tayo noisemates🙂
Yung mas masaya ako kung dito mko dadalhin sa breadtalk kesa sa watsons😁 Hays grabe ang pandemic, miss ko na ang tinapay dito, hindi naman makabili kasi sa ibang bayan pa meron nito, 3-4hrs away ang byahe then mahirap din makalabas, medyo mahigpit dito samen e. Hindi ka basta2 makakalabas pasok sa border.😪 Sana matapos na ang virus na to, siguradong isa to sa unang una na pupuntahan ko kapag wLa ng pandemic 🙂
100 pesos budget meal na ulam. Good for 4-5 persons na🙂 Need ng medyo may sabaw na ulam para ganahan ang mga bagets kumain🙂 Magandang Tanghali noisemates. Kain po tayo🙂
Tara noisemates meryenda tayo🙂 Isa ito sa meryenda natin na hinding hindi pagsasawaan kahit na sino e🤤🙂
Kanina naglakad lang ako papuntang sakayan pauwi sa amin, hindi naman na mainit kaya sakto maglakad, tipid tipid din saka need din magbawas ng konting taba haha medyo hinihingal na konting galaw pa lang e. Magandang gabi noisemates. Kakauwi ko lang din🙂
Homemade shawarma dinner namen kanina🤤 Ayon bawi rin ung nilakad ko kanina kumain din naman ng marami ngayon🤦🏻♀️ Gandang gabi noisemates. Mabuti na lang mahilig sa food at mahilig magluto asawa ko😂
Good morning noisemates. Tara almusal tayo ready na ang breakfast.hehe Magkape pala muna ako at tulog pa mag aama ko😁 Have a great day ahead noisemates🙂🌄
Magandang Tanghali noisemate. Kumain na ba ang lahat? Nagluto ako fried chicken request ng mga bata, unfortunately hindi ako makapag upload ng pic hehe
Sarap magkape kapag pagod ka, kapag gutom ka, kapag malungkot ka o kapag naistress ka.. Iba rin talaga nabibigay sten kapag humihigop tayo ng mainit na kape🙂 May ibang pakiramdam na nakakahaan ng damdamin. Wala lang medyo pagod lang ako ngayong araw😁 Magandang gabi noisemates..🙂
Goodnight noisemates🙂 Tulog na rin ako. Medyo pagod at antok today.😪 Bukas hindi ako makakatambay sa noise. From 6am-6pm ang brownout e.hays. Hays madalas talaga magbrownout dito smen. Nakakainis din abala sa lahat ng bagay kapag brownout e😪
Ano nga ba kaya ang iniisip ng karamihan sa ganitong oras? (2am) Siguro ang iba iniisip kung kelan matatapos ang covid, ang iba naman kung kelan makakahanap ng trabaho, kung makakapagpatayo rin ba sya ng bahay, kelan magkakaroon ng sariling pamilya, kelan gagaling sa sakit o sa sakit ng puso na nararamdaman, o di kaya naman pano na naman itatawid ang panibagong bukas! Iba iba ang iniisip pero karamihan e pagsubok sa buhay. Isa lang masasabi ko, alam ko at naniniwala ako na…
Grabe maghapon ang brownout. Tamang deliver muna kami ni hubby. Nakakaantok mainit kasi tapos tahimik pa halos buong bayan, ilang bayan pala ang brownout kaya kapag nasa town proper ka e puro gen.set madidinig mo. Masakit din sa ulo😂😵 Gandang hapon nosiemates. Stop over muna kami gutom na e😁 Gandang hapon noisemates.. Congrats sa mga may narecieved na 1$🙂
Kanina stop over kami para magmeryenda, don ito sa isa sa dinadayo sa isang bayan sa amin. This is about 15klmts away from our home. Worth it din naman ung byinahe namen and yung price🙂
Haysalamat advance ng 1hour, hanggang 6pm daw dapat anv brownout, 5pm pa lang nagkameron ng kuryente.. Kakahawak ko lang ulit cp kaya kakapost lang hehe Nakakapagod din talagang bumyahe.. Tinatamad tuloy akong kumilos, sumasakit din right eye ko😪 Pahinga muna ako saglit tapos asikaso narin. May pagkain na rin naman kami ng dinner kaya pahinga muna ako🙂 Gandang gabi noisemates🙂
Good evening noisemates. Tara kain po tayo.. Thankyou Lord kasi may pagkain pa rin kami sa hapag kainan.🙂 Sana po lahat tayo iBless palagi para happy ang lahat🙂
Isa ito sa atraksyon dito samen, marami nagpupunta dito lalo na tuwing weekends at lalo na nung wala pang pandemic. Isang mahabang boulevard ito na maraming nagtitinda na pwede mong pagpilian sabay kakain ka sa may seawall at damhin ang ihip ng hangin at maririnig ang nakakarelax na tunog ng alon♥️ Nakakamiss tumambay dito, miss na rin ng mga bata pumunta dito, bawal kasi lumabas mga bata ngayon at hindi rin talaga namen sila dinadala muna sa matataong lugar. Huling punta…
Gustong gusto ng bunso ko ng aso, kaya gusto nya panoorin minsan about dog. Kaso kapag may sad scene na ayan na iyak na ng iyak halos hindi na mapatigil.😔 Grabe emosyon nitong baby gurl ko na to e, naalala ko tuloy nung first time namen mag alaga ng puppy, kaso that time busy kami ni papa nya kaya ipinamigay din namen sa family friend namen. Grabe din ang iyak non nitong bunso ko. And begging us na wag na daw namen ibigay. Please sya ng please.🙏 Sabi ko wag na sya manuod…
Pancakes x Eggs Good morning noisemates🙂 Request ng mga baby ko e pancake. May smiley pa talaga pancake ng baby girl ko. Hehe Kung Pwede lang sanang hilahin ang araw noh? Hihilahin ko para makarating na tayo sa maayos na panahon ung normal na ulit ang pamumuhay. Medyo nakakaumay na din tong ganito e. Hays Anyway, pray na lang tayo palagi na sana bumilis na ang panahon ng pagkawala na ng covid. 😔
Hahahaha kaya kapag wala ng pandemic ayain ko agad hubby ko mgtravel kahit hindi sya mahilig mgtravel😁 Nakakamiss ng mgtravel. Di pa ko nakakarating Vigan nagpandemic naman agad hays
Eto po ulam namen kaninang lunch, nagluto na nga lang ako ng suam na itlog kasi may tira pa kaming isda kagabi prinito ko nlang, saka ung sabaw sana ulam namen para sana maubos na ang mga ulam kaya di muna ako nagluto ng marami. Ayon may padala na naman na ulam ang byenan ko, ginataan na isda na may santol🙂 Gandang hapon noisemates. Tulog na ang mga alaga ko♥️
Umuulan na naman dito smen noisemates.🌧️ Tara meryenda tayo pansit canton.🙂 Maulan na hapon noisemates.🌧️
Good evening noisemates. Panget talaga kapag maulan ang panahon, nakakatamad ng kumilos ang bigat pa sa pakiramdam. Sana bukas maayos na ang panahon😪
Hot milk naman muna tayo bago matulog.🙂 Baka masobrahan na sa kape e.😁 Nagmilk kasi ang mga batuts bago matulog kaya nainggit naman ang mama hehe Goodnight noisemates. Masarap matulog malamig.hehe
Hello mga mommies. Nakakainis kapag meron isang member ng family na may iniiindang sakit noh? Parang ang bigat ng aura ng bahay, tapos parang lahat naapektohan. Hays Pray na lang kami na sana mawala na sakit na nararamdaman ng haligi ng tahanan namen, ilang araw na kasing sumasakit sikmura nya, mahirap pa naman magpacheck up sa panahon ngayon, baka kahit wala kang symptoms ng covid e iexpect na nila na covid patient ka.hays Sana talaga matapos na ang pandemic na to para…
It's been a long, tiring but productive day.😴 Kumusta kayo noisemates? Kakauwi lang, kape muna habang nagpapahinga.😪 Gandang gabi noisemates🙂
Sakto naman kakatimpla ko lang kape dumating naman anak ko may dalang spag, nagluto ng gabihan ang lola nila ayon marami ata naluto kaya nabiyayahan na naman kami hehe Swerte ko talaga sa byenan ko🙂
Goodnight noisemates.😴 Naglambing naman ang panganay ko sa papa nya kanina. Nakakatuwa lang tingnan. Ganyan po talaga sya kalambing smen. Ang laki laking bata pero kung magpababy minsan akala mo 2yrs old lang sya hehe
Good morning noisemates.🙂 Sana maayos ang araw ngayon, para makabenta ng maayos hehe Makapagkape nga muna para magising ang kalukuwa at ganahan kumilos🙂
Gandang tanghali noisemates.. Menudo for lunch. Worth 150 pesos lang po ito🙂 Tapos ito namang bolo bola fish po yan. Di kasi maubos ubos ung isda, ayan ginawa ko nalang fishball. Magluluto pa sana akong sauce kaso naubusan akong LPG😪 Tara kain po tayo🙂😋
Kanina naglalakad ako papuntang sakayan, napatigil sa may tulay at napapicture sa langit. Ang ganda kasi ng kulay. Tas ung isang kuha naman nung nakasakay nko cute lang nakakasenti ung langit haha Good evening noisemates.🙂
Yung kapag nanay ka hindi ka pwedeng umuwi ng walang pasalubong sa mga bata,hehe hindi dahil nirequest nila kundi un ung nagpapasaya sa ating mga magulang😍 Yung napapasaya natin sila sa simpleng pasalubong lang 🙂 Goodeve noisemates🙂
Good morning noisemates. Bat kaya ganon noh? Kung kelan nakakapagpahinga ang tao, saka naman kung ano anong sakit ang nararamdaman. Like ung asawa ko Jobless sya ngayon. Ilang linggo pa lang syang nakakapagpahinga kung ano ano ng nararamdaman, nung una sumasakit sikmura, ngayon naman nilalagnat hays Sabi ko sakanya hindi kasi sanay ang katawan nya na hindi nagttrabaho. Pakisama nyo nlang po noisemates sa prayers nyo ang asawa ko pati mama ko na nilalagnat din.😔 Ingat po ang…
Tinapay x coffee Eto muna ang breakfast dahil walang ganang kumilos gawa din sa sipon ko. Hays Ingat ingat noisemates. Hirap magkasakit ngayon..
Done Check up✔️ Naresitahan na din ng gamot si hubby, hirap talaga kapag may nararamdaman. Hopefully maging ok na sya but request for ultrasound pa sya bukas😪 Sana nothing serious naman🙏🙏 Eto ang nakakastress kapag may sakit e.. Good afternoon noisemates..
Ang hirap tuloy mag isip kung anong pwedeng kainin. Madami kasing bawal sa asawa ko. Nakakaguilty naman kumain tapos sya hindi gaanong makakain hehe Good afternoon noisemates..
Nilagang baboy x Tuyo Ulam namen kanina.🙂 May sabaw sa mga bata tapos ako naman ngcrave sa tuyo😋 Good evening noisemates🙂
Goodnight noisemates.😴 Iritable pa din ang asawa ko palibhasa masama pa din pakiramdam😪 Sana gumaling na kami, Pati ako masama ang pakiramdam grabe sipon ko. As in tumutulo pati luha🤧 Kaya pinagppray ko talaga na sana wag mahawa ang mga bata😔
Good morning noisemates🙂 Still not feeling well. Kaso nanay nga pala ako hindi pwedeng hindi kumilos. Kawawa ang mgs bata kapag dinamdam ko ang nararamdaman ko🤧 Grabe kasi talaga makapanghina ng katawan ang sipon e. Kaya ingat ingat po tayo momies, bawal magkasakit.🙂
Nakakagaan sa pakiramdam kapag concern sayo ang mga anak mo. Ung mayat maya tatanungin ka kung ok ka lang ba or may kailangan ka hehe Tapos mga concern pa ang mommies/noisemates sarap sa pakiramdam🙂 Kaya masaya dito sa platform na to e. May care talaga ang bawat isa kahit hindi mgkakakilala personally ♥️ Thankyou noisemates. More power to us♥️😍
Good afternoon noisemates. Tulog muna baka sakali medyo guminhawa ang nararamdaman🤧 Water therapy muna tayo.🙂
Custard cake for meryenda.🙂 Malamig ang hangin ngayon. Kumukulog kulog kanina tapos biglang dumilim tapos umambon lang ngayon wala na. Kaya medyo malamig na ang hangin. Hindi kagaya kaninang tanghali super init naman.. Magandang hapon noisemates..🙂
Hays tama na self! Alalahanin mo walang work ang asawa mo ngayon😂 Hays budol talaga ang shopee kahit kelan😂 Taas kamay sa nabubudol palagi ni mareng shopee😂🤦🏻♀️
Tara kain tayo noisemates. Budget friendly na ulam na makakabusog din naman sa pamilya. 55pesos worth of ulam lang po yan hehe Busog na ang family of 4🙂 Sa panahon ngayon kailangang magtipid tipid e. Para din makakilala ng ibang ulam ang mga bata, kaso si bunso ko dko talaga mapakain ng daing/tuyo e.. Good evening noisemates🙂
Sad truth. Minsan kung sino pa ang pamilya/malapit sayo, sila pa yung hindi masaya kung minsan nakakaabante ka sa buhay. Kaya maganda talaga keep private nlng ang lahat ng nangyayari sa buhay e.hays Goodnight noisemates..😴
Goodnight noisemates.. 😴 Ngayon palang dinalaw ng antok kahit masama ang pakiramdam. Ingat po ang lahat. And wag tayong magsawa sa pagdarasal na sana maging maayos na ulit ang buhay ng bawat isa at mawala na sana ang virus 🙏
Good morning noisemates🙂 Let's thank the Lord for another hope he gave us🙂 Kahit anong pagsubok ang dumating palagi lang tayong lumpit skanya gagaan ang lahat ng bigat na nararamdaman natin🙂
Magluluto palang ang nanay.🙂 Worth 130 pesos ulam for lunch🙂 Dapat talaga sa panahon ngayon wais ka sa pagpalengke e. Dapat ung alam mong hindi masasayang ung lulutuin mo. Kaya bihira talaga ko magluto ng gulay lang e. Bukod sa konti lang makakain ng mga bata,marami lang natitira at nasasayang lang😔 Kaya iisip ka nlng ng lulutuin mo na mura lang pero masustansya pa din naman🙂
Done eating lunch🙂 Dmi kain ng bagets. Kumain din sila gulay. 🙂 Gusto nila sa gulay nasa sabaw e..
Kakauwi lang namen ng hubby ko, dumeretso kami dito sa byenan ko kasi dito nakaiwan ang mga bata. Ayan may libreng meryenda pa. hehe Gandang gabi noisemates..
Tapos may patake home pa ang byenan ko ng natong or Laing sa tagalog🙂 Sakto may tira pang prito kanina. Perfect combination 🙂 Kaya super thankful ako sa byenan ko at palagi nya kaming naiisip lalo na ang mga anak ko🙂
Goodnight noisemates. Sana magising maaga bukas para makapaglaba hehe Before sleep pray muna na sana matapos na ang lahat ng pagsubok at malampasan nating lahat🙂 Be strong lang and have faith 🙂🙏
Good morning noisemates.. Hindi ako nakapagprepare ng breakfast ngayon, tinapay muna nakahanda sa paggising ng mga bata. Naghihintay sken ang labahin ko e.hehe Akoy maglalaba muna. Keep safe noisemates🙂
Me: Papa ikaw na magluto ha? Maglalaba ako. Hubby: OK Nako pag ito talaga pinagluto mo parang may okasyon palagi. Diosko sulit ung pagtitipid ko ng isang linggo. Sa ulam palang ngayon Lunch ubos 500 pesos nako! Walang kakain ng 2days😂😂
Panghimagas tayo.. Masarap kapag may asin hehe Kailangan kumain ng prutas din para may panlaban sa sakit. Para mawal na din sipon ko😪 Gandang hapon noisemates🙂
Cuddle weather na naman. Kaya eto nakasiksik na naman ang dalawang makulit, lakas kasi ng ulan tapos kumukulog pa.. Nakakaawa naman ung mga kailangan maghanap buhay kapag ka ganitong umuulan. Like ung mga naglalako ng meryendahan, ung mga nagkakalakal o di kaya ung mga naglilibot na nag ooffer ng service like mag ayos ng payong o magrepair ng sapatos.. Kapag mainit kasi ang panahon sila madalas dumadaan dito smen tuwing hapon e. Kaso kapag ganitong umuulan wala.. Bilib pa…
Goodnight noisemates😴 Naalala ko dati kung wala pang pandemic ganitong oras maingay pa sa labas ng bahay namen, may mga binata/dalaga o matanda pa ang nakatambay sa labas. Ngayon naman 8pm pa lang sobrang tahimik na ng paligid.. Nakakabingi na ang katahimikan🤫
Good morning noisemates. Maaga akong nagising ngayon, magpprepare ng pagkain ng asawa ko, magsideline sya ngayon hehe Natutuwa ako sa asawa ko tlaga e. Kahit anong mapagkakakitaan basta marangal GO lang at hindi nahihiya.🙂
Sinangag x itlog x Tuyo Nako itong tatlo lang solve na ang umagahan e. Sigurado mapapadami ka ng kain lalo na kung merong mainit ni kape☕ Thankyou Lord for all the blessings. Happy Sunday noisemates🙂⛪
Dirty Ice Cream🍦 Naalala ko nung bata pa ako bihirang bihira ako makabili nito kasi mahirap ang buhay namen noon at marami din kaming magkakapatid kaya hindi kaya ng budget ng nanay namen kung lahat kami bibilhan😔 Kaya ngayon ako naman ang nanay hanggat maaari gusto kong iparanas sa mga anak ko ung gusto kong maranasan nung Bata pa ako🙂 Sa totoo lang kaya ko naman sila bilhan araw araw ng ganito pero hindi ko sinasanay, saka mas masarap kapag minsan lang din. Mas…
Nag request ang mga bagets ng fried Chicken..🙂 May pa rate na naman sila 1000/10 daw ang kanilang rate😁 Kulit e kapag food lover din mga anak mo, marunong ng pa rate rate. Hehe Tara kain tayo noisemates🙂
Our body needs vitamins. Like natural vitamins. That's why I made sure that my children get enough vitamins for the food they eat🙂 Pineapple with cucumber for our dessert 🤤🍍🥒 #NoiseCash
Minsan mahirap spellingin ang mga nanay noh? Kapag gising ang mga bata at makukulit, pinapatulog, tapos kapag mahimbing naman ang tulog nila at tahimik na ang bahay parang gusto mong gisingin hahaha Gandang hapon noisemates. Tahimik ang tahanan tulog ang makukulit😁
Thankyou sa pasalubong na meryenda papa namen😁 Happy tummy ang mga bagets at ng nanay 🙂 Gandang hapon noisemates. Kape na rin ako para solve🙂😋
Kita ng asawa ko sa sideline nya today, nbawasan ko na pala kasi bumili akong ulam hehe Nakakatuwa lang kapag ganito, ung ineentrega sayo ang pera. Masarap sa pakiramdam na pinagkakatiwalaan ka nya sa pagbudget ng pera🙂 Ok luto muna ako🙂
Tinapa with kamatis talaga ay perfect combination. Hays napaextra rice na naman ako.hehe Kayo noisemates kumain na ba? Maandang gabi🙂 Ps: Yung isang pirasong Chicken tinira sana nmen yan para sa asawa ko, pero para s mga bagets na lang daw🙂
Goodnight noisemates.. Monday na naman bukas hoping for a better week ahead🙏 I'll leave it all to God😇
Hello noisemates.. kumusta kayo noisemates? Nakakaantok na nakakatamad ang panahon, lunes na lunes e 😴 So far okay naman ang araw sana derederetso hanggang matapos ang linggo🙂🙏
Late Meryenda tayo noisemate🙂 Hays pa wala wala pa din net,kaya di makatambay dito. Asikaso na rin ng hapunan after magkape🙂 Gandang gabi noise🙂
Hello noisemates.. Hays nagccrave ako sa fishball at kikiam. Unfortunately walang nagtitinda dito sa amin, puro barbecue ang tinda dito😪 Kumusta kayo noisemates?
Yey Cravings satisfied 🙂😋 Nakakatuwa naman ang panganay ko nagpasama sa kalaro nya nagbike sila ng kalaro nya sa kabilang street para bilhan akong fishball hihi😁 Swerte ko talaga sa kuya ko🙂 Manang mana sa papa nya, basta pagdating sa pagkain hindi ako pinapabayaan😂
Yung kapag may sabaw ang ulam ng byenan ko e hindi pwedeng jindi bigyan ang mga anak ko. Hehe Kanina kasing lunch nakikipagtrade ng ulam ang bunso ko kasi ayaw nya ng monggo, haha kaso gulay din ulam ng byenan ko kanina kaya no choice ang bagets hehe Kaya ayan dinalhan sya ng ulam ngayon ng lola nya🙂 Gandang gabi noisemates..🙂
*kanina nagchat ako sa asawa ko bago umuwi* Me: Papa bili ka na lang de lata kung gusto mo may ulam pang tira ung monggo, tapos nagdala si mama mo ng sabaw. Hubby: Ok po.. -Pag uwi ung de lata na dala eto🤦🏻♀️🤦🏻♀️ Ang hirap talagang magtipid kapag sya ang pabibilhin mg ulam.🤦🏻♀️ Goodeve noisemates. Kakatapos lang kumain.
Goodnight noisemates😴 Sana naman gumaling na lahat ng may sakit, lalo na ang mama ko, di pa rin magaling. Hays Sama nyo nalang din noisemates sa prayers nyo ang mama ko po. 🙏🙏
Good morning noisemates. Maulan dito smen ngayon, kaya eto parang namamagnet pa ang likod ko sa bed, kaya masaral na naman tulog ng makukulit kasi malamig. Maya2 babangon na rin para makaprepare ng almusal ng mga mahal ko🙂
Share ko lang noisemates.. Sabi ng anak ko, ilang days na lang daw birthday na nya. Sabi ko wala naman tayong handa kuya ko db? Sabi nya "opo okay lang naman po. Di ba po present nyo sken ung push pop(candy na tag 35) sabi ko opo. Kaya pala sya naeexcite sa bday nya haha Tapos ayan di ko na rin nahintay ang bday nya, binigay ko na present ko skanya na headset para magamit nya sa online class🙂 Sobrang thankful na naman sya smen ng papa nya hehe Nakakatuwa talaga ang kuya ko e🙂
Gabi na nman noisemates Lahat ba nakapagprepare na mg dinner?🙂 Ako eto pauwi pa lang galing tindahan namen🙂 Medyo maganda ngayon may mga benta rin sa Food Panda🙂🐼
Goodnight noisemates.. Tulog na rin ako masakit ulo ko gawa yata sa mata, hays Tapos inuubo pa hays Sana mawala n mga sakit² ng bawat isa para happy lang. Lalo na ang covid na to sana matapos na hays
Good morning noisemates. Maaga akong nagising ngayon.. Kaya ayan nakaabot ako ng pandesal hehe Kape at pandesal muna ako tapos laba after. Sayang e nagising narin lang ng maaga kaya laba na lang din.🙂 Ingat lagi noisemates🙂
Tortang talong x Adobong Chicken feet😋 How's everyone noisemates? Ako eto pagod kakauwi lang e. Medyo nakakapagod ang araw ko ngayon pero productive naman🙂 Good evening noisemates. Tara kain tayo🙂
Papaya for Dessert 🙂 Galing sa byenan ko hehe Ay ang sarap nito sa feeling bukas na umaga sigurado😂💩 Good evening noisemates🙂 Masarap matulog umuulan na naman🙂
Goodnight noisemates🙂 Hays hirap kapag tumatanda na, konting lamig lang ng panahon kumikirot kirot na tuhod ko. Hays😪
Good morning noisemates🙂 Ayon tatlo lang sa kaibigan ko ang ininvite ko, so far may isa ng naniwala.. Alam ko kasi makakatulong din sknila kahit papano..🙂 Sa ganitong paraan man lang alam kong makakatulong ako sa mga kaibigan ko 🙂
Share ko lang noisemates. Kahapon sumakay akong tricycle papunta sa palengke. Tapos bago ako bumaba kinausap ako nung driver sabay tanong sa akin "ay ate may pwesto pa rin pala kayo dyan?" Sabi ko naman "ay oo kuya" hindi ko agad nakilala, un pala sya ung kaibigan nung isang staff dati sa may store namen na nagsara bago pa magpandemic.😔 Lesson: Hanggat kaya pang lumaban at hanggat nakakasurvive ang business Go lang. Kahit maraming nagcclosed talagang negosyo ngayon. Laban…
Sinong may sabing madali lang magprito? Hehe Nako di nyo lang alam kung ilang isda ang nadurog ko sa pagprito para lang matuto magprito hehe Tip#1: Dapat mainit na ang oil mo bago mo isalang ang isda. Tip#2: Dapat malakas ang apoy. Tip#3: Lagyan mo ng mga 3 kurot ng harina ang oil bago isalang ang isda or icoat mo mismo ung fish ng flour ng very light lang🙂 (Mas effective to napeperfect ko talaga ang pagprito ng isda) Gandang tangali noisemates..
My first try to cook mussels🙂 May pritong isda ako niluto kasi ayaw naman ng mga bata ng tahong, pero atleast makahigop sila ng sabaw ok na un atleast makakuha sila ng sustansya galing sa tahong. Itong ginataang isda naman is galing sa byenan ko. May dessert pang kasama hehe hindi nakasama sa pic.. Done eating noisemates . Kayo dyan?
Masarap sa pakiramdam kapag mahal ng mga lolo at lola nila ang mga apo..🙂 Eto may patake home ang lolo at lola ng mga anak ko para sa mga bata🙂 Happy ang makukulit🙂 Maulan na gabi noisemates🙂
Nakatulog nko nagising ako bigla may nagbabarilan sa tabi ko😂 Aynako itong asawa ko tinamad yatang kunin ang headset sa baba or talagang mas bet nyang walang headset. Pasaway..🤦🏻♀️🔊 Goodnight noisemates. Tulog nko ulit.😴
My son and his father's snore is like music to my ears🙂💤 Yes maingay pero kahit sabay2 sila naghihilik ok lang, masarap pa din pakinggan knowing that they can sleep peacefully 🙂 Goodnight noisemates . Tulog na ulit ako🙂
Good morning noisemates. Ambilis naman ng araw, sabado na agad.🙂 And himala for this week ngayon palang ako gumising na hindi umuulan hehe mukhang maaliwalas ang maghapon ngayon🙂 Happy weekend noisemates.. ingats..🙂
Nako nag eexperiment na naman ang anak ko. Minsan nagwoworry din ako sa mga Life hacks na napapanuod ng mga to e hehe Kaya palagi ko silang pinagsasabihan na never try something they'd watched on YouTube without me. Relate din ba kayo mga momies?😁 Gandang tanghali noisemates🙂
I remember those times. Nung college kami ng asawa ko and kapag nagccrave kami sa pizza, since estudyante at walang pera eto lang afford namen. Share pa kami hehe 30pesos lang ata ito that time e🙂 Kaya nung nagkawork kami pareho(working student) super saya namen kasi tinetreat namen ang sarili namen ng Pizza, take note Greenwich na at family size pa tapos kami lang kakain😁 (matakaw po talaga kami) Up until now kapag tight ang budget at nagccrave ng pizza, dito muna tayo sa…
Goodnight noisemates.💤😴 Masarap matulog malamig..❄️⛄ Anyway share ko lang to, natatawa lang kasi ako haha Bat kasi may mga taong makapagpost nlang without even knowing if the information they share on socmed are true🤭 Naging kawawa pa tuloy si kuya na nag aantay pala ng service at naging masama pa image ng may ari ng suv😂 *CTTO of Photo
Got this photo on my fb memories 🙂 This is my baby girl when she was 4 months old only🙂 Nakakamiss din ung times na maliliit pa sila, hehe ngayon kasi kahit gusto nila magpakarga sken katawan ko nasuko malalaki kasi haha Yung panganay ko mag 9yrs old kasing laki ko na halos e😁 Yes maski malalaki na sila nagpapakarga pa sila sken, haha ganon kasi kami kclose ng mga bata, mayat maya rin sila nakayakap at nkakiss sken kahit minsan mainit ang panahon🤦🏻♀️ Good morning…
Papawis now, Lafang later😂😂 Eto na naman tayo self. Pinapagod ang sarili tapos mamaya bawi din sa kain hahaha sorry na masarap kasi talagang kumain e😁 Nakakatamad kasi ang panahon dito smen ngayon, makulimlim na ewan kaya ayan need magpapawis para ganahan kumilos🙂 Hmm ano kayang masarap na ulam ngayon? Sa araw araw na pag iisip ng ulam mauubusan ka talaga ng maiisip e😂
Late ang aming lunch.. kakatapos lang kumain,late nakauwi galing bayan at may inasikaso.. Kaya ayan biling ulam na muna. Pero ung sabaw galing sa mahal kong byenan hehe Gandang hapon noisemates🙂
Kape tayo noisemates🙂☕ Kakatapos lang mag Gen.Clean. Kmusta kayo noisemates? Ako eto pagod, konting pahinga lang asikaso naman ng hapunan 😇
Very well said baby boy.🙂 Wow at a very young age narealized ng bata that there's something wrong with the lesson🙂 Goodnight noisemates. Magrest akong maaga, pagod maghapon e..😴 *CTTO of photo*
Good morning noisemates🙂 Happy holidays! Monday na naman, bilis ng araw ilang linggo nlng may pasok na naman sa school ang mga bagets. Hopefully next year wala ng covid para face to face classes na ulit. 🙂
Kainis kapag sinisipon. Wala tuloy maisip kung anong iuulam haha nakakatamad magluto 😶 Kayo noisemates ano ulam nyo? Gamdang umaga🙂
Back up! Back up! Marinated Chicken Poppers para sa aming munting tindahan🙂 Isa ito sa nga product namen na binabalik balikan, especially ng estudynte. Lalo nung may face to face classes pa. Palagi kaming Sold Out. Nakakamiss na rin ang may Face to face class. Struggle din talaga kasi talaga ang negosyo e. Pero keri lang, laban pa din kahit mahirap🙂🙏💪
Bless to have a generous neighborhood 🙂 Apakabait naman ng kapitbahay namen, may pa pipino at kamatis hehe Gandang gabi noisemates. Walang maisip na ulam kaya we decided na mag pansit nalang para sa aming hapunan🙂
Pansit bato♥️ Pansit bato, isa sa kilalang pansit dito sa amin, masarap nito may kalamansi. Pero mas bet ko ang suka na binabadan ng sili🤤🌶️ Yang ang hapunan namen kanina.. Buti na lang mag Chef ako haha Kapag ganitong nagccrave ako at hindi ko kayang lutuin e to the rescue ang hubby ko♥️ Gandang gabi noisemates🙂
Napakabilis naman ng araw. Ber months na agad bukas. Sana ganon din kabilis mawala ang covid at mga sakit sakit na nararamdaman ng bawat isa. Nakakastress na din kapag may nararamdaman e. Kahit anong ingat mo kung talagang magkakasakit ka hindi ka makakaiwas e. Anyways, ingat2 nlng noisemates🙂 Good morning 🙂
Stop muna ako sa pagscroll sa kabila, medyo nakakastress puro aksidente nakikita kong post. Ung isa pa nga kagabi lang patay ung isang rider kaklase pa pala ng asawa ko nung high school😪 Nakakastress din na may mga ganyan pang balita sa panahon pa ngayon ng pandemic hays..
Tulog pa ang mga bagets wala akong maisip na ippameryenda. Medyo wala ako sa mood magluto ngayong mga panahon e. Hays Maulan na hapon noisemates..🙂 Masarap sana champorado kaso wala naman nagtitinda dito😔
Ang hirap magluto kapag wala kang panlasa hays. Buti nlng sila na nag request ng ulam nabawasan ako ng isipin. Tagatikim nlng si kuya ko kung Ok ba timpla ng luto ko kasi dko talaga malasahan hehe Good evening noisemates. Eto hapunan namen kanina🙂
Good morning noisemates. Hays pumapatak na naaman ang ulan duto smen. 1st day of September pa naman. Sana blessings naman ang matanggap ng bawat isa simula ngayong ber months. Lapit na bday namen ng anak ko. Good health at mawala na sana ang virus ang aming wish🙏🙏