read.cash Log in
@RoninTenebris more from that month

Bungang-isip

- Ronin Tenebris Tahimik ang paligid at nag-iisa lamang ako sa aking silid. Maraming bagay ang naglalaro at pumapasok sa aking isipan. Hindi ko maiwasan ang hindi mag-isip sa mga maaaring solusyon sa aking itinatagong karamdaman. Hawak ang pluma at papel ay isusulat ko na lamang ang mga katagang nais sabihin ng ng nakatikom kong mga labi. Ayoko kong ibunyag sa lahat ang aking dinaramdam sa takot na baka ako ay mahusgahan at pagtawanan. Lumalandas ang mga luha sa aking mga mata habang isinusulat ang mga kataga at hinahayaan ang aking sariling damhin ang kalungkutan na namumtawi habang ako ay nag-iisa. Pagkatapos niyon ay inihanda ko na lamang ang lahat lalong-lalo na ang aking sarili. Iniisip na muli ko nang makakamtan ang kaginhawaan pagkatapos ng aking kadramahan ngayong araw na ito. Handa na ang lahat sa aking naisipang plano. Isang ngiti anga muli kong pinakawalan sa aking mga labi. Subalit nanlaki ang aking mga mata dahil sa lamig na aking nararamdaman. Isang puting damit na nakalutang ang unti-unting namumuo sa aking harapan. May mahaba at maiitim na buhok ang babaeng kaharap ko. Nakayuko ito at ilang sandali pa ay tumingin ito nang deretso sa akin. Napasigaw na lamang ako sa aking nakita. Ang babaeng iyon ay ako. Namumugto ang mga malulungkot na mga mata. Isang bagay ang aking nakita sa kaniyang leeg. Mayroong nakataling lubid. Unti-unting lumabas ang dila nito at sa isang iglap ay nanginig ang buo nitong katawan. Napakusot ako ng aking mga mata. Hindi ko na ito makita pa bagkus ang aking nakita ay ang lubid na aking itinali na nasa aking harapan. Ang taling handa na sapagkuha ng aking buhay na aking wawakasan. Napaluha na lamang ako dahil sa aking nakita. Kinuha ko ang lubid at hindi na itinuloy pa ang bagay na naisip kong solusyon sana sa lahat ng aking mga problema. WAKAS

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.