Happy Tuesday morning to you all, dear noisers! Now lang ako nakapag-post uli dito kasi naging busy na naman ako, lalo na kahapon. Nasira Kasi ang gripo sa kitchen namin noong isang gabi. Na-roasted ito kaya halos magdamag na tumutulo. Nagpunta pa ako sa mall sa may Handy man para bumili ng Goose Neck Wall Tap kahapong past 10 in the morning. Stainless na ang binili ko para safe ang tubig at para hindi sirain na gaya ng dating nakakabit dito. Pag-uwi ko dito ikinabit ko na agad, para mahinto na iyong pagtulo ng tubig. Nagustuhan ito ni misis kasi noon pa niya sinasabi na ganito ang gusto niya. Para hindi siya nahihirapan pag naghuhugas siya ng mga hugasin at ng mga lulutuin niya rito. Mababa kasi dati ang gripo dito, ngayon mataas na at di na siya kailangang yumuko. Ang mga gumawa kasi ng kitchen namin noon ang namili ng mga ginamit na gripo dito, noong nasa labas pa ako ng bansa. Pinicture ko ang dati at iyong naikabit ko na ipinalit ko dito. Pati iyong box na pinaglagyan nito para may idea kayo sa presyo sakaling gusto ninyong magpalit ng faucet. May 3years warranty pa gaya ng makikita sa pinicture ko. May you all have a wonderful day ahead, dear noisers! #nori23
No comments yet