read.cash Log in
@Roni more from that month

UPO Magandang hapon mga ka-noise! Kaninang umaga pa sana ako magpo-post itong unang pinicture ko dito sa malapit sa amin kaninang umagang nag-biking exercise ako. Kahit 6:24 am na diyan wala pa ring araw. Pero sa buong mag-hapon hindi naman umulan dito kahit papikit-pikit ang araw dahil sa makapal na ulap. Ngayong hapon pagdating ko dito sa bahay pinicture ko naman itong snack ko, pansit guisado na ang gulay ay upo, sinahugan ng pork liempo. Habang tina-type ko ito naubos ko na. Nasarapan naman ako. Kapag may nabiling upo si misis ganiyan lagi ang niluluto, puwedeng pang-snack at gawing ulam din. Baka late na kaming mag-dinner nito. Kayo mga ka-noise, anong luto ang ginagawa niyo sa upo? Enjoy your dinner later, but in the meantime, let's make noise here😂🤣😂

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.