Magandang umaga, pilipinas! Kauna-unahan kong pagbati ito sa channel na ito. Sana malugod na tanggpin ang pagpasok ko. Ako'y isang buwan pa lang sa platform na ito, pero napakasarap ng feeling na napabilang ako dito. Araw-araw dumarami ang mga kaibigan ko at nagmula pa sila sa iba't-ibang lugar ng Pilipinas at may taga-labas pa ng bansa. Araw-araw din akong naaaliw sa mga post ninyo mga kaingay ko, sa mga kwento ng buhay ninyo ako'y natututo, at lalong napapalapit sa inyo ang kalooban ko. Sa palagiang pakikipag-ugnayan ko sa inyo, nadarama ko na kayo'y malapit kong mga kaibigan. Nakaka-amaze talaga na sa isang buwan ko pa lang dito, ngayong umagang paggising ko, pag-open ng noise account ko, may 193 subscribers na ako. Maraming maraming salamat sa inyo mga Mahal kong kaingay. Asahan ninyo na nandito lang ako para suportahan kayo sa mga pinagsumikapan ninyong ibahagi dito at patuloy din akong makikipag-ugnayan sa inyo. Wala ako dito o tayong lahat kundi siyempre kay noise cash na sa kaniya ang unique na platform na ito, na nagbibigay ng walang kapantay na tuwa at saya sa ating mga puso. Hindi man ako mahusay na writer pero sinisikap kong i-express ang tunay na damdamin ko at sa channel na ito ko naisip i-post ito para malaman ito ng PILIPINAS! #Nori23
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet