Masarap na tanghalian sa inyo mga ka-noise! Share ko lang sa inyo ngayon itong lunch dish ko. Mixed ito na asadong chicken and pork. Gustung-gusto ko ito kapag ganitong sobrang lambot na. Lasang- lasa ang mga ingredients na inilagay dito. Isa lang ito sa napakaraming masasarap na putahe na iniluluto ng mga taga Pampanga. Gaya ng menudo, patatim, murkon, kilain, adobong puti na pata at marami pang iba. Bagamat by nature Ilocano ako pero sa tagal ko na rin dito, nagustuhan ko naman lahat ang iba't-ibang masasarap na putahe na iniluluto nila. Maging iyong mga delicacies nila dito ay talagang masasarap at dinadayo pa ng iba o kaya ipinapadala sa mga kamag-anak nila sa abroad! Ikinuwento ko ito para lalo tayong ganahang kumain. O kain na tayo mga ka-noise. Mamaya natin ituloy ang kuwentuhan. Ano ang ang masasarap na ulam niyo diyan? Enjoy your meal and eat well, my noisy friends! #nori23
No comments yet