read.cash Log in
@Roni more from that month

Magandang lunes ng umaga mga noise friends! May pahuhulaan ako sa inyo mamaya sa bandang huli nito. Halos 30 minutes na akong dumating dito sa bahay mula sa pagehersisyo. Nagpahinga lang ako sandali, pagkatapos niyaya na akong mag-almusal ni misis. Nakahanda na lahat, kasi hindi siya sumama malamig daw kasi sa labas at madami daw siyang gagawin ngayon. Pagkatapos naming mag-almusal sinabi niya na maligo na ako. Nilagyan daw niya ng mainit na tubig iyong pampaligo ko para maging maligamgam, kasi sobrang lamig ng tubig baka mabigla daw ang mga nerves ko. Iyon naman ang lalong nagpa-ibig sa akin sa misis ko, ang pangunahing apat na katangian niya na nagsisimula sa letrang M. - Maalaga, maalalahanin, masipag at maganda siyempre. Hindi ako agad pumasok sa banyo para maligo, Kasi may pinahulaan muna siya sa akin kaya natagalan ako. Heto ang pinahulaan niya, "sa panahon natin ngayon, ano iyong pinaka- nakakatakot?" Inabot ako ng halos 15minutes , mali lagi ang sagot ko. Kundi ko sinabing sirit na di pa niya sasabihin dahil nag- aalala ako at baka mawala na ang ligamgam ng tubig at lumamig ulit. Kayo mga ka-noise ano ang sagot ninyo sa tanong niya? Sikat daw ito ngayon at alam ng lahat. Just comment down below, friends! #nori23

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.