Happy blessed Sunday mga Ka-noise/Ka-Pilipinas!!! Maganda ang weather dito sa lugar namin gaya ng makikita sa magkasunod na larawan dito na pinicture ko kaninang nag-biking exercise ako. Gusto ko ring samantalahin ito para pasalamatan kayo mga kaibigang ka-noise na walang sawang nagse-share sa akin ng mga blessings ninyo kahit wala akong naibabalik sa inyo. Kahapon mga past 7 am, nagulat ako may Ft ako, pero $0.2 lang, pero sa tuwa ko ang unang nakita ko sa notif ko ay ang reply ni @piiyah25 sa comment ko sa post niya, kaya siya ang kauna-unanahang binahaginan ko ng na-receive ko. Isa talaga siya sa mga generous noisers dito na laging nagbibigay sa akin kahit wala akong naibibigay. Pero hindi lang siya ang gumagawa noon, nagkataon siya ang unang nabuksan ko sa notif. Marami dito, pero di ko na iisa-isahing babanggitin at baka may makalimutan ako. Ayaw kong may magtampo, dahil pare-parehu lang kaibigan ang turing ko sa inyo na patuloy na nagbibigay ng support sa akin. Lalo akong na-surprise nang after kong bigyan siya ng ft, nasundan iyon ng nasundan. Itong isinama ko sa post ko na ini-screen shot ko past 6pm na iyan. Bale maghapon na akong nakapamahagi niyan basta may free time ako kahapon. Maraming-maraming salamat sa inyo mga ka-noise at siyempre kay @noisecash dahil siya ang pinagmulan ng masaya at mabuti nating samahan dito at ng mga blessings na ibinibigay niya sa atin. Sana tayong lahat ay magkaroon nito para lalong sumigla at maging maingay tayo dito sa noise! Hahaha! Good morning everyone!
6 comments
Keep on interacting lang at you will have more.
Salamat sa motivation, ka-noise!
Congratulations po ka noise!
Salamat, ka-noise!
Same to you! Enjoy your Sunday
Enjoy your day too, ka-noise!