read.cash Log in
@Roni more from that month

Magandang tanghali mga ka-noise! Ngayon lang ako uli nagkaroon ng time para bumati sa inyo. Heto na ang lunch ko ngayon. Paksiw na bangus. Nakasumpong na naman kasi ang rayuma sa paa ko, kaya iwas muna ako sa mga may buto na gulay at sa matataba. Nakuha ko ito mga kaingay matagal na, noong sa work namin bumagsak ang chain block sa may paa ko. Ang dulo ng sapatos at medyas ko sa may tapat ng mga daliri ko naputol. Ang akala ko pati na ng mga kasama ko, naputol din ang mga daliri ko. Salamat naman sa Diyos nang alisin ko ang sapatos ko at medyas wala namang bawas ang mga daliri ko. Laking pasasalamat naming lahat at ganon lang ang nangyari. Pero mula noon lalo na pag malamig ang panahon sumasakit ito, nauwi sa rayuma. Kaya kain na tayo baka mapahaba pa ang kwento ko at magutom kayo. Enjoy your meals mga mahal kong mga kaibigang kaingay! #Nori23

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.