Magandang tanghali mga mahal kong kaingay! Share ko lang ang niluto ni misis. May nag-lakong ampalaya at isda kanina, iyon ang na-ipasiya niyang lutuin. Sabi niya naka-mura siya dito kumpara sa pinakbet na iniluto niya noong minsan, hindi ko yata nai-post iyon. Itong ampalaya 3pcs, 40pesos lang. Iginisa niya sa bawang, sibuyas at kamatis, sinahugan niya ng kaunting liempo. At nag-prito lang siya ng tilapia, 100 per kilo lang na ibinigay ng suki niya, kaya sabi niya medyo naka-tipid siya sa budget niya ngayon. Buti hindi niya na tinanong kung ano ang lulutuin niya bukas? Kagabi kasing nag-hahapunan kami iniisip niya agad kung ano ang iluluto niya hahaha! Baka patiuna na niyang napag-isipan ngayon. Pagkatapos kong mag-pahinga ng kaunti babalik na ako sa ginagawa ko pero bibisitahin ko muna kayo dito, after kong i- post ito. Enjoy your lunch, noise mates!
2 comments
Ganun po ang mga ilaw ng tahanan kakakain pa Lang nag iisip na ng ulam o lulutuin bukas o mamaya hihihi
Talagang parang uniform ha? Iisa ang nasasaisip ninyo. Sa bagay kami namang mga mister ang laging iniisip naman kung iyong sasahurin ko ba ay sasapat para sa budget sa bahay ni misis hehe.