read.cash Log in
@Roni more from that month

Happy blue sky, Pilipinas! Maaga akong gumising ngayon para makapag-bisikleta muna bago mag-almusal at mag-start sa anumang nakatakda kong gawin sa araw na ito. Heto ang hitsura ng panahon dito sa lugar namin, mga kaibigan ko. Maaliwalas at asul ang kalangitan, kaya tiyak na maganda ang pagsikat ng araw maya-maya lang. Mangilan-ngilan pa lamang ang gising dito sa dinadaanan ko. Palibhasa mahirap bumangon ng maaga kapag ganitong malamig ang panahon, kaya tulog pa ang marami dito. Pero iyong mga papasok sa mga trabaho nila ay nagre-ready na rin. Kayo diyan mga kaingay, abala na rin ba sa paghanda ng almusal, o sa pagpasok sa school o sa trabaho, o nag-ehersisyo pa ring kagaya ko? Pero anuman ang inyong pinagkakaabalahan, mag-ingat lang kayo, mahal kong mga kaingay! Pagpalain nawa ng Diyos ang bawat isa sa atin sa maghapong ito.🙏 #Nori23

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.