Early lunch tayo mga ka-noise! Very light lang kasi ang breakfast ko kanina dahil nag-aapura ako dito. Hindi na rin ako nag-meryenda para tipid pa, hehehe! Okey naman at sinigang na bangus ang niluto ni misis. At itong pinakbet kanina. Kapag ganitong nagugutom na, tiyak na mapaparami ang kain ko kaya pinadagdagan ko na ang kanin ko. Pasens'ya na pala, after kong mag- bike kanina di na ako naka-reply sa mga ka-noise natin dito. Nagmamadali kasi ako. Maraming salamat pala sa lahat ng bukas palad na mga kaingay natin dito. Gusto ko rin sanang i-post ang mga names nila, mula pa kahapon pati na ngayon, pero di ko alam kung screen shot ko ba o ano. Baka kasi napagkamalang scam or renoise. Gayunman sinisikap ko namang i-visit sila sa kani-kanilang profile timeline para pasalamatan sila at nang makita ko rin ang mga latest post nila. At pumipili rin ako ng binibigyan ko ng tip, depende sa content at iyong parang konti pa lang o wala pa siyang nare-receive na tip. Pero ang ginagamit ko rin ay ang laman ng wallet ko. Kasi natutuwa ako na makapag-share din kahit paano sa mga kaingay natin dito.😊 Tara, kumain na rin kayo para sabay-sabay na tayo! #Nori23
No comments yet